Friday, January 5, 2007

So what happened…??

It’s been a long time since I last visit my blog. Busy I guess or maybe I’m kinda lonely kaya nagpapakabusy..

Pero busy talaga ako. Hehehe.

Sad maybe because, things don’t fall in their respective places. After the competition, nagmuni muni talaga ako. I never thought it could be this hard, just for me. I seek for an answer, bakit hindi ngayon? Bakit hindi namin nakuha ang title ngayon? I need it now, because I’m really not sure if I still be at the group next year for another battle. And besides, we have an upcoming major concert; of course we need a concrete title for it.

But then I realized, siguro hindi pa time. No matter how hard you pray, how eager you are, minsan talaga hindi Nya ibibigay. I guess the group needs to fall hard, feel the pain of losing before we attain what we wanted. Mas masarap daw kase, pag naramdaman mo muna ang pain. We need to be broken and down, so the group will be whole again, stronger and unbeatable.

On a brighter side, it’s really nice to compete.. The best ang mga pangyayari. GPS is a really young group, 3 years pa lang kami, ang kalaban namin, 10 years and above, well experienced na talaga, beterano kung baga.. Kami ang mga bagong salta, mga rookie.

3 years na kaming nagcocompete. 2004 una kaming sumabak sa labanan, ang lakas pa ng loob namin, konti pa lang kami, pero go pa rin… 13 pa lang kaming singers nun. Sobrang hina pa naming kumanta. Take note, contest na namin, hindi ko pa kabisado ang lyrics ng kakantahin.. waaah, at ang ibang singers ay ganon din.. Sobrang bago, ang aim lang namin nun first time ay makaexperience. Yun ang una naming pagkatalo, no hard feelings, hindi masakit, kase we know where we stand.. It’s just for fun..

2nd time around.. Pinaghandaan talaga, sobrang disiplina sa sarili.. No hanging out late, kase mapupuyat, nakaksira ng boses, walang ice tea, juice at kung anu-ano pang matatamis.. vocalization araw araw.. our piece was arranged by our conductor, at lumaban kami as one big family.. Under dog pa rin kami, kase hindi kami kilala, nagpapakilala pa lang.. And take note, kahit tulog kabisado ko ang lyrics at tono. And we made it that far, nagkapangalan, hindi man kami nag champion sa finals, pero nakilala kami na choir na hindi basta basta.. Masaya, pero sa isang competition narealize naming na mas may magagaling pa talaga.

This is our third time, pinaghandaan din naming to, kase alam na namin ang mga makakalaban. Alam na namin ang mga dapat gawin.. But when we’re there, we really don’t know what happen, first competition, isa sa mga kilalang choir nandun, we perform the contest piece, almost perfect, as in the best, everybody said that. But when it comes to our choice piece, pumalpak, we rehears it well pero pumalpak.. We didn’t have any place after all.. Nakakapanghina, pero sabi nga, may bukas pa, at bukas makakaharap ulit natin sila. Kinabukasan, we did very good, hindi na pumalpak, but still we didn’t make it.
Sa bawat competition may iba ibang battle field.. Yan ang hindi namin na anticipate. Kala namin dati, ok na kung alam mo un place, dry ba ito, aircon, open air…etc., meron pa pala. It will always depend on the judges, if they want showmanship, work for choreography. Hindi lang boses ito, there’s a lot more. Dami namin natutunan ngayon, know the competion, pang masa ba ito, pang intelehente, pang show…. At least we know now.. We’re happy because we got this far, to be a finalist is a big thing already, marami pa palang magagaling na choir… marami pa talaga.. Along the way marami pang matutunan, hindi lang one sided…

Hindi pa siguro kami hinog sa ngayon, marami pa talagang dadaan na bumpy, maybe God doesn’t give us what we wanted, because He has a better plan, I know there is, maybe I can still be in the group for the next battle, only God knows… Continuous prayer na rin dapat… :)

10 comments:

  1. Just remember that in joining in any competition there will always me a winner and a looser. It doesnt matter if u guys loose what matters most is u give them the best fight dba?

    Para yang isang maasim na lollipop, hanggang hindi mo sya nauubos hindi mo maaapreciate ung kanyang linamnam, hahanap hanapin mo after ung lasa nyang maasim-asim. O di kaya ung sampalok na candy, sa una parang nakakasuka, pero in the end ang sarap pala. Wala itong kinalaman sa competisyon mo, pero gusto kolang i comment..

    Cheer up Girl! happy NEw Year!!!

    ReplyDelete
  2. ah, kaya pala, medyo umiba mukha mo sa YM natin ah, hahah! nakakatakot! LoL!

    ReplyDelete
  3. soooo....true! very well said ate razzy. natuwa ako sa entry mo. after all that had happened masaya ako na nagiisip ka ng positive.tama lahat ng sinabi mo. may mga bagay nga na panapanahon na rin. kundi mo makukuha ang bagay na gusto mo sa ngaun..makukuha mo yun sa tamang pagkakataon...

    ReplyDelete
  4. "But then I realized, siguro hindi pa time. No matter how hard you pray, how eager you are, minsan talaga hindi Nya ibibigay. I guess the group needs to fall hard, feel the pain of losing before we attain what we wanted. Mas masarap daw kase, pag naramdaman mo muna ang pain. We need to be broken and down, so the group will be whole again, stronger and unbeatable."

    pareho tayo ng nasa isip..ganyan din ako kapag hindi nangyayari yung gusto kong mangyarii ... well at least may hope diba :)
    pinatitibay lang ng Diyos ang loob nyo para sa magiging panalo sa susunod :)

    ReplyDelete
  5. T-cher,

    Bakit ba t-cher na??? yan ba e yung parang candy na "yuck"? ang asim nun talaga eeww.. hehehehe.. pero nakakachallenge kainin.. pag bumili ka non parang pinapasakitan mo ang sarili mo..hehehehe.

    Yes, you're right we gave then the best fight, nangatog nga e.. sinuwerte lang sila..ahehehehehehe.. nxt christmas ulit, ewan ko lang kung hindi sila matkot.. ahahahahahaha

    ReplyDelete
  6. Vince,

    Iba na mukha ko sa YM ngayon.. nyahahahahahaha...

    ReplyDelete
  7. Ruth,

    Thanks!! Hehehehe.. Ganon talaga, hindi pedeng forever bitter.. Masaya ang buhay kapag alam mo kung pano maging masaya inspite of everything... :)

    ReplyDelete
  8. Nalen,

    Oo nga... Faith na rin kay God.. :) Happy new year.

    ReplyDelete
  9. Hinahasa lang kayo nyan para sa mas malaking competition. Ganyan talaga kahit saang field may panalo at talo, basta tanggapin at gawing inspirasyon para sa mga susunod na laban.

    ReplyDelete
  10. Mas masarap damhin ang tagumpay kung naramdaman mo na rin ang sakit at pait ng pagkatalo.

    God will be there, He will never let you down, He will lead you in the right path.

    ReplyDelete