I’ve been so busy this past few weeks. Makikita nyo naman sa picture ang tambak ng folder at papel sa table ko.. isa lang yan sa mga ginagawa ko dito sa office. Tinanong ni melai sa akin kung ano raw ba ang work ko.
Ano nga ba, part time engineer, part time singer at minsan part time bum... hehehehehe.
Sa pagiging part time engineer muna tayo. I’m working with a new established company, isang consulting and contracting company, (telecoms). Sa vendor kami nakikipagdeal like ericsson, eci atbp, then sila ang nagbebenta sa smart, globe and sun. So basically, contractor kami, we do installations and plannings. Para mag ka idea kayo, eto ang ginagawa ko kapag nasa field ayan ang pics. Taga hila ng lubid.. hehehehehe. Installation ng transmission (microwave), I also do commissioning and configuration ng mga radiong iniinstall. Nagsusurvey ng mga possible na tatayuan ng network..
Hatak pa.....
Transmission project
Kapag nasa ofis, heto naman ang ginagawa ko...
Planning and everything. Pagkatapos magsurvey, planning naman, kaso noong mga nakaraang araw, lahat yata trabaho ko. Kung baga sa bonaketch e all around. Assign ako sa planning, tipong mag-iisip ka kung anung tower gagamitin, microwave antenna size at kung anu-ano pa. Ang masaklap, gagawin ko rin ang malupit na tssr (technical survey summary report). Ay sus, nakakatoxic ito.
Sabay sabay lahat yun, biglang tatawag mga client, gawin mo to, design mo to (from transmiision design department), tapos maya maya tatawag ulit ang client, (from Installation engineering naman) "Asan na ang tssr??”. Tatawag client ulit from radio network design,.... aba naman, lahat ng department ng client sakop ko na.. sana lang hindi ako machine, tapos pagagalitan ka ng client kase ang tagal daw.. Kung pwede mo lang sabihin na “ako lang po ang gumagawa ng lahat…huhuhuhuhuh.” Ako lang kase yung gumagawa ng tssr, nakaleave kase yung isa kong boss, tapos isa rin lang gumagawa ng autocadd..
Pambihira talaga, kaya kapag nagring ang phone, waaaahhhh, mapapamura ka na lang. Ang masaklap nun, kapag ayaw kausapin ng boss ko, e di sa akin ipapasa, ako ang mararatrat.. nakakapraning talaga..
Minsan, inaabot na kami ng umaga dito, dahil sa commitment na kelangang ipasa.
Kaya ang pagiging part time singer ko affected. Heto naman ginagawa ko pag wala sa trabaho..
Hindi kami church choir lang, sabi ng musical director namin, meaning may ipagmamalaki. Malapit na naman ang December kaya hectic ang sked, sumasali kase kami sa mga big contests and aim naming magcompete sa ibang bansa, o db taas ng pangarap. (ang ibang detalye ay sa ibang post na hehehe).
At minsan, nagiging bum din, sakit sa ulo pag walang magawa.. kaya ganito na lang --> click
waahh,hirap ng trabaho mo..wala akong naintindihan,hehe..
ReplyDeletegaling naman ng choir nyo?may competition pa sa ibang bansa?wow!
di kita makilala kung alin ka sa pic,magkakamukha kasi kayo dahil sa damit at buhok :)
hehehehehehe. hirap ba? nageenjoy naman ako kahit papano..
ReplyDeletesabi nila magaling daw, pero hindi naman, kulang pa. dami sa ibang bansa, un isang choir na ang conductor e classmate ng conductor namin, e nakapag compete na sa hongkong..
hehehe, ako un nasa gilid, right side. pero hindi na dun ang pwesto ko ngayon.. :)
ahh ok...magkakamukha talaga kayo haha!
ReplyDeletenapaka-hectic nga ng sched mo sis!! kaya naman pala lagi kang windang!! avah... sabihin mo naman sa kanila e tulungan ka noh!! yay...
ReplyDeletepero kumakanta ka rin pala?! naks naman sister! ibang level na ito.. at nagba-badminton rin! yiheee... galeng!
o wag ka na lang masyadong magpapakapagod ha at baka magkasakit ka naman nyan!! missshuuu razz! mwuahugggz!
wow! EXCITING NAMAN pala ang work mo e hehehe napacaps lock bigla :) di nga sarap ng work mo yung kandahingal ka na sa pagbubuhat at paghihila ng cable hehehehehe basta like ko yan yung mga tech na ganyan :)
ReplyDeletewow... ECE talagang malupit si Raz... =) hehe.. buti hindi umaabot si raz sa puntong...
ReplyDelete"sir wag nyo naman po kayong magmura! wala po kayong karapatang murahin ako, kasi po trabahador lang dii ako DITOOOO! "
-->katherine rossana
Loka loka, kaya pala ala ka ng time mag blog understood nman un.. haha bakit ako laging busy kahit alang trabaho na ganyan? heheh!!!
ReplyDeleteRho,
ReplyDeletekahit hindi ako busy sa work, busy pa rin.. hehehehe.
Kumakanta rin paminsan minsan..
Melai,
ReplyDeleteExciting din, kase kung saan saan sulok ng pilipinas napapadpad. :)
gerbs,
ReplyDeletehahahaha, hindi pede un.. kelangan laging kalmado...
TK,
ReplyDeleteMeron pa rin namang time kahit konti, hindi lang ako makapagpost agad..:)