Wednesday, November 8, 2006

Exam exam exam

Napakabilis ng panahon, exam na naman.. Sa mga hindi nakakaalam, ito ay ginagawa quarterly, para mapag-alam kung sino ang patanga tanga at hindi nakakaaman ng tono at hindi nakakaalam ng pinag gagagawa nila sa buhay. hahahaha..

Dalawang kategorya ang exam, may individual singing at may quartet.. Ang lupit no, 2years na naming ginagawa to, pero nakakakaba pa rin, nakakatuwa at nakakaasar pa minsan. Pero sobrang malupit ngayon, hightech na.. Pag mag-eexam ka, nakavideo ka pa.. astig. E di lalong madadagdagan ang pag-aagam agam mo, hindi lang tono ang iisipin mo pati ang itsura mo.. Ano ba naman kase naisipan ng conductor at kelangan pang i-video.. Siguro kase, rich kid ang GPS, hahahahaha..

Sa pamamaarang ito, aba talagang mapipilitan kang mag-aral ng tono, ayaw mo naman sigurong magmukhang abnormal at katawa tawa sa harap ng marami. Kaya ang bawat member kanya kanyang aral. Kahit nasa trabaho, nag-aaral pa rin. Nakakahiya naman kaseng hindi mag-aral no, kase may provided na ngang cd db.

Sa individual, susubukin kung gaano mo kaalam ang tono mo, wala ka nga namang kasabay kaya, pag hindi mo alam... huli ka. Mahirap din minsan, kase may tunog kang hinihanap, guide mo sa pick-up. Parang ang dali, pero marami parin ang windang.
At ang masaya ay ang quartet, apat kayong kakanta, kaya nga quartet.. Ang masaklap dito, kahit alam na alam mo ang tono pag ang ka jamming mo ay patanga tanga, ay naku patay na ang tonong pinaghirapan mong kabisaduhan na halos hindi ka na matulog. Dito naman i-tetest ang tatag mo. Kaya mo bang makasurvive??

Ang kelangan dito ay team work. Paano ka naman makakasurvive kung ang kasabay mo e, may lakad pa, yung tipong nagmamadali.. o kaya naman ay naghahanap ng kanyang sarili.. parang bang nawawala sya na hindi mo malaman, in other words nawala sa tono.. o kaya naman biglang sisigaw na parang naposses, o db kawindang windang un.. Bilib ako sa makakasurvive sa ganitong sitwasyon. Isang class S na super scian siguro yun.. Malas mo pag naranasan mo ang ganyan. KAse bunutan ang labanan dito. Hindi ka naman pwedeng mamili ng gusto mo ka quartet.

Pag nawindang ka, wala ka ng magagawa kundi ang magmukmok, yan e kung masyado mong kinareer ang exam. Kaya ang chance mo na lang e mag-ulit, pero kapag nag-ulit ka, magdasal ka na, na sana pagpalain ang mga nabunot mo..

Eto lang masasabi ko, hindi ko alam kung may class S nga, pero marami pa rin ang nakakasurvive kahit malulupit ang kaquartet mo.. magagaling rin naman kahit papaano ang GPS.. hahahahahaha. Ang hirap ng "Ave Maria" infairness... saludo ako sa mga nilalalng na nakasurvive sa awiting ito.. Bonus na siguro ang "papuri sa dyos" pero naman, pag walang sa wisyo ang kaquartet mo, hindi mo makakanta ng matino to at baka isumpa mo ang kaquartet mo :)

Nakalimutan ko sa quartet, dalawang boses ang ginigrade-dan.. kaya sa mga panabla, wag kayong mansabutahe... hehehehehe. Nung nagina panabla ako, hindi ko sinasadyang manabutahe.. nyahahahahahahahaha

15 comments:

  1. ow naman at talagang seryoso sa pagkanta at nag-aaral pa .... kaingget danda danda siguro ng boses mo ano? :)

    ReplyDelete
  2. tsk..tsk..tsk!tila pinanghinayangan ko talaga ng malaki razz kung bakit di kita nayayang magvideoke nung nagkita tyo..narinig ko sna golden voice mo!hayyy!sayang talaga...pareho pa naman tayo ng hilig sa kanta.

    gudluck!

    ReplyDelete
  3. ang galing-galing naman ni razz! yahhhooo.... gudlak sa exam mo sis! nawa'y okay ang mapiling ka-quartet mo! nyahaha... sa solohan, alam kong kayang-kaya mo yon! birit queen ka db?!

    thanks kagabi ha! mwuahuggz!

    ReplyDelete
  4. yakang yaka moyan kaw pa, mana ka ata sakin hehehh!

    ReplyDelete
  5. haha!astig nga,Razz!high tech..so ibig sabihin ay napakagaling mo palang kumanta :)

    ReplyDelete
  6. melai,

    medyo seryoso talaga, mahirap na, baka maeliminate ako sa mga competitions at concerts. Nakakahiya pag bumagsak.. :)

    ReplyDelete
  7. ev,

    Buti na lang hindi mo ako nuiyayaya, baka madisappoint ka.. nyahahahahaha..

    ReplyDelete
  8. Rho,

    Bat mo alam na birit quenn?? hindi ah, pampagulo lang ako.. hehehehehe

    Anytime, basta buzz mo lng ako... :)

    ReplyDelete
  9. TK,

    Mana nga yata ako sa'yo TK.. Lumipat ka na pala, may account din ako sa wordpress, kaya lng hindi ko maasikaso..

    ReplyDelete
  10. ghee,

    Astig db?? Hindi ako magaling.. trying hard lang.. sana maupload ko ang video para makita mo na tae ako.. hahahahahaha..

    ReplyDelete
  11. Razzy, sana sa kasal ni ats sash, kakanta ka ha, malapit na!

    ReplyDelete
  12. nagkakameron ka na nga maraming fans razzy!!! hwow

    ReplyDelete
  13. nagkakameron ka na nga maraming fans razzy!!! hwow

    ReplyDelete
  14. Vince,

    Hindi po ako ganon kagaling kumanta...lalo na kung pop.. pero maraming singers ako kilala, performer talaga.. hehehehehe.

    ReplyDelete
  15. gerbs,

    Nung pinagsasabi mong fans dyan??

    ReplyDelete