Punta don punta rito, wala pa naman akong matinong tulog. Pagkabalik sa bahay ng alas otso ng umaga, aba ang kaibigan ko noon pa lang titinbang timbangin ang mga dadalhin. Susme, inabot kami ng isang oras at kalahati kakatimbang, baka kase mag-excess. Ewan ko ba kung bakit hindi pa kagabi ginawa.
Alas nwebe y medya, ng umalis kami ng bahay, at kelangan nasa makati kami ng 10am for the ticket. Ngak, goodluck sa akin.. Ayan at pinagpapawisan na ako, dahil sa pressure na malate kami sa 10am, ayan pa ang traffic. Ok na sana kung traffic lang, pare parehas pa kaming geographically idiot.
Ay sus, hayan ang mapa, pakitingin na lang kung saan ang thai airways. Ang matindi hindi pa marunong magbasa ng map si mia, ay sus talaga. Ako, alam ko pagnasa ayala na, kaso hindi ko kabisado ang mga one way na daan. Delikado, mahigpit pa naman sa makati..
Eventually, napagtanto namin kung saan dadaan, unang disgrasya, dahil sa patingin tingin ako sa mga landmarks, baka kase makalampas kami, hindi na ko nakafocus sa pagddrive, biglang BLAG!!!, ooooooooopppss, ano yun?? Darn, may taong nagbukas ng pinto ng sasakyan na nasagi ko, pero parang walang nangyari, diretcho lang ako, kala ko nasagi lang ang kamay. Sa wakas nakarating din kami sa patutunguhan, pagkatapos kong magpark, tiningnan ko ang passenger side, nak ng teteng, may gasgas si esme.
Nakakaasar talaga. Lalo akong pinagpawisan, malalagot ako sa kuya ko. Habang, kumukuha ng ticket si mia, pinag-aral na namin ni ate yvel ang map at kung saan kami daan, papuntang airport. Ayan, makati ave, then edsa na lang.
Ok, makati ave, pero san na tayo? Kaliwa, kanan? One way yata? Kelangan sa kabilang lane, ok… Sige, hanap na lang tayo ng U-turn.. sige, kaliwa ka jan?? broooommm,, ooops, orange na ang stop light, no choice na ako, kung hindi ang ideretso, kase mabilis ang takbo ko, hihinto lang sa gitna.
Pagkalampas ko, ayan na ang mga nakayellow, kumakaway.. pakers talaga.. Darn! Pagminamalas ka nga naman. “hija, red na, ah” nak ng pating, anung gusto nyang gawin ko, tumigil sa gitna? Pucha talaga.. Ayan, walang nagawa ang beauty naming tatlo, kinuha ang lisensya ko.. kung kelan nagmamadali, dun naman, napakaraming abirya.
Bumaba ang mia, mayamaya bumalik sya sa sasakyan, pumasok… nagmamakaawa na kami, reckless driving daw un at kung tutubusin mo sa LTO, may fine na 2thou.. Leche talaga, ayan na negotiation na, “ano po ba ang gagawin natin?” Si mia, naglabas ng isang daan.. Hindi daw pede yun, aba maya maya pinaclose na ang windo, nga naman, baka may makakitang nangongotong sya, aba ang gusto pala limang daan.. Damn it talaga, ang kakapal ng mukha… hindi ko maatim na tingnan sya habang inaabot ang limang daan..
Kakalungkot talaga, hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayaring yun. Hindi na nga ako nakapag-emote dahil aalis ang isa sa pinakaclose kong kaibigan, dahil sa mga mokong nay un. Kasumpa sumpa ang mga nakayellow na uniporme sa makati…