Tuesday, August 22, 2006

balooooottttttttttt


Habang nakatambay sa garahe, at naghihintay ng iba pang mga kasamahan para magcelebrate, dahil may bagong member na naman ang GPS, hayan biglang dumating si manong magbabalot..

Ayan na naman, natatakam na naman ako at hindi ko mapigilan.. Dahil wala akong pera kahit singko sa bulsa, kaya ang kaibigan ko ay hinablot ko at nagpalibre ng isang balot..

Ewan ko ba kung bakit naging paborito ko na ang balot, ang sarap kase nito, lalo na ang sisiw.. Habang binabalatan ko ito, unti-unting tumutulo ang sabaw nito sa kamay ko, at patuloy na nananalaytay sa braso ko papuntang siko. Agad agad ko naman itong hinigop.. srlrrpppppp.. yum yum.. may kasama pa itong masarap na suka.. hindi na magkamayaw ang bibig ko sa pag higop..

Inuna kong kainin ang kulay dilaw na parte, sarap.... at ang sumunod ay ang sisiw, sisiw na nilunod ko sa suka bago ko isubo.. swabe ang sarap..

Hindi pa ako nakuntento sa isa, para bang hinahanap pa ng bibig ko ang masaap na lasa.. ang sabaw na mainit init pa... na enganyo na ring kumain ang mga kaibigan ko.. hanggang sa namalayan ko, nakakatatlo na pala ako...

Gusto ko ng ipagtabuyan si manong dahil hindi ko mapigilang kumain, wala na rin akong pera. Hihirit pa sana ako ng isa, buti na lang naubos na ang tinda ni manong... Matapos ang trenta minutos, parang nag-iiba ang pakiramdam ko.. nahihilo akong hindi ko mawari.. epekto yata ito ng balot...

9 comments:

  1. nyahahahha! bakit ako di matutong kumain ng balot? swear, never ko pang na try kase naman nakakakilabot ang makita yung sisiw tas kkainin....

    tumutulo ang lawa ko pero di dahil gusto ko ha, parang sumasama pakiramdam ng sikmura ko heheheh


    sama ka ba sa eb namin nina rho at mam teks, tara...iwan ka sa tagboard ko ng message. sa tuesday na yun, sa calamba at 10 am.

    ReplyDelete
  2. naku fren..mahilig ka pala sa balot!naglaway ako ah!mmmmmm....pero fren..di ako kumakain nyan...baka this time parang gusto ko na ata!;0)

    ReplyDelete
  3. clown di ka talaga matututong kumain ng balot, kase hindi mo tinatry.. nakakadiri sa una, pero maaappreciate mo rin eventually.. pero kung di mo talaga kaya, wag na lng.. hehehehe..

    Whaaaaatttt?? sa tue?? as in Aug 29??? Naku, fully book ako ako.. (hahahaha, in demand). Mag-aabsent ako nun, pero sasamahan ko sis in law ko sa medical city and besides, bday ng bestfriend ko un..

    Hay naku Ev try mo, masarap yan.. da best.. pagbalik ko ng davao kain tayo nyan.. hahahahaha. or kung sakaling pumunta ka ng manila, papakainin kita ng balot..

    ReplyDelete
  4. wahhh,di ako kumakain ng balot..

    mukhang kasarp mong kumain ah,may slurp pa,hehe..

    ReplyDelete
  5. Nubayan at tlgang kinwento mopa pati pag tulo ng sabaw hahah!! namiss ko tlga ang balot.. hay ang sarap nyan... enge ako!

    ReplyDelete
  6. @ghee

    ghee, you're back.... musta naman?? namiss kita ah..

    masarap talaga.. hahahaha

    @TK
    Para mas feel, kaya kinuwento ko..hahaha. chige,padadalhan kita ng balot..hahahaha

    ReplyDelete
  7. shuuuu ussh... nakatatlong balot ka sa isang gabi?!? lupit mo huh raz...

    ingats lang po ma-cholesterol po sya =) kaya ka nga nahilo eh, malamang naumay ka na mwehehe!!!

    ReplyDelete
  8. nasusuka na nga ako.. kaya siguro ako nahilo... bah, may time ka yatang magblog ngayon...

    ReplyDelete
  9. [url]http://hometown.aol.com/gambling0208casi/online-casino-gambling-poker-slot.htm[/url]

    ReplyDelete