Sunday, August 5, 2007

Is it tragic?

Noong isang lingo nagising ako sa tawag ng aking kaibigan na si charisse, it was 6a.m. in the morning, and it is very unusual for her to call me at that hour, hindi kase kami early people. Hindi ko muna pinansin ang telepono ko ng mga panahon na iyon, hindi kase ako sumasagot ng tawag sa umaga unless emergency. NAng tingnan ko ang telepono ko, 1 missed call from cha, I thought magpapareserved lang sya sa akin ng flight to tacloban, pero bakit napakaaga naman, at alam nya na hindi ako gumigising ng ganong oras.

Pangalawang vibrate ng telepono ko, naisip ko, importante talaga siguro ito, dali dali kong tiningnan ang telepono, si cha ulit. Pagkasagot ko ng fon, umiiyak sya, at nauutal sa pagsasalita, halos wala akong maintindihan, pero parang alam ko na ang sasabihin nya.. ang tangi ko na lang naintindihan…”si mama”. And I get it, her mama passed away.

Last night, bago mamatay ang mama nya, napagkwentuhan pa namin na baka hindi na nya abutan ang mama nya sa tacloban, and it happened, hindi na nga sya umabot. Ang mama nya ay may lung cancer, at lately na lang nila nalaman, kung kelan critical na. Matagal ng may sakit ang mama nya, pero walang diagnosis, ang akala ng lahat depression lang ito or psychological, dahil sa walang makita ang mga doctor sa mga tests before.

Ang sobrang nakakalungkot lang nung time na tumawag sya sa akin, para sabihing namatay na ang mama nya, kasalukuyan namang critical din ang papa nya. Ang papa naman nya ay may cancer sa bladder.. Kinakailangang nyan madala agad sa hospital, kailangan ng ambulansya para madala ito. Hindi ko nga alam ang gagawin ko nun, ang nasabi ko na lang “calm down”, kelangan makakuha ng ambulasya. Tawag agad ako sa hospital para maassist agad ang papa nya.

Hindi rin nagtagal ang papa nya. Kamakailan lang ng pumanaw na rin ito. Libing ng mama nya sa tacloban, ang papa naman nya nakaburol dito sa manila. Dumalaw ako sa burol ng papa nya kahapon, habang magkasama kami, tinanong nya sa akin, “sa tingin mo trahedya ba ang nangyari sa amin?” hindi ko naman nasagot. Trahedya nga ba?

Pero bilib ako sa kanya, she’s strong woman, full of life, and good thing, hindi nya inisip na trahedya nga ito. Sa kabila ng lahat, nakikita pa rin nya ang liwanag, that there’s a life out there. Sabi nga ng isa nyang kaibigan, mabuti para sa kanya na very positive ang thinking nya. -Singit ko lang, maganda itong sinabi ng kaibigan, (interview sa isang kaibigan nya). “Saan mo hinuhugot ang lakas ng loob mo? How do you manage to be strong? “You don’t need to be strong; you just need to be humble…”

Pero minsan, kahit gaano tayo katatag, dumarating pa rin sa point na, nararamdaman mo lahat, depression, pain, everything..yung tipong iiyak ka na lang. Minsan hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya to comfort her, wala lang akong masabi. Sometimes kase hindi kelagan ng isang tao na maawa ka or malungkot ka sa sitwasyon na kinakaharap nya, all I have to do is to be there, kahit literally nandun lang ako..

Sabi nila, kung sino daw ang pinaka iyakin sa pamilya pag may namatay, yun daw ang pinakaguilty. Hehehe. Totoo kaya yun? Maybe.. Some people cried a lot dahil may mga pagkukulang sila sa pamilya, and wala na silang magagawa pa to correct it, patay na e, mapaparamdam mo pa bas a kanila kung gaano mo sila kamahal? Na sana nun nabubuhay pa e inasikaso mo ng lubos? Medyo guilty ako dito, kase nun nakaraan nagtampo si nanay sa akin, naisip ko, who knows maari ako o kung sino man mahal ko sa buhay ay mawala, kaya naman lagi na akong tumatawag kina nanay at tatay, iba kase yung feeling na alam mong may tampo sayo ang parents mo, baka pag nawala sila ako ang pinaka iyakin…hay, hindi ko yata kaya.

That’s life, may kanya kanyang intensity ng pain, kanya kanyang sakit na nararamdaman sa buhay, kanya kanyang dagok. The most important part is how you cope up with all the pains, with all the hardship, would you be able to look at the brighter side, na kahit anung sakit ang maramdaman mo ay hindi ka naman pala nag-iisa? God wont give us pain na hindi natin kakayanin. Pain is everywhere, it makes us stronger, sabi nga ni Meredith Grey:

“Pain, you just have to ride it out, hope it goes away on its own, hope the wound that caused it heals. There are no solutions, no easy answers, you just breathe deep and wait for it to subside. Most of the time pain can be managed but sometimes the pain gets you where you least expect it. Hits way below the belt and doesn't let up. Pain, you just have to fight through, because the truth is you can't outrun it and life always makes more.”

4 comments:

  1. My heartfelt condolence to your friend razz...its really tough..never easy but she has to be strong...maybe not this soon...but in time.

    "You don’t need to be strong; you just need to be humble…”...and its true.

    ReplyDelete
  2. Hindi un tragedy.. mag rereunion na nga sila ni God diba masaya un? Minsan me ginagamit na stronger person si Lord para sa kanila tayo humugot ng lakas pag tayo ay nanghihina. basta tama lahat ng sinabi mo..

    ReplyDelete
  3. Sad, really sad. Only God knows why this happened.

    My condolences to your friend, Razzy.

    ReplyDelete
  4. Nakakalungkot nga pero at least hindi lahat biglaan, kahit papaano expected nya na mangyayari pala dahil may sakit sila kaya lang mahirap pa rin talaga tanggapin kapag andyan na.

    ReplyDelete