Monday, July 30, 2007

Coffee Expert???

Last night we’re craving for some coffee, (as we always do) or I guess just a place to hang out, for little talk. May friend cha, wanted to go out. She’s been through a lot of thinking that day.

I was experimenting on coffee lately, trying to classify it, in other words, pinaninindigan ang pagiging coffee addict. Hehehehe. My brother was a barista before, and lately almost every night may coffee session kami after rehearsal. Kwentuhan hanggang 2am. Jay ang Cha, would stop by at hour house for the coffee session, lately rin kase parang pang teleserye ang buhay ng GPS (Gloria Patri Singers), kaya maraming napag-uusapan..

Kuya Nel give me some information about coffee, kung ano muna ang dapat kong inumin as a starter, mild daw muna, kaya house blend ang iniinom namin ngayon.. House Blend, a blend of Latin American coffees. The bright flavor is tempered with a round smoothness and ends with a clean finish. Tamang tama pa lang to sa panlasa ko, hindi masyadong bitter.

So, instead of ordering frapp, coffee press na lang..para kunyari marami akong alam sa coffee..wehehehehe. After sitting at the coffee house for almost 2 hours, may coffee tasting sila, and we are the chosen customer..hahaha. Isang barista ang lumapit sa amin, feeling ko new lang sya kase, may binabasa pa sya habang nag-eexplain sa amin..

First coffee, a komodo dragon blend, (Bold) a spicy, herbal, and earthy with a full body.. bold ang coffee na ito, so medyo bitter ang taste. Galing sa Indonesia ang coffee na ito. Indonesian coffees are known as the deep, stalwart elements of the coffee world. Komodo Dragon Blend— is wholly an Indonesian coffee.

Next is Sulawesi, (Extra Bold) an assertive coffee with a heavy body and creamy texture, it is best describe as spicy ang herbal.. Hmm, parang nakatikim ka ng ampalaya..hehehe. Most of the coffee Starbucks purchases from Sulawesi comes from a region called Torajaland.

Last one is Sumatra, (Extra Bold). It has a full, syrupy body with virtually no acidity - so the coffee's intensity lingers in your mouth. The concentrated spicy, herbal notes and earthy aroma are the telltale signatures of this well-loved coffee. Ito talaga ang sobrang matatandaan ang lasa, kakaiba talaga, medyo mapakla, na spicy. The island of Sumatra produces 70% of Indonesia's income and is home to over 38 million people.

How to taste the coffee? First, cover the cup with your palm, ¾ lang daw yung natatakpan mo, then smell the aroma of the coffee.. then slurp it..(kelangan daw ganon.. J) Nakakaaliw ito…coffee experience. Kaya naman, gising na gising ang diwa namin hanggang madaling araw.. hehehe. Ikaw ba naman ang maka apat na cup ng coffee..

Now I realized, kaya pala iba ang lasa nun 3 in 1 na coffee na binili ko last time, parang walang lasa, parang uminom ako ng mainit na tubig na may cream and sugar.. Maybe because, tumataas na ang level ng pag-inom ko ng kape, mas strong na ang panlasa… And nun bata ako, pag nagtitimpla ako ng kape, sobrang konti lang ng kape na nilalagay ko, tip lang ng teaspoon, ngayon kalahati na ng tablespoon na kape ang nilalagay ko.. :0

Monday, July 23, 2007

The game is on.

Last Thursday I just stayed at home, nagrest muna sa aking working environment. Kahit madalas akong walang tulog, hindi pa rin ako natulog, I’m just here on my room watching dvd’s.. Nainip sa kwarto, bumaba sa sala para makisocialize, kay chloe..? hehehe. Nothing to do, walang tao, nagbukas ng tv, pero wala naman talaga akong papanoorin, browsing the channel, natapat sa studio23 at muling nagbalik ang ala-ala ng college days ko..

It’s UAAP season again.. huwaw!!! I miss this thing. Sobrang fan ako ng UAAP. I’d rather watch UAAP than PBA. Mas feel mo kase yung alma mater mo yung chinicheer mo..

I still remember, during my first year in college, it is a requirement on our P.E. subject to watch UAAP every time may game ang UE. Kung anu-anong cheer ang pinapa memorize sa amin, at first I find it ridiculous, kase parang we are forced to watch it, kase nga nakasalalay naman sa attendance namin ang grades, well partly, plus points nga daw. Hehehe. E di syempre, mga walang muwang pa kami nun kaya sige go lang.. Pinapagsuot pa kami ng red nun. Nandun pa dati sina Tubid, sophomore yata sya nun (sya lang ang nasa PBA sa batch nya na kilala ko from UE).

200meters away from the gym ka pa lang, maririnig mo na ang cheers at nagundong ng mga drums.. kanya kanyang beat bawat schools, kanya kanyang kulay.. masaya talaga. Hindi pedeng hindi ka magcheecheer at uupo lang sa upuan, kase madadala ka ng excitement, from the beginning til the last shot, talagang sisigaw ka at the top of your lungs..na talagang after the game, wala ka ng boses (go UE…. Go fight red and white… get that ball… defense…. Shoot that ball.. yan ay ilan lamang sa mga isinisigaw namin). Pati nga damit ng katabi mo mahihila mo, lalo na sa crucial points.. mabibingi ka rin sa ingay ng mga drums, sa mga iringan ng mga estudyante.. may nagkakapikunan, may mga players na nagsasapakan.. may coach na mag wo-walk out, puno ng drama at emosyon ang kapaligiran. Laging puno ang araneta coliseum pag may UAAP games.

Even on our higher years in UE, we still watched the UAAP, kahit wala ng PE, kase talagang nakakaenjoy. Mararamdaman mo talaga yung kaba while watching, halos magtumbling ka pag nagturn over at nakapagfastbreak ang school mo, halos maihi ka naman pag 2pts ang lamang ng kalaban, tapos free throw ng school mo, pinagdarasal mo na sana mag over time, feel na feel mo talaga, battle of schools e, kaya lagi kaming tumatakas sa school nun, takas sa org namin hindi sa subject. Kahit may meeting sa org, hay naku, cancel ito, ang mahalaga, may tickets pang mabibili sa araneta. Sugod agad kami sa coliseum after the class, kahit naka uniform pa kami.. may baong mga red shirts..

Ang masaklap lang, everytime na manonood ako ng live, laging natatalo ang UE. I don’t know, may sumpa yata ako.. Wala akong matandaan na nanood ako na panalo ang UE, buti pang manood na lang ako sa TV, nananalo. Nakita ko yung commercial sa TV ng UAAP, affected yung guy dahil talo ang school nya, totoo yun.. KAse pag natatalo ang UE non, sobrang affected kami, uuwi kaming malulungkot, na halos hindi mo makausap. I remembered pala, nakanood ako na nanalo ang UE, kala ko mapuputol na ang sumpa, pero hindi pa rin… Never pang nakapasok sa finals ang UE, nabobobo yata sila pag semis na.. laging natatalo..kakainis.

Sobrang naging idol ko si james yap nun season 66 yata un.. Ang galing nya kase, super star ng UE, at talagang pinupuntahan pa naming sa gym yun para mapanood ang practice game, dami ring naaliw sa kanya, including me..hahahahahahaha. Basta pag pag playing time na nya, go papa james…wahahahahha.. kasama ang partner nyang si paul artadi.

Last thu nanalo sila sa game, sana makapasok na sila this season sa finals, para makanood ulit ng live at sana wala na ang sumpa.. hehehe.


Go fight red and white..

Ayaw ko na kay james yap, si marcy na ang like ko...cute and magaling... :)

*Update: University of the East trampled the Green Archers to the Cuneta Astrodome floor, 96-76, on a Sunday bloody Sunday of UAAP men’s basketball.

Thursday, July 19, 2007

Easy...

These past few days I’m at the state of tinatamad. I never really completed my working hours at the office, but I can still meet the deadlines, kaya siguro hindi na nila napapansin.. hehehe. In my work, flexi kase kami, do what you want as long as you do what is to be done. Actually kinakabahan ako pag ganitong wala masyadong ginagawa, kase feeling ko after this, tons of work na naman as in 24/7 (Mostly Sun Cell kase project namin ngayon. Wala pong kaugnayan yun sa dami ng work..hehehe).

Kanina, I arrived at the office at 10:30am (tamad po talaga akong pumasok ng maaga). I just checked the report made by my team due today. I finished it at around 1:30PM. I told them, ako na magdadala sa GCC (Ortigas), tapos uuwi na ako..hehehe (Gawain ng tamad).

At 3PM, I was just wandering at Galleria, nagpapalipas ng oras, para anytime na may kelangan sila, I’m still at GCC. Nagbasa basa ng libro sa National Bookstore.. Napadaan sa tindahan ng sapatos. I’m looking for a flat shoes, it could be doll shoes, na medyo hindi formal ang style, pede kahit saan, on the go, at higit sa lahat masarap sa paa. Medyo pasaway kase ang aking paa kaya noon pa ay medyo mahirap makahanap ng ganon, or maybe I’m just being so mapili. Minsan kase, when I got home, biglang ayaw ko na nun nabili ko, kaya nakaka 100times akong magsukat, bago ko bilhin.

Sa pangalawang balik ko sa store nay un, hindi ko pa talaga binili, but I liked it already.. Kaya nilibot ko muna buong mall, hanggang sa tumawag ang boss ko. Akala ko pababalikin ako sa office or baka may iuutos, akalain mo yun, wala pala syang pera, kase naiwan nya sa office..whatt?? I don’t have cash either. Naawa naman ako sa kanya may meeting pa daw sya e, baka hindi makabalik sa office, since ang meeting nya ay sa GCC din, kaya meet ko sya sa lobby ng GCC.. I just have 100bucks on my wallet and enough money on my pocket to get me home. Kaloka ang boss ko na ito. Buti na lang, hindi pa ako nakakapagdecide bilhin un shoes, naku malalaman nyang nagmamall lang ako kung nagkataon..wahahaha.






Sa pangatlong balik ko, binili ko na rin...




Wish ko lang pag-uwi ko gusto ko pa rin to..hehehe.

Gutom na gutom na ko pag-uwi, kase ba naman hindi ako nagbreakfast, konti lang nakain ko ng lunch, dahil hindi ako makakain. Last Monday nagpunta ako sa dentist para sa preparation ko para sa braces. Ayan, nilagyan nya ako ng separator, kaya medyo masakit ang ipin ko pag kumakain. Kung kelan naman ako may appetite, hindi naman ako makakain...


Kaya heto kinakain ko muna..


Tuesday, July 10, 2007

I miss....

I’v been away from blogworld..and I really don’t know why. I’m never been away from my pc thou. Sobrang busy rin siguro sa offline world. I have a lot of thinking to do, kaya nawalan din ng drive magblog. Siguro ayaw ko rin magpost ng malungkot sa blog ko, or something depressing.. Now I’m thinking, “e kaya ko nga ginawa tong blog na to for my sentiments..” E kase I’v a few frends na rin naman sa blog, ayaw ko lang sigurong mastress kayo pagpumupunta sa blog ko..

I’v lost a best friend, I’m really struggling on my work, on my career, what else.. and a lot more.. mas may appeal lang siguro ang grey’s anatomy ngayon sa akin at ang pagsort ng mga pictures ng gps.. ang pagkakape hanggang 2a.m with my bro and jay, kwentuhan to the max.. kaya super wala na akong maisip na i-blog.. hehehehe

Bat ba ganito post ko… kase namiss ko na talagang magblog at makibasa ng blog ng may blog… I hope I’m back… hehehehehhe…. And i-add pa na mukhang marming inactive ngayon sa blogworld.. hmmm..

Wala akong maisip talaga, baka bukas meron na..hehehe

Sunday, July 1, 2007

Bulalo... Kalaboso

It was fine friday morning. I had a schedule to survey Tagaytay Highlands (May site kase kami dun), so medyo excited naman ako kase kahit work ang ipinunta ko makakapagrest pa rin ako somehow..and to the fact na ayaw ko magstay at makasama sa office ang makulit kong boss..

The plan was to get the Nissan Terrano at balintawak, yun kase un sasakyan na nakaregister para sa access pass sa Highlands. Suddenly nagchange ang plan kase nasa Cavite pa pala ang sasakyan and the engineer handling the vehicle didnt informed me.. Medyo naiinis na ako non, kase i was supposed to get it at Balintawak and nobody cares to inform me, buti na lang tinawagan sila ni Dwight.. Ayan, medyo hindi na fine ang araw ko..

After 30 min, may boss phoned Dwight and gave him instructions para sa implementation, as usual nanghugot na naman sila ng tao ko. Si Dwight dapat kasama ko sa survey, and he wanted din na sumama kase nga sobrang exhausted na sya sa implementation and marami namang engineers na nandun.. So in short nawalan ako ng driver.....great!



Kaya heto ako dakilang engineer at the same time driver.. pero ok lang naman, kaya lang masarap pa rin ang nasa passenger seat. (alangan naman pagdrive-in ko yung kasama kong client)
Ito po ang makikita sa entrance ng Highlands
Work work work. Nakalimutan naming maglunch kaya, 3:00pm na kami natapos, gutom na gutom na ko..wahh. Since kami lang dalawa ng client ang magkasama, kahiya naman kung maglilibot pa ako. So, yun we decided na kumain na lang on the way home.
Kapagod na rin kase, mag chowking na lang daw kami sa may olivarez sabi ni Romulo. Pero naisip ko treat ko sya ng bulalo. May masarap kase na bulalo sa may papuntang Batangas.
Nakita ko na yung kinainan namin before na may masarap na bulalo, so nagslow down na ako. Nasa kabilang lane kase un Bulalo restaurant, i tried na magleft na agad, pero hindi free un kaliwa. So naghazard ako, nakita ko sa rear mirror un kasunod ko na car na magoovertake na sa left, so definitely free na ako magright to use the shoulder....tapos biglang blaggggg... What the....??!!
I was in shock, kase alam ko medyo malaki ang damage. Pero i stay calm, first time kong mabangga.. pero ang naisip ko agad. Oh my, i'm so starving at nasa harap lang ang bulalo, matagal na investigation nito malamang...meaning hindi na ako makakakakain hanggang sa masettle ang argument...waaahhh
So un, inaccused pa ako nun nakabangga na hindi ako marunong magdrive.. what the...? dahil ba babae ako, at lalaki ang nasa passenger seat?! kala nya student ako... nyeh. Inilagay ko sa pagmumukha nya lisensya ko.. matigil lang sya. And besides sino ba ang hindi marunong magdrive sa amin?? E sya tong luko-loko na magoovertake using shoulder..ok lang sya.. and pang 4th vehicle pa sya. Ipinilit nya talagang lumusot, nainip hindi nakapaghintay.
Dumating ang mga pulis.. (Note: Dnt remove the car pag po nagkabanggaan kahit pa magkatraffic traffic pa hangga't walang pulis.. or at least take a picture yung actual na position ng mga sasakyan). Since nabago na ang pwesto, hindi na sila makapagdecide.. Napunta ang argument sa presinto..
Eventually sa akin lahat pumanig ang mga pulis, kase kahit saang angle mo tingnan, bawal magover take sa shoulder. Iniinsist ng nakabangga na papunta daw ako ng kaliwa, o kung papunta ako, bakit nabangga ako sa kanan, at kung papunta ako ng kaliwa, sana nabangga ko un mga nagovertake sa kaliwa..


Ito ang nangyari sa sasakyan ko..

Ito naman ang salarin.

After masettle na ang usapan, (sila ang magpapaayos ng sasakyan ko), 8:00pm nakakain din kami sa wakas. Nauwi rin kami sa chowking...naglaho na ang bulalo. Hay. Sobrang nagutom ako, pero hindi ako makakain dahil nalipasan na ako ng gutom, sakit pa ng ulo ko sobra, feeling ko hindi ko na kakayanin magdrive from tagaytay to manila.. But, do i have a choice?? Kahit masakit na masakit ang ulo ko, drive pa rin, naaliw na lang ako sa mga stories ni Romulo... Dahil na rin siguro na shock ako kaya at wits end na rin ako.

Dumating ako ng manila ng mga 11pm, at pinapunta pa ako ng boss ko sa office (makati) hay, pagod na pagod na ako, nakaalis kami ng office at around 1:30am, kamusta naman yun? kinabukasan 1pm na ako nagising sa sobrang pagod siguro.