It was fine friday morning. I had a schedule to survey Tagaytay Highlands (May site kase kami dun), so medyo excited naman ako kase kahit work ang ipinunta ko makakapagrest pa rin ako somehow..and to the fact na ayaw ko magstay at makasama sa office ang makulit kong boss..
The plan was to get the Nissan Terrano at balintawak, yun kase un sasakyan na nakaregister para sa access pass sa Highlands. Suddenly nagchange ang plan kase nasa Cavite pa pala ang sasakyan and the engineer handling the vehicle didnt informed me.. Medyo naiinis na ako non, kase i was supposed to get it at Balintawak and nobody cares to inform me, buti na lang tinawagan sila ni Dwight.. Ayan, medyo hindi na fine ang araw ko..
After 30 min, may boss phoned Dwight and gave him instructions para sa implementation, as usual nanghugot na naman sila ng tao ko. Si Dwight dapat kasama ko sa survey, and he wanted din na sumama kase nga sobrang exhausted na sya sa implementation and marami namang engineers na nandun.. So in short nawalan ako ng driver.....great!
Kaya heto ako dakilang engineer at the same time driver.. pero ok lang naman, kaya lang masarap pa rin ang nasa passenger seat. (alangan naman pagdrive-in ko yung kasama kong client)
Ito po ang makikita sa entrance ng Highlands
Work work work. Nakalimutan naming maglunch kaya, 3:00pm na kami natapos, gutom na gutom na ko..wahh. Since kami lang dalawa ng client ang magkasama, kahiya naman kung maglilibot pa ako. So, yun we decided na kumain na lang on the way home.
Kapagod na rin kase, mag chowking na lang daw kami sa may olivarez sabi ni Romulo. Pero naisip ko treat ko sya ng bulalo. May masarap kase na bulalo sa may papuntang Batangas.
Nakita ko na yung kinainan namin before na may masarap na bulalo, so nagslow down na ako. Nasa kabilang lane kase un Bulalo restaurant, i tried na magleft na agad, pero hindi free un kaliwa. So naghazard ako, nakita ko sa rear mirror un kasunod ko na car na magoovertake na sa left, so definitely free na ako magright to use the shoulder....tapos biglang blaggggg... What the....??!!
I was in shock, kase alam ko medyo malaki ang damage. Pero i stay calm, first time kong mabangga.. pero ang naisip ko agad. Oh my, i'm so starving at nasa harap lang ang bulalo, matagal na investigation nito malamang...meaning hindi na ako makakakakain hanggang sa masettle ang argument...waaahhh
So un, inaccused pa ako nun nakabangga na hindi ako marunong magdrive.. what the...? dahil ba babae ako, at lalaki ang nasa passenger seat?! kala nya student ako... nyeh. Inilagay ko sa pagmumukha nya lisensya ko.. matigil lang sya. And besides sino ba ang hindi marunong magdrive sa amin?? E sya tong luko-loko na magoovertake using shoulder..ok lang sya.. and pang 4th vehicle pa sya. Ipinilit nya talagang lumusot, nainip hindi nakapaghintay.
Dumating ang mga pulis.. (Note: Dnt remove the car pag po nagkabanggaan kahit pa magkatraffic traffic pa hangga't walang pulis.. or at least take a picture yung actual na position ng mga sasakyan). Since nabago na ang pwesto, hindi na sila makapagdecide.. Napunta ang argument sa presinto..
Eventually sa akin lahat pumanig ang mga pulis, kase kahit saang angle mo tingnan, bawal magover take sa shoulder. Iniinsist ng nakabangga na papunta daw ako ng kaliwa, o kung papunta ako, bakit nabangga ako sa kanan, at kung papunta ako ng kaliwa, sana nabangga ko un mga nagovertake sa kaliwa..
Ito ang nangyari sa sasakyan ko..
Ito naman ang salarin.
After masettle na ang usapan, (sila ang magpapaayos ng sasakyan ko), 8:00pm nakakain din kami sa wakas. Nauwi rin kami sa chowking...naglaho na ang bulalo. Hay. Sobrang nagutom ako, pero hindi ako makakain dahil nalipasan na ako ng gutom, sakit pa ng ulo ko sobra, feeling ko hindi ko na kakayanin magdrive from tagaytay to manila.. But, do i have a choice?? Kahit masakit na masakit ang ulo ko, drive pa rin, naaliw na lang ako sa mga stories ni Romulo... Dahil na rin siguro na shock ako kaya at wits end na rin ako.
Dumating ako ng manila ng mga 11pm, at pinapunta pa ako ng boss ko sa office (makati) hay, pagod na pagod na ako, nakaalis kami ng office at around 1:30am, kamusta naman yun? kinabukasan 1pm na ako nagising sa sobrang pagod siguro.
Hello Razz! Buti na lang ganun lang ang nangyari syo. Mas safe pa rin yang malaking sasakyan kesa sa motorbike mo na nagkasugat-sugat ka tuloy noon.
ReplyDeletehmmm...what a journey..kala ko all's well pero at tha end of your story eh..may banggaan pala..at sangkot ka pah@nakowww!ganyan talaga ang life razz..and thanks God di naman isang malaking aksidenti ang nasuong mo...hahayy..minsan kinakabahan na ako sa mga adventure mo iha!!tapos late ka pa nauuwi..hmmm..ayan tuloy nag asal nanay na ako nito!hehehe
ReplyDeletemis u girl!take care always!muahhh
ann Oo nga no, naalala ko sa tagaytay rin nangyari yung accident ko sa motor.. Di kaya may sumpa sa akin ang tagaytay? hehehe
ReplyDeleteEv
ReplyDeleteHehehe.. Oo nga at thanks God talaga walang nasaktan. Makulay ang buhay pag may adventure. hehehe
Hay kawawa nman pala ang kaibigan ko. Kung sa akin nangyari yan mag li-leave ako ng 3 months with pay... bwahhahha
ReplyDelete