Wednesday, January 17, 2007

Party, party, party..

Hindi ako makapag-update agad, nahihighblood ako sa PLDT DSL... grrrrr... laging down, kala ko wala ng mas worst sa smart bro... kung magpapa broadband kayo, try nyo globe, baka ok..

Kahit sawi kami sa nakaraan kompetisyon, walang makakapagilil para ipagdiwang ang pasko.. Ang tanong may pera pa ba ang GPS?? Wala na yatang pang party… Dahil naubos na nun nakaraan competition at sa bagong damit.. So paano na??

Still, kahit walang pera go pa rin. Hindi pwedeng natalo lang tayo e, magpapakalungkot na tayo.. Let’s paaartyyyyyyy.. wohou..

Concept: Pajama Party.
Location: Kina Jay, pero masikip don, tsaka hindi tayo makakapag ingay, kina len, masikip din don, yoko dun, mainit pa.. E di sa rooftop, lalong hindi pede, hindi tayo makakapag-ingay. Ok fine, e di sa clubhouse, nyeh, may bayad, tsaka walang privacy, dinadaan ng mga taong galing parking yun e. Pero clubhouse pa rin pinaka ok, kahit hanggang anong oras pede, at higit sa lahat pedeng mag-ingay at hindi masikip. E pano ang privacy, gawan na lang ng paraan..
Solution: para walang bayad, si kuya nel ang nakipag negotiate sa kinukuhanan ng permit; (ok na, walang bayad). Privacy: lahat magdadala ng kurtina… problem solved.. Let’s party…..
Food: Finger Foods. Lahat ng section may naka assign na food. No problem.
Drinks: May mga magdodonate ng wines, at ang iba ay ambag ambag na lang para sa water and softdrinks. All set..


Mukha bang naghihirap kami?? :)

Kainan na....

Games, games games... Bakit ba ako nakaganyan?

Tulog na tayo...

Awards... Kanya kanyang kawirduhan..



Modelo ng vodka.. :)
Sobrang enjoy talaga ang party na ito. For three years, ngayon lang naging ganito ka ayos at kasaya, kahit nagkakapikunan sa pag prepare..








6 comments:

  1. gumaganda tau kafatid ah...hmmm...nways, ang saya ng pix nyo, i miss my choir nuong medyo kumakanta pa ako sa church...this reminds of my groups before...if ony i could bring back time, pero tuwing naalala ko yun, natatawa na lang ako sa dami na rin ng napgdaanan namin noon tulad ng pinagdadaanan nyo now.

    keep it up!its not a matter of winning a contest after all, it's how you give your best and how you cherish each other, and value your group.

    misyah!

    ReplyDelete
  2. slumber party!!haha!ang saya!!

    hindi halatang naghihirap kayo :)
    yan ang hirap sa party,preparations at cleaning up :)
    at least,enjoyed naman,db?
    modelo pa ng vodka,lasingan din pala :)

    ReplyDelete
  3. enjoy na enjoy talaga!! yahhhhooo! mabuti yan at least, buo pa rin kayo at nakapag-celebrate pa! o db? sosyal... hehe!

    hapi weekend sis!

    ReplyDelete
  4. Ang saya nga! Alam mo yan ang di nararanasan ng mga teen-agers dito, dami kasing bawal sa kanila.

    Overnight ba kayo? Ready to sleep na kasi ang party nyo.

    ReplyDelete
  5. @Ev
    dati na akong pretty..hahahahahaha. masaya rin, daming events ngayon,blessings..
    Kaya nga ngayon, ang mga pasaway ay bigyan ng leksyon...hehehehehe. miss you too.

    @Ghee
    Hirap talaga ng preparations and cleaning up.. dyan madalas magkaroon ng initan ng ulo.. this year was the most succesful party we ever made.. kontrolado ang lahat, kahit maiinit na ang ulo..
    Lasingan to the max talaga, lalo na kung ako ang tangero, lahat sila tumatakas..hahahahaha.

    @Rho
    ANg masayang part dito, ay yung kumpleto pa rin kami, at nagsasaya.. :) miss you girl...di na tayo nakakapagchat.. :)

    @Ann
    Waaahh, di na ko teenager..hehehehehehehe.. balita ko nga maraming bawal jan.. bawal ba magparty jan?? sad....
    Almost overnight.. ready to sleep talaga, abangan na lang ang susunod na wento.. :)

    ReplyDelete
  6. wahhehehe kala ko pambata lang pajama party or slumber party...hehehe..saya saya naman.

    ReplyDelete