Tuesday, November 27, 2007

GPS once again...

Here we go again, actively joining every competition in town.. weeee.. We’re so excited. Ang pag babalik ng GPS. Last year we didn’t get any title, thou we’re always one of the finalists. Maybe we’re to young and still learning for every competition.. Iba ibang competition iba ibang standard. Now we know. Last year, finalists kami sa UST, and now, pasok na ulit kami sa finals…

What went wrong sa UST?? We sang the contest piece confidently, as in walang sabit, as in magaling… as in mas magaling kami sa kanila, judges and audiences comments on that…it’s superb.. but why didn’t we make it?? As we watched our video, well, laglag kami sa choice piece namin… as in pangit, kalat ang boses, at higit sa lahat nasintunado.. sabi nga nila, it’s your choice, dapat superb kayo dyan.. mahirap kase talaga un panlaban naming song, I dunno, hindi maperfect un… so, now, pumili kami ng song na bagay sa character ng group, hard, pero kayang ipagtanggol… UST competion will be on Dec. 8, 2007…ngayon, kelangang magtitle na kami.

And now, this pasig competion is new to us.. Ngayon lang kami nakasali dito. We prepare at 9am, para linisan pa ng konti ang mga kakantahin. Bigatin ang competition na to, at talagang sasalihan ng mga magagaling na choir, malaki kase first prize (50k), hehehehhe and prestigious ang competition na to.

When we arrived at the venue, marami na rin ang mga competing choir na naroroon. Kanya kanyang pwesto, kanya kanyang sound check, kanya kanyang vocalization.. And of course, hindi mawawala ang mahigpit naming kalaban, ang Coro de san Sebastian. So rehears rehears.. kain ng konti while waiting for our category. Habang nagrerest kami napapakinggan namin ang bawat grupo, na palagay ko ay kaming 16choirs na sasalang e, talagang magagaling.. 9 lang ang makukuha sa 16 na magcocompete.

We’ve heard TIP choir, kabog talaga.. magaling, ang lakas..kapit ang boses.. feeling ko mas magaling pa sa coro de san Sebastian..tsaka maangas ang dating nila.. mukhang hindi kakabahan. pinapakinggan ko na nga lang un mga mali nila, pampalakas ng loob.. kase feeling ko hindi kami ganun kalakas. Oh men…under dog kami talaga. Forever silang kumanta at nagrehears, hanggang sa magsimula na ang aming category..

Number 6 kami, so relax relax muna.. Before that, our conductor reminded us, to “not mind them” malakas sila, ok.. ang mahalaga mailabas natin un character ng group. Kung anung kaya natin.. Yung linis ng kanta, at emotion ng kanta…

Nung kami na, we performed well, pakiramdam ko… and malakas naman din kami..whahahahahhaa… after the two songs… naramdaman ko na ang lamig, ang lamig lamig kase sa stage…

Naghintay kami hanggang sa matapos na ang lahat, kase that night din i-aannounce ang mga finalists. Unang tinawag, in random orders, coro de san Sebastian… Oh men, wala na agad pressure, 2nd number 8, then number 1, number 7, number 5, darn!!! Napagitnaan ang number namin, at hindi pa natawag…. Waaahhhh.. sobrang kakakaba na ito… then number 6, wohouoooooooooooo… whew!!! Kakakaba un ah…. . para kang hindi mapalagay na parang maiihi ka na mapoopoop……hanggang sa matawag na ang lahat ng 9 finalist.. bale 10kami lahat na magcocompete sa finals… kasama un defending champion, na classmate ng conductor namin sa UST un conductor nila… kita kita pa rin talaga sa finals..hehehehe.

But when I looked at TIP group, “pasok ba sila? kase mukhang malungkot..” Well, hindi daw pala napasama. Kase pala, during their actual performance, malaking pagkakahulog yata ng sopranos nila, na out of tune yata… Ang angas pa naman ng dating nila.. Well, ganun talaga, you’ll never know.. Hindi rin kase sa galing, you have to think God..and pray, and have faith.. NAalala ko yung nangyari sa UST namin, so angas din kami… pero pumalpak during competition.

At the end of the day, migraine ang inabot ko, hindi na ko nakasama sa kanilang magdinner dahil hindi ko na maidilat mga mata ko at sukang suka na ko....well, worth it naman ang pagsumpong ng migraine.. :)

Friday, November 23, 2007

til we meet again

Pagpasensyahan nyo na po ang aking late na mga updates…

Finally nameet ko na rin si rho and inkee.. Buti na lang namove nila ng nov 2, kase hindi talaga ako pepede ng oct. 30.

I was late again, kase po me party rin ako last night, kaya medyo bangenge ako at late na nagising… Dumaan muna ako ng megamall para sa request ni greys at ate rems na krispy kreme dati sa confi, ayan tuloy, napashopping ako ng badminton outfir ng wala sa lugar, hehehe.

At 5pm nasa bus na ako, ang kaso parehas pang lobatt phone ko, I was asking for some directions, pero sabi lang ni rho, sakay ka ng bus papuntang sta. cruz, then when you’re already in sta. cruz sakay ka ng Magdalena na jeep.. ok ganun kasimple. I was asking some landmarks, kase nga may pagkageographically idiot ako…

Nun nasa jeep na ako, ganito ang instruction nya.. “sabihin mo sa driver, baba ka sa kanto sa malapit sa basketball court” anyek!!! Sana man lang may street o kung anu mang brgy un, kakalurky naman itong si rho..hahahahhahaha.. sabi ni manong driver san ba un?? Terminal ng tricycle??? “di ko po alam, basta po sa kanto na malapit sa basketball court… toink… at ang driver chumika ka, aba’y bat ko raw nakalimutan na ang pag-uwi… “hindi ho ako taga rito” hehehe….

Finally, nakita rin ako ni mike, aba e hinahanap ako sa kanto, e nasa kanto na nga ako, aba malay ko ba kung aling kanto un..ahehehhehe

Dahil late ako, mag-isa na lang ako kumain ng dinner.. May masarap na luto si rho, anu na nga ba un rho?? Gulay na hindi ko mawari, pero masarap..ahehehehe..bakit parang naposses ako dito..ahehehe

After dinner, ayan na, lambanog na ang iniharap ni rho sa amin, at syempre hindi mawawala ang kantahan… buti na lang walang umangal na kapitbahay..

Maya maya lang, nahihilo na daw sila… ito ang ebidensya

Si ate rems naman, sabi walang tama pero bakit ganito…

Sir ho naman, aminado na nalalasing na sya, pero buhay na buhay pa rin..

Si papa mike, ang daya, hindi sumabay, pero wala akong masabi kay papa mike napaka hospitable, asikasong asikaso kami… Thank you po papa mike..

Hanggang umaga kaming nagwentuahn nila ate rems at rho, un dalawa natulog na… Ang daya ni inkee, hindi pinaunlakan ang aming hiling na sumayaw sya.. tsk tsk tsk.. pang video lang pala to..

Si rho, wlang humpay ang kakatawa, at nakakatawa pa ang tawa nya… hahaahhaha.. sna narecord ko. Kung gano sya kabungisngis sa chat, ganun na ganun din sa live…hahahahahaha. Masayahing bata ire..

Alas sais na yata ng magising ang dalawa, at ako naman’y antok na antok nga dahil ilang araw na rin akong inuumaga ng tulog… kaya sabi ko, idlip lang ako saglit, habang naliligo sila.. aba aba aba, pag gising ko wala na sila…. Waaaaaaaaaaahhhhhh, iniwan ako.. huhuhuhuhu..

That’s one of the best house parties ever… I enjoyed it so much… sana maulit muli.. hehehehe..

Monday, November 19, 2007

Habang nag papahinga, at nag-iisip ng solution sa mga sites ko, heto at si mam rems binigyan ako ng pang update..ahehehehehe....


THE RULES - List of 8:
* write 8 facts about yourself.

* in the 8 facts, you share 8 things that your readers don’t know about you. at the end, you tag as much other bloggers to keep the fun going. each blogger must post these rules first.

* each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.

* at the end of the post, a blogger needs to choose as much people to get tagged and list their names.

* don’t forget to leave them a comment telling them they’re tagged, and to read your blog.

So here it goes….



  • I hate walking in the rain... jeezzzz, nababasa ang paa ko.. ayaw na ayaw ko nababasa ang paa ko sa kalye..
  • favorite ko ang eggs..... :)
  • Don't remind me about humpty dumpty, hindi ako makakauwi from building 1..hehehe

  • Pangarap maging racer

  • Only girl sa magkakapatid, tapos youngest.

  • may allergy sa dust and sa mabalahibo, pero laging katabing matulog si chloe. :)

  • i'm a nature lover, i can marry a tree.

  • nagsasabaw ako ng kape sa kanin...hehehehehehe.... sarap... try nyo rin..
Ok, ikaw naman gumawa nito Gerry and uhhhmm, Ev


Saturday, November 10, 2007

Out of town...

Iwan ko muna po ulit pansumadali ang aking tahanan... pakitingnan tingnan na lang po, baka may akyat bahay gang dito sa bahay ko...hehehehehhee.... mag aaround the world lang ako...(sa buong north luzon lang pala.) Sana may wifi sa mga tutulugan namin, para naman makasilip ako kahit papano, at para makapagreact ako sa mga comments...hehehehe... Kung sino man ang may ipapabili, pakitxt na lang po ako, or iwan na lang ng mensahe...

Sunday, November 4, 2007

BIRTHDAY ALONE....

Wow, It’s been a long time… akala ko nun nagkalaptop na ako mas magkakatime, kase kahit wala sa bahay makakagaawa ng post, pero hindi pala…waaaahhhh, mas lalong walang time.. dami ko na wento, natambak na at nilumot na. Salamat sa mga dumadalaw… Ayan magpopost na ulit ako, kase kahit papano e may naghahanap sa akin.. hehehehe. Ang dami kong mga kwentong putol putol, walang second part hehehehe..

Here are some of my moments in Baguio, nagbirthday ako mag-isa… waaaaaahhhh. Buti na lang naawa mga friends ko, pinagtatawagan ako.. I was planning to treat myself sa spa that day sana, pero after lunch, my work buddy called me para sabihing magpupunta kami sa isang site… Whaaattt!! E hindi naman pedeng hindi, kase nga nagmamadali na kami at gusto na naming bumaba ng Baguio, we’ve been staying here for almost 3 weeks, at gusting gusto ko na makauwi.. So yun, kahit bday, work pa rin..

Here are some of my pics…. Ganito talga pag walang magawa at mag-isang nagcecelebrate ng bday..

Thanks sa lahat ng bumati... Ayan ako at mag-isa sa parking ng SM na open...as in open ang SM sa Baguio, walang aircon, pero super lamig pa rin... Pinakatipid na SM to, puro ceiling fan lang.. hehehe.



...At kahit birthday, e heto at work work work pa rin.. I thought we can finished it for 2 weeks at makakauwi ako sa bday ko pero dahil, walang itinerary ang SP, ayan inabot kami ng halos 3 weeks....

Heto ang food ko, pang midnight snacks.... pede ring pang handa sa bday.. :)

On Sept 29, nag show si sitti sa hotel na tinutuluyan ko, kaya ayan, bday celebration with sitti, yahooo... ok na rin, kahit inaasar ako ni Mia na nagbbday ako sa probinsya at mag-isa...at least nandun si sitti, parang nasa manila na rin.. heheheh. Bitin nga lang ang show nya at hindi rin masyadong maganda ang setting ng hotel sa program...maraming mga walang na-upuan, and the food.... errrrrr... nadisappoint talaga ako sa hotel na yun, biruin mo, nagpatransfer pa kami sa hotel na yun, kase much better, mas maganda, pero hindi friendly mga tao dun. Cute ng mga songs nya sa new cd nya..


...And after the show, ayan ako na ang nagshow...whahahahaha... ganyan talaga pag walang magawa, napapraning...