Wednesday, November 15, 2006

Home Sweet Home


It’s been a while since I came home, more than 1year I guess. Nakakamiss din umuwi. I leave this house when I have to study here in manila for my college education.

Sa paglipas ng panahon, ang dami na ring nabago sa bahay na ito, it really proves that everything’s changes. Everything should fade. Napakaraming memories sa bahay na ito, na napakasarap balik balikan.

Hindi na ganyan ang view ng bahay namin ngayon, nagkaroon na ng bahay sa vacant lot sa left side, medyo natabunan yung side ng bahay namin. So, we need to change the location of the front door, 3 steps away na lang sya sa gate. Yung terrace na putol, extended na sya papuntang left side. Ang bubong na nasa baba ng aircon room, nagging concrete na sya, terrace din ang dating. At pagpasok mo sa gate, ang daming kung anu-anong halaman ang makikita mo.

Mahilig kase si nanay sa mga halaman, pati ako pinoforce na maghalaman, ngek! E hindi ko naman hilig ito. Ang tatay ko rin mahilig sa halaman, tinitrim nya lagi yun mga yellow tops sa harap ng bahay.

Nung bata pa ako, mahilig akong gumawa ng paper boat, tapos pag-umuulan lalaruin ko dun sa may kanal.. Magtatago pa ako kina tatay, kase pagagalitan nila ako, pag nakitang naglalaro sa kanal.

Yung room na may aircon, jan ako natutulog sa hapon nun bata pa ako katabi ko si tatay. (Pero wala pa fating aircon dyan). Kase hindi pwedeng hindi ako matutulog sa hapon, kaya binabantayan nya ako. Inggit na inggit ako sa mga kalaro ko kase naririnig ko na silang nagtatakbuhan sa kalye. Ang ginagawa ko, kunwari nakatulog na ko, guguluhin ko buhok ko tas lalagyan ko ng laway un pisngi ko, o db ang galing ng drama.. hahahaha. Ewan ko ba bakit gustong gusto ng mga batang maglaro sa katanghalian.

Madalas din kaming tumambay sa may terrace, wala pa dating bakal at semento yun, kaya medyo nakakatakot. Kaya patakas lang kami kung magpunta don. Ang masaklap, may sumbongera kaming kapitbahay, matandang babae, pag nakita kami don, pagdating nila tatay sa hapon magsusumbong na yun, “yung mga anak mo nagpupunta sa terrace”, e di papagalitan na kami, kase nga raw baka mahulog kami..

Sa likod bahay naman, yung nakikita nyong puno ng mangga, pinupuntirya namin yan pag summer. Ang dami kase ng bunga, kaya pag wala akong magawa, magbibitbit ako ng mga bato sa kwarto ko kasama ang pinsan ko, hahakot kami ng maraming bato, tas hahagisin namin ang mga mangga. Maganda dun, kase hindi makikita ng may ari ng mangga. Hahahahahaha.

Pero, ng mahuli kami ng lola ko, lagot. Galit na galit sa akin, masama daw yun. Pagnanakaw na daw ang tawag don, walanjo, nasintensyahan ang batang paslit. Kesyo hindi raw kami pinalaki ng ganon, matututo daw kaming magnakaw, naku napakahabang litanya. Kaya pag manghahagis ulit kami ng mangga, sinisigurado ko na hindi nya kami makikita. HAhahahaha.

Napakarami pang memories sa bahay na ito, sarap balikbalikan..

12 comments:

  1. wow!ang ganda naman ng bahay nyo Razz!

    masarap talagang maglaro sa tanghali nung bata pa,natawa ako sa ginawa mo,ginugulo ang buhok at nilalagyan ng laway ang pisngi,haha!

    ang ganda ng bagong template mo at may sound na,album pa yata :)

    ReplyDelete
  2. Nyahhaha, nahirapan ako medyo sa explanation mo sa bagong renovate na bahay nyo, sana dinrowing mo nalang o kaya pinicturan hehehe!! nangungulit lang!

    ReplyDelete
  3. isang taon? tagal naman parang nasa ibang bansa bahay nyo at hindi mo mauwian kahit isang beses isang linggo?
    danda bahay nyo kaingget kasi maliit ang bahay na kinalakihan ko e nalagyan lang ito ng taas nung nagkolehiyo ako ... saka walang ganyan kalaking espasyo sa labas kasi dikit dikit mga bahay sa tundo ... pero ang maganda dyan kahit papano hindi syempre makakalimutan yung mga experience mula pagkabata kahit maliit tulad ng mga karanasan mo sa bahay nyo noon... sa amin yang ganyang bahay at katulad ng ugali ng parents mo ...mayaman na :)

    ReplyDelete
  4. nice hauZ...memories will always be part of our growing up...there's no place lyk homw ika nga..naku ha, ba't kaya nagmuni-muni ito?eh, blooming naman!;0)

    ReplyDelete
  5. ghee,

    salamat.. simple lang ang bahay namin, nagiba yata sa pic hehehehe.

    natatawa na nga rin lng ako sa strategy ko nun bata ako para matakasan si tatay..hahahaha

    ang pagbibihis ng bahay ay dulot ng walang kagawaang nilalalang... buong 8hrs ko sa work ko ginawa to..

    ReplyDelete
  6. Tk senti

    Senti ka na naman.. lupet ng sounds mo. Naisip ko na rin na idrowing kaya lang tinatamad ako.. pasensya na sa masalimuot na explanasyon..hehehehe

    ReplyDelete
  7. Melai,

    oo nga e.. naku ang hirap naman umuwi linggo linggo.. aba sayang pamasahe.. layo e, tsaka nakakapagod byahe. sila nanay ang madalas umuwi dito sa manila.

    Maliit rin lang yan, mukha lang malaki.. hehehehehe. tsaka probinsya naman yan, kaya medyo hindi masikip ang space.

    Patay, hindi kami mayaman ha, mayaman lang sa utang..hehehehe

    ReplyDelete
  8. Ev,

    Thanx. Hindi naman ako nagsesenti, nakita ko lang tong pic na to sa bahay kaya naisipan kong i-blog.

    ReplyDelete
  9. aba... kasabay ng pag-renovate ng bahay nyo e ang paganda ng pagandang bahay mo sa blog! hahahaha!!

    sutil ka pala nung bata ka.. hanggang ngayon naman eh! at least, enjoy ang iyong childhood db?! hihihihi...

    ReplyDelete
  10. ahhh, excited na akong umuwi sa amin....malapit na....kunting tiis na lang... :D

    ReplyDelete
  11. Medyo walang magawa ngayon e, kaya ang pagkalikot ng bahay ang inaatupag..heheheh

    Korek hanggang ngayon sutil ako.. hahahaha..

    ReplyDelete
  12. vince,

    sa pasko? aba, pasalubong ha.. db taga mindanao ka? wag kang magkakamaling pasalubungan ako ng durian.. :)

    ReplyDelete