Monday, November 24, 2008

Uwi na sana…

Lately naaadik kami sa CS. Galing kay T-bird ang installer, naisipan maglaro ng dumating ang oras na sinasawaan mo na ang magbrowse ng Friendster at mag upload ng pictures sa Multiply..un e pagkatapos ng work.. ehehhe.. dadalawa lamang kami nagpapalipas ng oras, OT daw pero kalahati nun CS na.. Hanggang sa di namin namamalayan, ang ingay na pala namin.. na-enganyo tuloy si binladdin na sumali na rin… Medyo dumarami ang populasyon, pero secret pa rin to.. hehehe.. mabait naman kami, tuwing lunch break lang at uwian ang ratratan.. Pero ngayon, hindi pwede si boss chief amo kase halos 5 dangkal lang ang agwat ng mga laptop namin, at mapatingin lang sya sa side ko, mahuhuli na kami. Bat kase ang tagal pa nya umalis naka-hang tuloy ang network namin sa CS… hayayay… uwi na nga lang..

Oooopppsss…. 2bottles again??? Ayaw ko nga… tamad na ko no.. tsaka no to beer na ko…muna.

Friday, August 22, 2008

Pagbabalik?!?

Nasa katamaran mode ako ngayon, pinipilit aliwin ang sarili. Nagbukas ng friendster, pero hindi naman ako na aliw, hmmm, ayaw ko naman sa multiply kase wala pa ako magandang mga photos na na-uupload.. Bigla kong naisip ang aking bahay, na matagal na palang nakatiwangwang. Naisip ko bigla ang mga dating kakwentuhan, mga kaibigan na minsan mo lang makita, pero alam mo ang pangyayari sa buhay nila. Kakamiss din pala.

Heto ako ngayon, tinitingnan kung marunong pang mag blog, anu na nga ba? Kamusta kaya ang mga kapitbahay ko? Nabaon na kaya ako sa limot? Well well well, ang drama.

Try ko lng tong i-post, ehehehe.. kase namiss ko na..

Thursday, April 3, 2008

Mahabang katahimikan

Ilang lingo na rin akong wala sa online world, pero ganun pa man, lagi kong naiisip, kamusta na kaya sila? Ang mga kaibigan ko sa kabilang mundo, anon a kaya ang bago sa kanila? Kamusta na kaya?

Ilang beses na akong nag attempt na bumalik, pero hindi talaga kinakaya ng oras ko. Miss ko na talaga ang magsulat, magkwento at magbasa ng kwento ninyo.. Ngayon, susubukan ko ulit magsulat, magkwento at makibalita, miss ko na talaga to..

E ano ba pinagkakakaabalahan ko? E marami masyado, attached ako siguro ngayon sa mga offline friends. Maraming trabaho at kung anu-ano pa.

Eto ang isa sa pinagkakaabalahan ko ngayon….





YEAH, i got it.. weeehhhhhhhhh... papunta kaming baguio nun nag decide na ako na bibilhin ko na talaga..


Photographer na po ako, at ginive-up ko na ang pagiging model.. missing na ako sa mga photos, pero sarap ng feeling pag nakaka-capture ka ng nice shot, o kaya, nagagandahan ang mga models mo sa mga pictures.. i love this shot...



Yan, mga shots ko... pang beginner lang po.. pedeng magcomment.. kanakabisado ko pa cam... kuha po yan nun nagpunta kami sa anawangin...

Sunday, February 3, 2008

Gloc Gloc

Gloc Gloc, kalimutan na yan

I stopped. Yes I stopped drinking alcoholic drinks…they won’t believe me, but I really do.

Ganito ako dati:

Nun nasa kolehiyo pa lamang ako, occasionally lang ako kung uminom, pero yung occasionally nay un e todo ang inuman, lasing kung lasing.. I became a pro drinker when I was in 2nd year college. May cousin thought me..hehehe. Uso pa nun ang gin pomelo. Since lagi kami lang naiiwan sa house, pag me drama kami sa life, gin pomelo lang katapat nyan.. Imagine, 2 lang kami sa isang gin.. hehehe. And every time na magbbirthday ako, laging may session na magaganap, tapos hanggan umaga, hindi makabangon ang mga bisita, slumber party ito.. hehehhe..

Na experience ko rin na one week akong straight na umiinom, (kasalanan to ni MD, hahahaha.. kase I a-abandon nya kami) so para maawa sa amin, inuman na lang.. pumapasok ako na antok na antok pa sa office.. Grabe, sobra bad ko..hahahaha. Then yun--------wahhhh..yoko na nga pagkalat, nakakahiya.

Basta naiuwi na ko sa bahay ng knock out, nasa clubhouse kami, dito sa amin, tapos ayun sa sobrang dami ng naimum… Dun ako nalagot sa parents ko. As in, halos wala na akong mukhang iharap sa family.. NAsa rule ng pamilya na bawal yun. Kaya naman kinausap ako ng masinsinan ng nanay ko kung may problema daw ba ako, at ganun na ang nangyayari sa akin..waaaahhhhh… Silang lahat ay nagulat sa akin.. kase nga hindi mo i-eexpect, na ako pa, magkakaganun. Awwww. Good image ba..

Kaya nga hindi na ko naglalasing…

May mga technique na ako sa inuman..

  1. Kung iinom ka, huwag pagsabayin ang pagsasayaw at pag-inum, huwag masyadong magaslaw.
  2. Para hindi masama ang lasa, magsip muna ng chaser, don’t drink it all, tapos inumin ang hard liquor, tapos inum ulit ng chaser.
  3. Kung mahina sa inuman, huwag madaliia ang tagay, medyo patagalin ang interval.
  4. Huwag iinom ng walang laman ang tyan, pero huwag din kung sobra busog.
  5. Isa lang klase ang inumin, rhum kung rhum, brandy kung brady or vodka kung vodka.

Ganito na ko ngayon:

Pede naman tayong mag enjoy ng hindi umiinom. Kape kape na lang o kaya dinner dinner.. tama na ang bar bar.. hehehehehe. Pambata lang yang inum inom..hehehe.


Natawa ako nun nakita ko to sa mga files ko, dated March 3, 2007. Kase umiinom napo ulit ako, pero hindi na katulad dati. Controlled na ngayon, and very seldom na talaga. Bakit nga ba kase umiinon? E diba hindi naman masarap ang lasa nun? Well, it’s the bonding, masarap din makipagkwentuhan habang may iniimon, basta wag lang sosobra, at wag papakamatay sa pag-inom..

Tuesday, January 8, 2008

Simply perfomer..

Heto na po mom ann ang kwento... Pasensya na at natagal, hehehe...

Well, well well, talagang lalake ako.. hahahahaha.. Ewan ko lang kung bakit maraming hindi naniniwala. Pag may lalake na pumuporma, at medyo kweng kweng, isa lang ang sinasabi ko, "pasensya ka na, pero di tayo talo, may gf na ako" wahahahahahahaha.. sabay kuha sa wallet ng picture at ipakita ang kung sino mang gf ang maisipan ko. Tapos reaction nila " whaaatt?? di nga? sayang naman..." Tapos parang gustong kang hablutin at gawing babae... nyahahahaha.. kaya nga ayaw ko ng gawin yun, baka mawala ang aking puri, kung meron man...

Pero gwapo ako, wahahha... ayan ang katibayan sa previous post. Wala naman, akong kamalay malay, nanggaling ako sa isang meeting nun araw na yun, meeting na animoy nasa pressure cooker ako... at pag balik ko ng opisina, Raz, magperform ka bukas ha... "what?? ng anu?? bukas?? e kamusta naman ang praktis?? anu to impromptu? artista ba ako??" Pero inexpect ko na yun, hahaha.. e wala namang ibang makapal ang mukha kundi ako, isama mo pa si jazz, na isa ring makapal ang mukha.

So ayan na nga po, ang tema ng christmas party ay MTV.. so so so... magbackstreet boys daw kami at ang mga boys, ay spice girls... syempre naman, pumayag na ako, since, medyo hindi na ako makikilala nyan, dahil iba nga ang looks.

Brain storming ng steps sa sayaw, aba naman mahirap un ha, buti sana kung kayo kayo lang, e dyoskopo, buong ENP (Ericsson Network Phil) kaya un.. PEro ok lang, matagal ng makapal mukha ko. Aba, hatinggabi na, kalahati pa lang nabuo namin..
Kinabukasan.. Normal na sa akin ang busy... At dahil ayaw ko naman mapahiya ang group, sya sige, takas muna.. praktis muna.. tapos, last minute, nagbago kami ng i-peperform.. Heto ang finished product..hehehe




The backstreeboys

Galing ng tattoo ko, anaconda yan, pumayat lang ako, kaya naging bulate, un nasa right side naman agila un, naging mukhang mcdo lang kase pumayat nga ako... ahhahahahaha






"Spice girls"


Habang hinihintay namin ang turn namin, nasa gilid lang kami at umiinon ng beer, na hindi ko na talaga nabilang kung naka ilang glass ako, nakastraw pa un.. beer na inistraw.. hehehe, para may lakas ng loob na magperform. naramdaman namin na parang nakakalasing ng tumayo ako, at nagready... kamusta naman un..hehehehe



Halata bang mga tipsy na?? hehehe

At dumating na ang aming pagkakataon.... mapapanood nyo po dito... At ang spice girls naman ay dito. Maraming cut dito, ewan ko nga ba kung sino nagpost nyan sa youtube..


"Unang adik"


O di ba, astig....


Pagkatapos namin, naramdaman ko ang pagtipsy.. heheheheh... naka 6 bottles yata ako ng beer na may straw pa.. Sayang nga lang, hindi kami nanalo, kase nagkaroon ng technical problem ang music ng spice girls... sayang talaga.. nagkaiwan na kase.. tsk.. to the highest level pa naman performance namin..


After the mtv performace, heto na ang pagbabagong anyo....









pa girl

Mga 5 min lang akong naging girl, hay, last minute shopping pa naman yan.. dyuskopo, after magtalo kami at matapos ang presentation, uwian na.. waahhhhh.. hayz..

Akala ko tapos na ang lahat kinabukasan, hindi na mapapag usapan.. aba, nasa lobby pa lang ako ng building, parang lahat ng tao nakatingin sa akin. NAk ng, pangit ba suot ko?? At ng nasa 20th floor na ako, kantahan daw ba ako ng backstreet boys, aba naman... ganun ba un?? super inalaska nila ako... adik daw ako.. nyah, e syempre performance level... ako pa?? e sus, sanay naman ako humarap at magconcert sa maraming tao, e yun pa?? wala lang naman sa akin yun, game naman ako sa mga ganyang show.. ahehehehe.. in other words, makapal lang talaga mukha ko.. naconcious tuloy ako..

Aba, at kahit first hour pa lang sa ofis, naka upload na angvideo, ng napanood ko, ok naman... e talagang ganun pag nagpeperform diba?? ayaw ko kase nun, nagpeperform ka tapos mukha kang nahihiya, mas kahiya hiya yun.. pero, kahit hindi ko kakilala, aba, narerecognize ang feslak ko.. nyah!!!...nu ba yun... well, artista ba?? nyahahahaha.... and besides, ako lang inaasar nila, e samantalang mas adik pa sa akin ang pinagagagawa nila....