Sunday, August 19, 2007

Complicated...

Kelan ba nagsimula na nag-isip ako na lumipat ng company?? Matagal na, since the beginning I guess. Pero I learned to like it…well, I love my job per se, and this is my dream job. Pinangarap ko dati pa na maging in line with telecoms ang work ko. After passing the board exam, I targeted Telco Company, pero walang nangyari. I ended up working in a job which is not really in line with my course. Aba at hindi pala ako nag-iisa, marami pala kami, tapos mga board passers pa.

Sadyang mahirap pumasok sa telecoms, kung may kakilala ka, well, madali lang. I was given a chance to be involved in telecoms because of our family friend. Nalaman ko na relative pala naming yun. Student palang ako sa college, pinagbilin na ako ng tatay ko sa kanya, na sana matulungan din ako sa work. Well, mapride po si razberry, kaya kahit nakagraduate na ako at nakapasa sa board, never kong kinontak yun.. Naghanap ako mag-isa ko at dumiskarte ng sarili…

Nung magsawa sa first job ko, at hindi na nakatiis, nakipag-usap na rin ako kay “jrr”, kase may bagong put up sya na company in telecoms.. E di ayun, napunta ako sa telecoms…great!!..

Then that’s it, kala ko ba maganda na work ko??? Yup maganda ok naman…but along the way ang daming ng lumabas na problem,..mainly sa management.. And I really can’t take it anymore, sobra na sila. Tatlo silang boss ko, magpapartner sila.. we call them ‘jrr-family friend na nagpasok sa akin’, ‘jsm-the super kulit’ and ‘rpp-the most arrogant person I know’.

Sobrang conflict na talaga, jrr keep his distance to the company for some personal problem with his partners. He tried to pull out his shares, pero ayaw yata nun dalawa. Simula nun na inaway ako ni rpp ng nakatalikod, sa kabila ng lahat ng sacrifices ko sa company, tinira nya ako ng nakatalikod, at simula nun time na he’s blaming my team… that’s the time na nawalan na ako ng drive to work.. he even fired one of my co-engineers dahil sa naglunch lang kami..my god!!.

Nun nawala si partner, mas naging bullshit ang trabaho namin.. I’m not meeting the deadlines, lahat pending..how can I survive e mag-isa lang ako, and I’m handling how many sites?? Around 120hops for south Luzon.. my gulay, hindi ako wonder woman..

Naging magulo ang team naming, and I don’t even wanted to handle it, kahit sabihin pa ni rpp na ako na ang bahala.. but where’s the support?? Nawalan na nga kami lahat ng drive.. When I talked and open up to jrr, sobrang iyak ako ng iyak, lahat ng sama ng loob ko sa company sinabi ko, he even have a personal conflict with his partner… o di ba, silang magpapartner walang direksyon…

Well anyway, hindi na ako naghandle ng project, bahala na sila, basta ako, kung ano lang yung dapat gawin yun lang..i’m not taking extras… no extra time, no ectxa effort. Absent ako kung gusto ko at magfifield ako pag gusto ko…ahehehhee.. nagging bad ako in short.. hehhe.. I’m just waiting for the new opportunity. Gusto ko umalis ako dun ng unexpected.. anyways, 2 engineers nap ala ang nagresign, at susunod na kami..hehehe

Last week, pagkapasok ko pa lang, Rachel told me na tumawag si jrr at baka interested kami sa vacancy sa ericsson… Of course I’m very much interested.. Ayun pinass namin resume naming tatlo.. (core group ng transmission planning). Imagine na lang pag kaming tatlo ang nawala… sobrang mapipilayan ang compamy.

So ang idea na ito ay sobrang confidential.. It’s between, sa aming tatlong engineers at kay jrr.. Sabi ni jrr, basta hindi sya ang nagrecommend, dahil malalagot sya sa mga partners nya.. Parang conspiracy nga ang dating.. si jrr na boss namin na partner ni jsm at rpp, tinutulungan kaming makaalis sa company nila…ang gulo namin.. si jrr kase nagpasok sa aming tatlo..

JRR is a good boss, sa kanya ko nga lang lahat natutunan kung anu man ang knowledge na meron ako.. he’s a good mentor..

Complicated ang paglipat namin sa ericsson, yung pinakaproject manager ng ericsson ang nagpipirate sa amin.. Of course hindi pedeng malaman ni rpp at jsm na lilipat kami, lalong majojeopardize ang paglipat, at anu na lang ang mangyayari pag nalaman na involve si jrr… ang gulo talaga, complicated.. Basta ako, all I want is to leave the company..

To be continued…….

8 comments:

  1. hello razzy,
    una, thanks sa comment ha? ikaw pa una sa post ko,,,lol,,,,kagawa ko lang,,,,
    totoo ba, hala sinu kayang patay na bumisita sa amin, baka tatay ko.....rest n peace, amen,

    ay oo nga yon ang mahirap sa atin....yon pa rin hanggang ngayon...sa works ba: whom you know, hindi kung ano ang what you know,,,,,
    dito hindi pwedeito, kung hindi kung ano ang alam mo,,,,,utak talaga, kahit sino ka man or ano ang parrents mo,,,,,,,

    kasi, paano na lang ang mga trabahante ay wlang alam,,,,patay negosyo or yon firma,,,
    kaya, wla yan dito.......

    sigi, again, thank you for visiting ha?......masarap talaga ang champorado, lalo na gamit ko yon malaggit rice,,,,,hay sarap.....

    bye and have a nice sunday na lang dyan.....tc n regards..

    ReplyDelete
  2. bakit nga ba nagiging big deal ang paglipat ng empleyado sa ibang kumpanya? hndi lang sa inyo yan kahit sa ibang industriya. of course the employee has to think of his own growth, whle many companies have been proven to get back on its feet upon the loss of its most important employee.

    ReplyDelete
  3. hi razzy thanks 4 droppin by my site. from camiguin try nmin makadaan pa ng cdo, gs2 ko dn try yang rafting n yan... sna kaya pa ng time and budget hehe.

    ReplyDelete
  4. hmmm...isa lang ata masasabi ko..follow your heart razberry!mahirap mag work na wala dun ang puso mo ahhh!razz, kung mapilay man ang company sa pag alis nyo, its not your problem anymore...di ka naman isa sa mga stockholder nila ano para kahit sa decision -making mo eh kelangan mo lagi isipin ang iisipin nila kesa sa personal mong nararamdaman...

    well, as you said, di ka naman si wonderwoman diba?!

    miss u girl!;0)ingats!

    ReplyDelete
  5. hi raz... sabagay hindi naman na bago sa atin ang job hunting... there was even some statistic studies na bago ka raw umabot ng 30 kahit na 10 companies ka pa average lang yun...

    ibang usapan kung mahal mo na yung trabaho siemps... tulad ng iba sa amin na offeran na halos ng 200K/mo sa DU (a telecoms in UAE based in Dubai)hindi pa rin sila umalis nonetheless...

    I hope all the best for you razzy, hope to chat with you again sometime...

    ReplyDelete
  6. babalik ako. sandali lang ang haba kc ng entry heheh

    ReplyDelete
  7. malas ng kumpanya nyo... mawawalan ng isang razz!! nyahahaha! sis, basta gawin mo kung saan sa tingin mo mag-ggrow ka at syempre kung saan ka sasaya! kung ganyan naman ang company e kahit ako di na ako magtitiis dyan noh! mahirap kaya pag hindi ka na happy kasi di ka na inspired para gumawa ng trabaho!

    gudlak! sana matanggap kayo sa ericsson.

    ReplyDelete
  8. @vk,

    Thanks for the comment.. Ganun talaga dito, palakasan at mapulitika.. sa company nga namin, kahit walang alam, go pa rin.. hindi pa siguro mararamdaman ngayon, pero eventually, babagsak ang negosyon pag ganun..

    @ladycess
    yes, that's right.. alagaan nila kase mga empleyado para walang problema.. syempre iniisip mo rin pano ka mag ggrow. e pano naman kung company lang ang nag ggrow at ang mga empleyado ay hindi?

    @yen

    masarap yang water rafting sana matry nyo.. :) thanks din sa visit.. :)

    @ev

    it's time na talaga to move on.. binigay ko rin naman sa kanila ang mga kailangan nila, higit pa.. miss you too! :)

    @gerrycho
    yup...hindi naman ako makakaisip umalis kung masaya ako e.. kaya lang hindi na kase worth it mga nangyayari.. parang sayang na yun time..

    wentuhan tayo, libre mo ko kape, jan sa may valero.. hehehehe

    @tikey

    mahaba ba?? hehehehe... naaliw ako magwento e..

    @rho

    wahahahahaha... malas talaga. hahahahah, ikaw nga pala minsan ang shock absorber ko pag dating sa himutok ko sa company... thanks girl.. :)

    Sana nga maging ok paglipat namin.. :)

    ReplyDelete