Saturday, September 23, 2006

Not again..

Alas sais y medya pa lang ng umaga, nakikipagsapalaran na ako sa kalye, kasama ang aking kaibigan. She’s a bit pressured kase flight na nya ng 11am, and she still has to pick-up her ticket at makati. Nagkataon pa namang nasira ang aircon ni esme (short for Esmeralda, name ng sasakyan namin).

Punta don punta rito, wala pa naman akong matinong tulog. Pagkabalik sa bahay ng alas otso ng umaga, aba ang kaibigan ko noon pa lang titinbang timbangin ang mga dadalhin. Susme, inabot kami ng isang oras at kalahati kakatimbang, baka kase mag-excess. Ewan ko ba kung bakit hindi pa kagabi ginawa.

Alas nwebe y medya, ng umalis kami ng bahay, at kelangan nasa makati kami ng 10am for the ticket. Ngak, goodluck sa akin.. Ayan at pinagpapawisan na ako, dahil sa pressure na malate kami sa 10am, ayan pa ang traffic. Ok na sana kung traffic lang, pare parehas pa kaming geographically idiot.

Ay sus, hayan ang mapa, pakitingin na lang kung saan ang thai airways. Ang matindi hindi pa marunong magbasa ng map si mia, ay sus talaga. Ako, alam ko pagnasa ayala na, kaso hindi ko kabisado ang mga one way na daan. Delikado, mahigpit pa naman sa makati..

Eventually, napagtanto namin kung saan dadaan, unang disgrasya, dahil sa patingin tingin ako sa mga landmarks, baka kase makalampas kami, hindi na ko nakafocus sa pagddrive, biglang BLAG!!!, ooooooooopppss, ano yun?? Darn, may taong nagbukas ng pinto ng sasakyan na nasagi ko, pero parang walang nangyari, diretcho lang ako, kala ko nasagi lang ang kamay. Sa wakas nakarating din kami sa patutunguhan, pagkatapos kong magpark, tiningnan ko ang passenger side, nak ng teteng, may gasgas si esme.

Nakakaasar talaga. Lalo akong pinagpawisan, malalagot ako sa kuya ko. Habang, kumukuha ng ticket si mia, pinag-aral na namin ni ate yvel ang map at kung saan kami daan, papuntang airport. Ayan, makati ave, then edsa na lang.

Ok, makati ave, pero san na tayo? Kaliwa, kanan? One way yata? Kelangan sa kabilang lane, ok… Sige, hanap na lang tayo ng U-turn.. sige, kaliwa ka jan?? broooommm,, ooops, orange na ang stop light, no choice na ako, kung hindi ang ideretso, kase mabilis ang takbo ko, hihinto lang sa gitna.

Pagkalampas ko, ayan na ang mga nakayellow, kumakaway.. pakers talaga.. Darn! Pagminamalas ka nga naman. “hija, red na, ah” nak ng pating, anung gusto nyang gawin ko, tumigil sa gitna? Pucha talaga.. Ayan, walang nagawa ang beauty naming tatlo, kinuha ang lisensya ko.. kung kelan nagmamadali, dun naman, napakaraming abirya.

Bumaba ang mia, mayamaya bumalik sya sa sasakyan, pumasok… nagmamakaawa na kami, reckless driving daw un at kung tutubusin mo sa LTO, may fine na 2thou.. Leche talaga, ayan na negotiation na, “ano po ba ang gagawin natin?” Si mia, naglabas ng isang daan.. Hindi daw pede yun, aba maya maya pinaclose na ang windo, nga naman, baka may makakitang nangongotong sya, aba ang gusto pala limang daan.. Damn it talaga, ang kakapal ng mukha… hindi ko maatim na tingnan sya habang inaabot ang limang daan..

Kakalungkot talaga, hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayaring yun. Hindi na nga ako nakapag-emote dahil aalis ang isa sa pinakaclose kong kaibigan, dahil sa mga mokong nay un. Kasumpa sumpa ang mga nakayellow na uniporme sa makati…

10 comments:

  1. razzzzzzz... waaaaaa.. ano bang malas ang inabot mo? grabe un! di kinaya gn powers ko, dapat kc gabi palang inayos na ung mga gamit. tamo ko 10 minutes before the flight kakarating kolang! nyahahha

    ReplyDelete
  2. uhmmn akala ko walang kotong sa makati .... huwaw nagdadrive ang lola ko ..... kaingget... teka may coup sa Thai, papunta friend mo dun? saya nyan dami tangke sa kalsada :)

    ReplyDelete
  3. hindi ko syado ma-figure out ang sitwasyon dyan sa manila coz i've never been in the place...pero ganyan talaga ang lyf my fren..kung kelan ka magmamadali saka ka susubukin ng pagkakataon!

    ang lungkot lang dahil sa mga tao sa palibot...nakakadisappoint sila.

    ReplyDelete
  4. kasumpa sumpa talaga!

    jan sa makati,may mga na ka yellow uniform jan na nagtatago,di namin kabisado,so pag lampas namin dun,yun,kumakaway sa kin,ang ate ko ang nag da drive di nya napansin.

    pero ang kyut nya..sabi nya,may dalawa kayong options:kukunin ang license at tubusin daw namin after 3 days,or pwede this day daw at bayaran namin ng 500 php.

    sabi ko ,di pwede yun!(mataray pa)

    so,wala na kaming option?sabi nya,yung pangatlo alam nyo na yun!

    so,sabi ko,ano nga??para malinaw?
    kotong na yun,Ma`am,hehe,at nakuha sa 200 daan,binibigyan ko ng 500 ayaw nya,aba,mabait pa sha nang konti ha?

    ReplyDelete
  5. Lee, kamalasan talaga ito.. Ewan ko ba sa babaeng yun at kung kelan oras na, don nag-aasikaso..

    MAs, malupit ka parin, 10min ka na lang e..

    ReplyDelete
  6. Melai, basta in da pilipins, kahit saan pa yan may kotong..
    OO nga, ginagawa na nga nila akong driver, huhuhuhu... Pero, mataas talent fee ko.. hahahaha. Pag punta mo dito ipagddrive kita.. hehehehe

    Hindi sya sa thai, stop over lang..

    ReplyDelete
  7. Hayaan mo EV, pag punta mo dito ipapasyal kita, sa masalimuot na lugar ng manila.. hehehehehehe

    Iba dito, hindi katulad sa Davao, disiplinado tao sa inyo, hindi katulad dito..

    I really miss davao....

    ReplyDelete
  8. Ate ghee, aba, buti sayo mabait.. hindi masyadong garapal..
    Pumayag ng 200 lang, at ayaw ng 500, kakaiba yun ah..

    ReplyDelete
  9. ahh akala ko sa thai e :)..heheheh sabi mo yan ha pagdadrive mo ko ha :)

    ReplyDelete
  10. aysus!! kamalas-malasan naman talaga sister!! buti na lang at hindi ka napano, nakotongan nga lang! tsk.. tsk!

    ReplyDelete