Wednesday, January 10, 2007

Then...

New year na pero pang 2006 pa rin ang post ko, hehehehehe. Wala lang since parang hindi nagpasko sa bahay ko, pede pa rin siguro..

After those sad moments during the competition, well I have to get rid of it.. Thanks to clark ang lana, nalibang ako ng husto, hindi lang naaliw, naadik na rin.. hehehehehe. Na hook ako ng sobra sa smallville, dati nakikihiram lang ako ng DVD sa officemate ko, ngayon bumili na ako..hehehehe.

Dati isa akong yagit na squatter sa room ni kuya nel, nakikinood pag wala sya at pag dumating na sya, nakikiusap ako na makinood.. may TV kase sa room nya and DVD player… ako, tanging PC ko lang, kaya lang walang DVD sa pc ko..waaahhh.. Ako lang dito sa bahay ang walang TV sa room. (kawawa naman)

Ayaw ko kaseng ilagay sa room ko yung TV sa baba kase I don’t have a lot of space. San ko naman isisiksik dito yun? And I don’t watch TV; I don’t have time for it. Pero minsan gusto kong bitbitin sa kwarto ko at pagkasyahin, kaya lang ano naman ang gagawin ko sa TV? Wala na kaming cable, wala rin akong DVD, kakasikip lang.

Since walang gumagamit ng TV sa baba, nakita ko na lang nasa harap na ng pinto namin.. waaahh, balak itapon ni kuya arnan… whhhaaaatt? Ok lang sya, aba parang pinupulot lang ang TV sa kalye ah.. Topak kase yun, pag hindi ginagamit, gusto tapon, ayaw ng masikip.. kulang na nga lang itapon na pati sala namin.. huh! KAla siguro nya sira na yung TV, ah ewan ko sa kanya.

Naisipan naman ni kuya arnan ngayon na magpakabit na ulit ng cable, nasangkot tuloy ako.. syempre share share ng bill.. kaya ayan, napilitan akong iakyat ang TV… Useless pa rin ang TV, nakikinood pa rin ako ng smallville sa kabilang room, naawa siguro si kuya arnan, kaya niregaluhan nya ako ng DVD player… huwaaaaawwww… Finally, makakanood na rin ako ng smallville ng walang hassle at may pakinabang na ang TV ko. Ang masaklap, darating na ang bill ng cable, di ko pa napapakinabangan, nakakalimutan ko kaseng bumili ng splitter (ssshhhhh).

Kaya ngayon, walang tulugan, kahit may work kinabukasan nood pa rin, nakakaadik… (kaya rin pala hindi ako makapagpost, kakanood ng smallville, hehehehehehe)

*******

Some of our pics during the competition.. kakapagod ito.. :)


At vivere suites.. (Elimination)


At UST.. Finals...

Vivere Suites finals... (Judge si Jed Madela cute pala yun, and superb ang boses galing)

7 comments:

  1. e di iblag mo si clark lol!!
    parang di bagay si clark at si loise dyan..taka pa nga ako nung una kasi hindi si loise ang gf ni clark e :)

    ReplyDelete
  2. ey razz, hehhe, sensya na, nakalimutan nga kita, isa pa, that day na rin ako nakapag-confirm :D ha'mo sa sunod, malapit na, yayain kita...

    how about sa 12th, free ka? may concert dito sa bahay ang mga local bands ng manila like bojofly, and yung mga bago na banda, libre kita, sabihin mo lang name ko sa guard para papasukin ka.... email me for more info, ok?

    ReplyDelete
  3. sayang yung competetion..di nyo pala nakuha yung title,buti na lang at may
    smallville ka nang pinagkakaabalahan.

    alam ko kasi,bc bc ka,chaka di mo sinabi yung location mo,di ka tuloy nakasama sa EB :)

    happy new year na lang Razz!

    ReplyDelete
  4. nako sis, magsama tayo! adik na adik din ako sa Smallville, ginawa kong koleksyon! hahaha! sa ngayon, abala ako sa pag-aantay ng season 6 episode sa youtube dahil gaya mo... wala rin akong TV sa loob ng kwarto ko dahil masaya na ako sa internet lang! nyahahaha!

    happy new year sayo! wish you the best of everything! ingatz ka lagi.. God bless!

    ReplyDelete
  5. kami!! tumatanggap kami ng mga gamit na patapon!! lalo na yung tv nyo!! kasyang kasya pa yan sa kwarto ko!!! nyahaha!ang sayasaya namn..may tv na sya..cable at dvd pa!! happy meal na yan ah!hehe

    ang garbong contest naman pala talaga nyang nasalihan mo ateh..ang garbo din ng inyong suot..buko pandan na may keso..

    ReplyDelete
  6. Melai,

    ewan ko kung magiging sila ni lois, parang hindi pa. Cute naman si lana.hehehe

    Vince aka balong,

    Sensya na, hindi ako pede..that was friday ayt? Hectic ang sked ko nun.. next time free na ako..hehehehe

    ghee

    Wah, ayaw nyo lang talaga akong isama.. :(
    Why do people always tell me that i'm busy??? MAlapit na akong maniwala na busy nga talaga ako at always unavailable..hehehehehe.
    Sige nxt time na lang, hindi pa naman ako nagkape ng halos isang linggo kase, sabi mo treat mo ako..hehehehehe.
    Sa susunod ha, im just here at manila... :)

    Rho

    Meron akong disk ng season 6..nyahahahaha. pero 10 episodes lang, daming nagkalat sa quipo e..hehehe

    Ruth

    Hindi na pede, nasa room ko na ang tv, kaya hindi na itatapon..hehehe. Sobrang happy meal na nga ito, hindi tuloy ako makakain ng breakfast dahil laging puyat..hahahaha
    Hahahaha, kala ko nga mga mangga kaming nagsisi-awit..hahahahaha. nu kaya ang lasa ng buko pandang may keso..hahahaha

    ReplyDelete
  7. Para palang arabo kuya mo nagtatapon na lang pag ayaw na o luma na.

    ReplyDelete