Sunday, January 28, 2007

Dare?!?

Gusto ko sana magpost ng kwento after the party, kaya lang I wanna share this thrilling part of my life today..

A year ago, I was really eager to learn how to drive a motorcycle.. Uso na kase dito sa pinas ang motor.. My brother bought one, an XRM Honda, kaya ayan, lagi lagi ko syang kinukulit na turuan ako.. Lahat ng favor nya sa akin, ang kapalit ay i-drive ko ang motor nya, (I don’t even have a licence then, kaya hesitant din sya na turuan ako). Pero makulit pa rin ako, kaya napilit ko rin sya isang beses.. wow, sarap palang magmotor. Yung nga lang sa continuous nya akong tuturuan kung makakaya kong akayin ang motor at itayo ang motor mag-isa.. (using the center jack, dunno kung jack ang tawag don or stand, yung ginagamit para matayo ang motor alone.)

Aba, after our session, halos hindi ako makagulapay, ang bigat, sakit sa katawan.. para akong narape ng sampung beses.. sa liit ba naman ng braso ko tas, itatayo ko mag-isa yun.. yay.

So that’s the end of the session, hindi na nasundan yun. But when I got my licence pinalagyan ko na talaga ng restriction 1 un (for motorcycles) if in case, makapag-aral ulit ako.

And this day… Nagamit ko yata ang mga tinuro sa akin.. Meron kase sa office na mga motorcycles, used for site survey.. But I never used it pag ako nagsusurvey, kase car pinapagamit nila sa akin…hahahahahahah. Ayan tuloy dina ko pinagsusurvey..

When I got to the office this morning, naabutan ko pa ang mga engineers na magsusurvey for the day.. May gagamitin silang sasakyan at masyadong malayo ang mga sites para magmotor, kaya naiwan ang motor sa office. Then kuya dong asked me if I can drive the motorcycle home (magkapitbahay lang kami kase). I was half kidding, at hindi ko talaga sure na madadala ko yun.. hindi pa ako nakapagdrive ng motor, sa loob lang ng compound namin.. Pero nag yes pa rin ako.. So naiwan ang motor sa akin..

Time na ng uwian, kinakabahan na ako.. kaya ko ba?? My gosh.. parang may naghahabulang daga na sa dibdib ko.. kaya ko ba talaga?

Nasa car park na ako, no turning back na ito, alangan namang iwan ko na lang ito dun.. start… ayaw mag start… nakasampung pagpastart yata ako.. ang mga daga, sinamahan na ng pusa..nangalabog ang dibdib ko..

Ok nagstart na, first gear (ganon din ba tawag pag motor?) Naalala ko, nun tinuturuan ako ni bro, nilalagay nya sa 3rd para hindi mabigla ang hatak.. pero hindi sya pumapasok sa 3rd, first lang.. Ok, subok, brrrommm, waaahhh, humarurot, halos hindi ko na macontrol, muntik na.. whew! Di ko talaga kaya, tawag ako kay kuya dong, “hindi ko kayang iuwi, iwan ko na lang kaya dito?” Tawa naman sya sa akin, “sige iwan mo na lang”…

Balik ako, pero at the back of my mind, kaya mo yan Raz…parang andun yun urge.. And I love adventure and risk.. Mas naiisip ko ang risk, mas gusto kong gawin.. dare para sa sarili ko.. Parang pag hindi ko nakaya, I’m a looser..

Dahil nagpupumilit ang utak ko na kaya ko, try ko kung papasok sa 2nd, pumasok.. pinihit ang accelerator ayan… nahahandle ko na… then I decided, I’ll go.. Imagine from ayala to sta. mesa ang route ko.. Keep in mind, slowly but surely, wag mabilis at wag ng sisingit.. when I was driving along ayala, I feel free, grabe ang thrill, parang gusto ko sumigaw. Ang galing, sarap ng hangin.. Sarap ng feeling…

Pero dahil medyo may pagka geographically idiot ako, medyo naligaw ako ng konti.. hehehehehe. Sarap talaga ng feeling na na accomplish mo ang isang bagay.. oooppss, wag nga pala kayo maingay sa bahay, mayayari ako..

Dinaan ko pa sa bahay nila bestfriend ko, natuto rin ako ng may back ride, kaya lang ang bigat, mas delikado.. for sure, bukas masakit ang katawan ko..


Sometimes in life, you must have enough courage to get want you want.. To accomplish something, just ignore the risk, but take note the extra precautions. Life is full of risk, take some of it… you may not get it at the first time, try it again, you might get it this time..

Wednesday, January 17, 2007

Party, party, party..

Hindi ako makapag-update agad, nahihighblood ako sa PLDT DSL... grrrrr... laging down, kala ko wala ng mas worst sa smart bro... kung magpapa broadband kayo, try nyo globe, baka ok..

Kahit sawi kami sa nakaraan kompetisyon, walang makakapagilil para ipagdiwang ang pasko.. Ang tanong may pera pa ba ang GPS?? Wala na yatang pang party… Dahil naubos na nun nakaraan competition at sa bagong damit.. So paano na??

Still, kahit walang pera go pa rin. Hindi pwedeng natalo lang tayo e, magpapakalungkot na tayo.. Let’s paaartyyyyyyy.. wohou..

Concept: Pajama Party.
Location: Kina Jay, pero masikip don, tsaka hindi tayo makakapag ingay, kina len, masikip din don, yoko dun, mainit pa.. E di sa rooftop, lalong hindi pede, hindi tayo makakapag-ingay. Ok fine, e di sa clubhouse, nyeh, may bayad, tsaka walang privacy, dinadaan ng mga taong galing parking yun e. Pero clubhouse pa rin pinaka ok, kahit hanggang anong oras pede, at higit sa lahat pedeng mag-ingay at hindi masikip. E pano ang privacy, gawan na lang ng paraan..
Solution: para walang bayad, si kuya nel ang nakipag negotiate sa kinukuhanan ng permit; (ok na, walang bayad). Privacy: lahat magdadala ng kurtina… problem solved.. Let’s party…..
Food: Finger Foods. Lahat ng section may naka assign na food. No problem.
Drinks: May mga magdodonate ng wines, at ang iba ay ambag ambag na lang para sa water and softdrinks. All set..


Mukha bang naghihirap kami?? :)

Kainan na....

Games, games games... Bakit ba ako nakaganyan?

Tulog na tayo...

Awards... Kanya kanyang kawirduhan..



Modelo ng vodka.. :)
Sobrang enjoy talaga ang party na ito. For three years, ngayon lang naging ganito ka ayos at kasaya, kahit nagkakapikunan sa pag prepare..








Wednesday, January 10, 2007

Then...

New year na pero pang 2006 pa rin ang post ko, hehehehehe. Wala lang since parang hindi nagpasko sa bahay ko, pede pa rin siguro..

After those sad moments during the competition, well I have to get rid of it.. Thanks to clark ang lana, nalibang ako ng husto, hindi lang naaliw, naadik na rin.. hehehehehe. Na hook ako ng sobra sa smallville, dati nakikihiram lang ako ng DVD sa officemate ko, ngayon bumili na ako..hehehehe.

Dati isa akong yagit na squatter sa room ni kuya nel, nakikinood pag wala sya at pag dumating na sya, nakikiusap ako na makinood.. may TV kase sa room nya and DVD player… ako, tanging PC ko lang, kaya lang walang DVD sa pc ko..waaahhh.. Ako lang dito sa bahay ang walang TV sa room. (kawawa naman)

Ayaw ko kaseng ilagay sa room ko yung TV sa baba kase I don’t have a lot of space. San ko naman isisiksik dito yun? And I don’t watch TV; I don’t have time for it. Pero minsan gusto kong bitbitin sa kwarto ko at pagkasyahin, kaya lang ano naman ang gagawin ko sa TV? Wala na kaming cable, wala rin akong DVD, kakasikip lang.

Since walang gumagamit ng TV sa baba, nakita ko na lang nasa harap na ng pinto namin.. waaahh, balak itapon ni kuya arnan… whhhaaaatt? Ok lang sya, aba parang pinupulot lang ang TV sa kalye ah.. Topak kase yun, pag hindi ginagamit, gusto tapon, ayaw ng masikip.. kulang na nga lang itapon na pati sala namin.. huh! KAla siguro nya sira na yung TV, ah ewan ko sa kanya.

Naisipan naman ni kuya arnan ngayon na magpakabit na ulit ng cable, nasangkot tuloy ako.. syempre share share ng bill.. kaya ayan, napilitan akong iakyat ang TV… Useless pa rin ang TV, nakikinood pa rin ako ng smallville sa kabilang room, naawa siguro si kuya arnan, kaya niregaluhan nya ako ng DVD player… huwaaaaawwww… Finally, makakanood na rin ako ng smallville ng walang hassle at may pakinabang na ang TV ko. Ang masaklap, darating na ang bill ng cable, di ko pa napapakinabangan, nakakalimutan ko kaseng bumili ng splitter (ssshhhhh).

Kaya ngayon, walang tulugan, kahit may work kinabukasan nood pa rin, nakakaadik… (kaya rin pala hindi ako makapagpost, kakanood ng smallville, hehehehehehe)

*******

Some of our pics during the competition.. kakapagod ito.. :)


At vivere suites.. (Elimination)


At UST.. Finals...

Vivere Suites finals... (Judge si Jed Madela cute pala yun, and superb ang boses galing)

Friday, January 5, 2007

So what happened…??

It’s been a long time since I last visit my blog. Busy I guess or maybe I’m kinda lonely kaya nagpapakabusy..

Pero busy talaga ako. Hehehe.

Sad maybe because, things don’t fall in their respective places. After the competition, nagmuni muni talaga ako. I never thought it could be this hard, just for me. I seek for an answer, bakit hindi ngayon? Bakit hindi namin nakuha ang title ngayon? I need it now, because I’m really not sure if I still be at the group next year for another battle. And besides, we have an upcoming major concert; of course we need a concrete title for it.

But then I realized, siguro hindi pa time. No matter how hard you pray, how eager you are, minsan talaga hindi Nya ibibigay. I guess the group needs to fall hard, feel the pain of losing before we attain what we wanted. Mas masarap daw kase, pag naramdaman mo muna ang pain. We need to be broken and down, so the group will be whole again, stronger and unbeatable.

On a brighter side, it’s really nice to compete.. The best ang mga pangyayari. GPS is a really young group, 3 years pa lang kami, ang kalaban namin, 10 years and above, well experienced na talaga, beterano kung baga.. Kami ang mga bagong salta, mga rookie.

3 years na kaming nagcocompete. 2004 una kaming sumabak sa labanan, ang lakas pa ng loob namin, konti pa lang kami, pero go pa rin… 13 pa lang kaming singers nun. Sobrang hina pa naming kumanta. Take note, contest na namin, hindi ko pa kabisado ang lyrics ng kakantahin.. waaah, at ang ibang singers ay ganon din.. Sobrang bago, ang aim lang namin nun first time ay makaexperience. Yun ang una naming pagkatalo, no hard feelings, hindi masakit, kase we know where we stand.. It’s just for fun..

2nd time around.. Pinaghandaan talaga, sobrang disiplina sa sarili.. No hanging out late, kase mapupuyat, nakaksira ng boses, walang ice tea, juice at kung anu-ano pang matatamis.. vocalization araw araw.. our piece was arranged by our conductor, at lumaban kami as one big family.. Under dog pa rin kami, kase hindi kami kilala, nagpapakilala pa lang.. And take note, kahit tulog kabisado ko ang lyrics at tono. And we made it that far, nagkapangalan, hindi man kami nag champion sa finals, pero nakilala kami na choir na hindi basta basta.. Masaya, pero sa isang competition narealize naming na mas may magagaling pa talaga.

This is our third time, pinaghandaan din naming to, kase alam na namin ang mga makakalaban. Alam na namin ang mga dapat gawin.. But when we’re there, we really don’t know what happen, first competition, isa sa mga kilalang choir nandun, we perform the contest piece, almost perfect, as in the best, everybody said that. But when it comes to our choice piece, pumalpak, we rehears it well pero pumalpak.. We didn’t have any place after all.. Nakakapanghina, pero sabi nga, may bukas pa, at bukas makakaharap ulit natin sila. Kinabukasan, we did very good, hindi na pumalpak, but still we didn’t make it.
Sa bawat competition may iba ibang battle field.. Yan ang hindi namin na anticipate. Kala namin dati, ok na kung alam mo un place, dry ba ito, aircon, open air…etc., meron pa pala. It will always depend on the judges, if they want showmanship, work for choreography. Hindi lang boses ito, there’s a lot more. Dami namin natutunan ngayon, know the competion, pang masa ba ito, pang intelehente, pang show…. At least we know now.. We’re happy because we got this far, to be a finalist is a big thing already, marami pa palang magagaling na choir… marami pa talaga.. Along the way marami pang matutunan, hindi lang one sided…

Hindi pa siguro kami hinog sa ngayon, marami pa talagang dadaan na bumpy, maybe God doesn’t give us what we wanted, because He has a better plan, I know there is, maybe I can still be in the group for the next battle, only God knows… Continuous prayer na rin dapat… :)