Thursday, September 14, 2006

Padagdag na lang po…

“Padagdag na lang po”, that’s a famous line from a taxi driver when it’s traffic, too far, at lalong lalo na pag-umuulan.

Ate yvel and I watched movie at SM sta. mesa to unwind, hindi naming namalayan lakas na pala ng ulan sa labas. Kaya ng oras na ng pag-uwi, dahil sa umuulan, naisip na naming magtaxi. Aba, sandamakmak na tao ang nakita namin sa harap ng SM, mga nakaupo at tila ba naghihintay sa kawalan. Mayron namang ginawa ng luneta ang main entrance.. Dahil na rin siguro sa walang masakyan, kaya kung anu-anong ginagawa para hindi mainip.

Lipat naman kami ng paghihintayan, labas pasok kami ng mall para matingnan kung saan ba mas madaling sumakay. Ayan at natigil kami sa side ng mall, sa hintayan ng taxi.

Para hindi mainip, inumpisahan ko ng buksan ang M&M na binili namin sa grocery kanina.. Aba, malapit ng maubos wala pa ring taxi, pero unti-unti na ring nawawala ang mga tao. May mga kanya kanyang sundo na.

Mukhang aabutin kami ng pagsikat ng araw kung maghihintay kami don, kaya box out ang labanan.. takbo rito takbo roon, sa wakas nakasakay kami ng taxi.

Unang banat ng taxi driver “padagdag na lang po, kase baha”.. Sabi naman ng friend ko “Manong walang baha sa daraanan natin” tuturo ko ang daan.. Walang nagawa ang manong kundi ang sumunod na lang.. Hindi nagtagal, baha na nga. Ikot kami, balik sa dating lugar…

Si manong nagkakamot na ng ulo, at maya”t maya ang reklamo. Ako nagpipigil lang, dahil naiinis na ako kay manong dahil sa mga himutok nya. Maya maya, ayan na ang traffic, as in hindi na halos kumikilos ang mga sasakyan. Galit na ang manong.. Ikot na naman kami.

May nadaanan kami baha, siguro hanggang sakong, kung tutuusin nasa baha na sya at binabaybay ang baha, mga 2metro na lang at mababaw na (kabisado ko ang kalye) aba, bigla ba namang niliko at hindi raw kakayanin.. Nampucha naman o, e yung dinaanan nya same level dun sa dadaanan nya papuntang bahay.. How stupid. Si raz nagpapakabuti na, kaya pinili kong manahimik.

Ok, diretso na kami sa bahay ng friend ko, wala ng choice, natawa na lang ako, kase sa loob ng subdivision, may baha… wala ng magawa ang manong driver.. hahahahahaha. Walanjo, ang bill namin sa taxi 120.00 pucha, SM sta. mesa lang yun hanggang sa may Lourdes hospital..

Mga taxi driver nga naman, kung ayaw nila ng traffic at baha, bat pa kase bumabyahe ng umuulan? Tapos, maaasar sila. Nakakatoxic yung ganon ah, sa lahat ng ayaw ko yun maiinitin ang ulo sa traffic.. E di wag ka na lang magtrabaho kung ganon din lang. Dami dami pang reklamo, padagdag ng padagdag, kaya nga may metro. Yung iba naman pag di mo alam ang lugar, sasamantalahin na. Pagkakataon na ito. Marami talaga rin ang mapagsamantala, kaya walang kaunlaran.

6 comments:

  1. sister... ang puso mo!! cool ka lang, ikaw yata ang nainit ang ulo e! hehehe...

    pa-hug ngaaa!! mwuaaaahuggggzzz!

    ReplyDelete
  2. aww,taxi...

    ako,sanay na...mapa baha or maganda ang weather,"taga" ako sa taxi..di ko maitago sa kanilang "balikbayan" ako,hmmpp!

    yung iba,di na nagsasalita dahil expected nilang may tip sa kin.

    kaya mas gusto kong may sundo :)

    ang kainis lang,kahit bulok yung taxi,demanding pa ang driver,hayy naku..

    ReplyDelete
  3. rho, mainitin talaga ulo ko sa taxi driver.. kala nila maiisahan nila ako.. hindi no, alam ko na mga style nila..

    thnx for the hugs and kisses... mwahh!

    ghee elite ka kase sister.. hahahahhaha. kelangan binabatukan yang mga yan e.. e ako nga di naman balik bayan, balik manila lang, basta galing airport, padagdag pa rin..

    un nga e, yung halis pati panty mo may pawis na sa init ng taxi nila, aba, dagdag pa rin.

    ReplyDelete
  4. Bru hindi lang mga taxi driver gumagawa nyan.,.. heheh gawain ko rin yan. pag nabili ako ng fish ball "manong dagdag nman ng isa oh"! o kaya pag namamalengke, pag nabili ng gulay "Dagdag nman Te". dba ganun naman tlga tayo. Kung hindi mo matawad e magpadagdag ka nlang! heheh!

    ReplyDelete
  5. [url][/url] [url=]online poker inspector profile[/url] online poker inspector profile [url][/url] [url=]online strip tease poker[/url] online strip tease poker [url][/url] [url=]las vegas poker chips for cheap[/url] las vegas poker chips for cheap [url][/url] [url=]online poker buy stuff[/url] online poker buy stuff [url][/url] [url=]playboy bunny poker chips[/url] playboy bunny poker chips [url][/url] [url=]dice striped poker chips 115 grams[/url] dice striped poker chips 115 grams [url][/url] [url=]clay poker chips hot stamp[/url] clay poker chips hot stamp [url][/url] [url=]online poker monthly bonus[/url] online poker monthly bonus [url][/url] [url=]superior poker online poker free chip five dollars bonus[/url] superior poker online poker free chip five dollars bonus [url][/url] [url=]online free strip poker games[/url] online free strip poker games

    ReplyDelete
  6. [url]http://www.geocities.com/las236hoyle/casino-online-gambling.htm[/url]

    ReplyDelete