Sunday, January 28, 2007

Dare?!?

Gusto ko sana magpost ng kwento after the party, kaya lang I wanna share this thrilling part of my life today..

A year ago, I was really eager to learn how to drive a motorcycle.. Uso na kase dito sa pinas ang motor.. My brother bought one, an XRM Honda, kaya ayan, lagi lagi ko syang kinukulit na turuan ako.. Lahat ng favor nya sa akin, ang kapalit ay i-drive ko ang motor nya, (I don’t even have a licence then, kaya hesitant din sya na turuan ako). Pero makulit pa rin ako, kaya napilit ko rin sya isang beses.. wow, sarap palang magmotor. Yung nga lang sa continuous nya akong tuturuan kung makakaya kong akayin ang motor at itayo ang motor mag-isa.. (using the center jack, dunno kung jack ang tawag don or stand, yung ginagamit para matayo ang motor alone.)

Aba, after our session, halos hindi ako makagulapay, ang bigat, sakit sa katawan.. para akong narape ng sampung beses.. sa liit ba naman ng braso ko tas, itatayo ko mag-isa yun.. yay.

So that’s the end of the session, hindi na nasundan yun. But when I got my licence pinalagyan ko na talaga ng restriction 1 un (for motorcycles) if in case, makapag-aral ulit ako.

And this day… Nagamit ko yata ang mga tinuro sa akin.. Meron kase sa office na mga motorcycles, used for site survey.. But I never used it pag ako nagsusurvey, kase car pinapagamit nila sa akin…hahahahahahah. Ayan tuloy dina ko pinagsusurvey..

When I got to the office this morning, naabutan ko pa ang mga engineers na magsusurvey for the day.. May gagamitin silang sasakyan at masyadong malayo ang mga sites para magmotor, kaya naiwan ang motor sa office. Then kuya dong asked me if I can drive the motorcycle home (magkapitbahay lang kami kase). I was half kidding, at hindi ko talaga sure na madadala ko yun.. hindi pa ako nakapagdrive ng motor, sa loob lang ng compound namin.. Pero nag yes pa rin ako.. So naiwan ang motor sa akin..

Time na ng uwian, kinakabahan na ako.. kaya ko ba?? My gosh.. parang may naghahabulang daga na sa dibdib ko.. kaya ko ba talaga?

Nasa car park na ako, no turning back na ito, alangan namang iwan ko na lang ito dun.. start… ayaw mag start… nakasampung pagpastart yata ako.. ang mga daga, sinamahan na ng pusa..nangalabog ang dibdib ko..

Ok nagstart na, first gear (ganon din ba tawag pag motor?) Naalala ko, nun tinuturuan ako ni bro, nilalagay nya sa 3rd para hindi mabigla ang hatak.. pero hindi sya pumapasok sa 3rd, first lang.. Ok, subok, brrrommm, waaahhh, humarurot, halos hindi ko na macontrol, muntik na.. whew! Di ko talaga kaya, tawag ako kay kuya dong, “hindi ko kayang iuwi, iwan ko na lang kaya dito?” Tawa naman sya sa akin, “sige iwan mo na lang”…

Balik ako, pero at the back of my mind, kaya mo yan Raz…parang andun yun urge.. And I love adventure and risk.. Mas naiisip ko ang risk, mas gusto kong gawin.. dare para sa sarili ko.. Parang pag hindi ko nakaya, I’m a looser..

Dahil nagpupumilit ang utak ko na kaya ko, try ko kung papasok sa 2nd, pumasok.. pinihit ang accelerator ayan… nahahandle ko na… then I decided, I’ll go.. Imagine from ayala to sta. mesa ang route ko.. Keep in mind, slowly but surely, wag mabilis at wag ng sisingit.. when I was driving along ayala, I feel free, grabe ang thrill, parang gusto ko sumigaw. Ang galing, sarap ng hangin.. Sarap ng feeling…

Pero dahil medyo may pagka geographically idiot ako, medyo naligaw ako ng konti.. hehehehehe. Sarap talaga ng feeling na na accomplish mo ang isang bagay.. oooppss, wag nga pala kayo maingay sa bahay, mayayari ako..

Dinaan ko pa sa bahay nila bestfriend ko, natuto rin ako ng may back ride, kaya lang ang bigat, mas delikado.. for sure, bukas masakit ang katawan ko..


Sometimes in life, you must have enough courage to get want you want.. To accomplish something, just ignore the risk, but take note the extra precautions. Life is full of risk, take some of it… you may not get it at the first time, try it again, you might get it this time..

9 comments:

  1. abah naman wag masyadong daredevil iha, ingat sa pagmamaneho ng motor,

    ReplyDelete
  2. Lakas ng loob mo ha. Eh ang bibilis magpatakbo ng mga drivers sa manila kahit na ikaw ay maingat pa di ba? tapos may sakay ka pa sa likod. Basta wag kakalimutan yung helmet pag naka motor.

    ReplyDelete
  3. that's life razz...trial and error...but what matters eh, sumubok ka...wala naman sigurong mahirap if you have the inner drive to do it...i salute your courage...i find you strong-willed na tao kaya hindi ka mahirap i-train..keep it up mahfren!take care lang sa pagmo-motor.

    ReplyDelete
  4. parang na feel ko ang sarap nung sumigaw ka ng im free!!haha!

    ako rin,risk taker ako at sobrang adventurer,medyo nabawasan na ngayon nang konti.wag ka lang mag mumotor sa gabi at nakakatakot sa manila :)

    ako,scooter,isang sakay ko lang,napaandar ko,haha!ang sarap talaga kaya lang wala akong guts na lumabas ng subdivision at wala rin akong license :)

    ReplyDelete
  5. hats off to you!!!

    that's life, either you let the risk swallow your life and become dull or you take to risk to enjoy your life to the fullest!

    as long as you believe in yourself and control it, nothing goes wrong.

    ReplyDelete
  6. huwaw naman... e di makakapamasyal ka na nyan lagi-lagi??! nyahaha! basta, lagi kang mag-iingat ha...

    so, pano?? lakarin mo na yung bahay namin! hahaha! simulan na ang mga projects...

    ReplyDelete
  7. nice raz!!! :) bagong karanasan na naman yan...

    medj matagal na rin tayong hindi nakakapagbonding ah?!?

    mukang super ang commitments u...

    ReplyDelete
  8. @melai
    Oo nga no, may pagkadaredevil yata talaga ako... o may pagkademonyita..hehehehe.. i'm so nag-iingat talaga, dahil hindi rin alam sa bahay.. sarap magmotor.. :)

    @ann
    Hindi ako nagdadaan sa mga highway, nakakatakot.. sa mga shortcuts ako dumadaan.. hindi rin ako nag-aangkas.. pagmalapit lang ang pupuntahan at hindi highway... mabigat kase pag may backride,lalo na kung matigas ang katawan ng angkas mo.. yup, laging may helmet, kase baka huhulihin ng pulis pag walang helmet... :)

    @ev
    masarap talaga magtry ng mga bagay bagay.. mas nalalaman mo ang capacity mo.. yun nga lang, you should know when to stop.. ")

    @ghee
    Feel na feel ko talaga yun, lumilipad lipad pa jacket ko nun..:)

    ok siguro tayong magkasama, risk taker, naku san kaya tayo pupulutin nyan..hehehehe

    @CHUbee
    THnx thnx thnx... muahh muahh muahhh..


    @mmy-lei
    I agree with you, it's how you believe in yourself ang know how to stop.. wacha!!!! :)

    @rho
    yes, makakapasyal na tipid sa gas.. :) pag koche, nak ng tipaklong mahal sa gas..

    pupuntahan ko na lang bahay nyo, paligo ha at pakain..hehehehe

    @Gerbs
    Huwaw! nabuhay ka... musta naman? ikaw e, busy ka kase...

    ReplyDelete