I’m not really into mountaineering or hiking, kase feeling
ko ang bilis kong mapagod, and hindi ko ma-grasp yung idea ng pamumundok, thou
lagi kong sinasabi pag may dinaramdam or problema ako gusto kong mamundok. I
was invited by my friend Jack, since I just wanted to have some time, some
fresh air, me time… and this invitation was perfect. I don’t know anyone but
Jack. Overnight pa ito, so bahala na sya sa akin wala akong tent at lalong wala
akong mga kung anu anong gamit pamumundok. I just have my shoes and bag good
for hiking.
We just bought something that we need:
Headlamp (kase overnight nga)
Insulator – (para pangsapin sa tent para hindi lamigin
ang likod)
Sleeping bag- (kase malamig daw sa camp site)
and…. Hindi mawawala sa check list, 3L of water each..
wow ha, parang ang bigat naman yata. Goodluck sa akin.
Call time 5am. Hindi ko alam kung bakit ako
nagpapapaniwala kay Jack, ang aga ko kaya, takot akong maiwan no. Sa kasamaang
palad, umalis kami mga 8am na. Diretso LRT papuntang pasay, medyo nabibigatan
ako kase hindi ako marunong talaga mag empake ng konte.. plus I have my camera na
naka separate ng bag. Buti na lang wala masyadong hassle sa LRT ng pagbulatlat
ng bag. Sumakay kami sa Munoz station then baba ng Pasay station, kase dun kami
sasakay ng jeep papuntang Ternate Cavite. Meron silang hired na jeep for us and
other group.
We arrived at Ternate Cavite around 1130AM. Register
muna sa jump off. Then we start trekking at around 1145AM.
Starting Point
Rolling
Mawawala ang pagod dahil sa kulit ni owel
Base Camp 1
After maglunch, start ulit ng lakad. Pero habang tumatagal, pabigat ng pabigat ang bag ko at pahirap ng pahirap ang dinadaanan.. Nakaka limang steps pa lang ako, take 5 na agad.
Ang dami kong pahinga dito.
Finally, we reach the camp site at 430PM. Super pagod, ang lamig sa camp site. Malakas kase ang hangin, and the view, wow. Worth it. Halos puno na ng tent ang camp site, buti na lang may mga nauna na, na mga kagrupo naming at nakapagpareserve ng space sa may puno, para safe ang tent sa malakas na hangin.
Camp Site
All set, pati yung maliit na kubo na occupy namin. Sa sobrang kakulitan ng mga kasamahan namin, naging parang comedy bar ang lugar namin. Pati mga foreigners na umakyat, nakihalubilo na sa kakulitan namin. Dito mo mararanasan yung umiinom ng emperador na walang chaser ahahaha, kase nagtitipid sa tubig. At medyo minamalas lang talaga, nahigad pa ako, first time ko to. Ang hapdi pala nun at super itchy.. Akala ko me something lang sa jacket ko, higad na pala. Our dinner? Pakbet and adobo. Ang sarap, kumpleto sila ng gamit at masarap magluto ang cook. Busog lusog. Sulit na sulit ang pag akyat, hinding hindi ka magugutom sa kanila.
Sangkap. Parang wala sa bundok. ehehhe
Master Chef
Super hapdi at kati
Dahil na rin siguro sa sobrang pagod, kahit nagkakatuwan pa sila umidlip muna ako. Nagising ako umaga na, sunrise na.. ang pinakahihintay ko na time para sa pagkuha ng mga pictures.. Wala ng mumog mumog o hilamos, kase on the way na sila papuntang summit. So go na, pare pareho naman kaming walan hilamos. Mahirap din ang papuntan summit, it will take you 5mins, at magagamit mo talaga pati kamay mo sa pag akyat.. gapang na. halos 90deg na ang bundok. Kahit yung ibang mga boys sa sobrang steep at lakas ng hangin halos liliparin ka na, na chicken out na. But I manage to climb pa, sayang naman nandito na rin lang e, panindigan ang pagiging matapang.. ahahaha
View of camp site from the summit
And I guess I now know the answer why they wanted to climb
mountains, ang sarap lang sa pakiramdam. Yung paghihirapan mo muna bago mo makita
yung ganda. Iba ang feeling. Ang masarap pa, you never know what’s in store for
you. When you’re on top, parang ang peaceful. Lahat ng worries mo nawawala sa
mga nakikita mong tanawin. Parang na hit yung refresh button mo. And that time,
that’s the thing I needed the most, to have peace of mind, my first step to
repair something in me.
After magmuni muni sa summit, bumaba na kami para mag
prepare sa pagbaba ng bundok. Nakakaliw rin lang ang mga kasama naming at
talaga dito napaisip ako na pwede naman pala talga yung travel light. Ahaha.
Akalain mo nga nabitbit pa nila ang kusina nila sa bundok..
Exploring things beyond your comfort zone with new people is definitely a great experience.
Considered the highest mountain of the province of Cavite, Mt. Pico De Loro (also known as Mt. Palay-Palay) is so called because of a unique rock formation near its summit. Pico De Loro, in Spanish, means Parrot’s Beak. It was said that the name was given by Spanish mariners who have used the mountain as a directional landmark whenever their galleons approach the port of Manila through Manila Bay.
Vital details
Height: 664+ MASL (meters above sea level)
Difficulty rating: 3 (out of a maximum of 9); Minor Climb
Located approximately 85 kilometers southwest of Manila by road, the mountain actually lies along the boundary of the provinces of Cavite and Batangas. - aboutph.com