Tuesday, May 28, 2013

FEUropa-V, 2013 (Semi-Final Round)

Semi-Final round. Sa 21 choirs, number 18 pa kami. Huwaw ang daming choirs naman nito.  Out of 21, 8 lang ang papasok sa Finals, medyo nakakakaba, kase mga kilala at magagaling ang choir na kasali. Nationwide pa ito. Merong galing, Baguio, Bacolod, Lagazpi, Batangas, Bataan.  Wow, we didn’t expect na ganito pala karami ang sasali ngayong taon na to.. Nakakakaba kase yung feeling na, yung kanta naming Chua-Ay, parang never pa naperfect yung pag stamp. Pero ganun pa man, naniniwala pa rin kami sa isa’t isa na magagawa namin ng maayos. Let’s give justice to Sir Fidel’s creation… ehehehe

Habang naghihintay nagrerehears kami ng paulit ulit, pinapaganda pa yung mga pwedeng mapagandang part since during the competition day lang kami nakumpleto, and para nakabukas na ang mga lalamunan, kelangan magkakanta ng magkakanta. At para na rin hindi mo marinig yung ibang choir na nagrerehears, baka kabugin ang dibdib sa maririnig.. ehehehhe.

At eto na nga, contestant number 18. Pag labas sa stage, wow ang daming supporters.. Ang sarap lang sa pakiramdam na ang daming nag c-cheer sa inyo at maraming pumapalakpak… Nakakawala ng kaba. Sobrang nakaka boost ng confidence.  After makanta ang Chua-Ay (Filipino) at Dies Irae (European), dali daling kinuha ang recorder sa kaibigan at nakinig. And satisfied naman kami sa narinig namin sa recording. All is well.. :)

Pero ang pinaka ayaw ko at the same time pinakagusto kong moment yung tinatawag na ang 8 finalist.. ohmaygad… Yung kabog ng dibdib mo rinig na rinig mo, yung hindi ka mapakali sa kinatatayuan mo. Unang tinawag..

The De La Salle Bacolod Chorale
Philippine Normal University Chorale
Coro Tomasino
University of Baguio Voices Chorale
Neo Nocturne

Hayyyyy.. yung moment na  3slots na lang, hindi pa rin kami natatawag.. hay grabe sa kaba. Buti na lang sa pang 6th, natawag na kami, dahil kung hindi baka maihi na ako nyan sa kaba…

Gloria Patri Singers
Bel Suono Chamber Singers
Lagazpi City Singing Ambassadors

Weeee, at nakapasok na kami sa finals. Masarap lang sa pakiramdam na sa dami ng magagaling napabilang kami sa Finalists. Such an achievement for our choir. At salamat sa dami ng sumusuporta sa Gloria Patri Singers, sobrang nakakataba ng puso. Marami rin palang nakakaappreciate ng aming musika. 

Thank you Lord for all the Blessings.


Saturday, May 25, 2013

FEUropa-V, 2013 (Before the Semi-Finals round)

Unang competition para sa taon ng 2013. Hindi kami sumasali dito nun mga nakaraan nilang pacontest kase medyo mahirap sa schedule, weekdays kase. E karamihan ng members ng Gloria Patri Singers (GPS) ay mga nagtatrabaho at estudyante. Pero bago magsimula ang taon, nakapag desisyon na kami na sumali. January pa lang may napili na kaming aaraling panlaban na kanta. Ito yung Ayug ti Amianan (Scenes from the North) which is in 3parts.. we sang the last part, variations on the Igorot song Chua-Ay, composed by Fidel Calalang Jr. – a conductor from UST Singers. Isa ito sa mga pinanglalaban nila sa international competition. Since ang conductor namin ay estudyante ni Sir Fidel, Chua-Ay naman daw ang kantahin namin, at may tiwala naman sya sa group na makakaya namin itong kantahin… So kami, go lang.. ehehhe… ang hirap kaya.

So eto naman kami aral, aral. Ang problema hindi kami makumpleto sa mga rehearsal, which is so important na kumpleto lagi, kase nga may kahirapan ang kanta. Ang tempo, kamusta naman. Ang mga sagutan na part, mahirap.. whew. Wala akong matandaan na araw na nakumpleto kami sa rehearsal. Kaya minsan nakakastress talaga. Hindi maiiwasan talaga yung ang daming pasaway, and daming drama sa buhay. Buti sana kung hindi pinagtatanong isa isa kung makakacommit o hindi. Importante kase dito yung commitment sa rehearsal. Hindi kase rin naman kami mga singers talaga, natrained lang kami ng conductor namin na nag aaral sa conservatory of music sa UST. May mga nagbabakasyon ng 7days tapos 2weeks na lang competition na, yung kung saan saan pumupunta, alam naman ang schedule ng rehearsal. Samantalang yung masisipag magrehears, kahit di na makapanood ng sine, basta makapagrehears lang, bawal makipagdate may rehearsal.. mga ganung moment.. Kaya sobrang nakakastress ang last 2weeks ng rehearsal.

At eto na nga po, sa GPS kase pag magcocompete hindi mawawalan ng drama at kaguluhan. Expected ko na to e, last day of rehearsal.. nag walk out si conductor, panung hindi mag w-walk out, kulang kulang ang singers sa kahulihulihang pagkakataon. Wow, nganga na naman kami. E kase parang ang konti talaga ng oras, tapos ganun pa. And magbaback out pa. Wow sayang ang effort, buti na lang kaming mga trustee ay nag usap usap. Aba naman ay nandito na rin lang naman tayo ay ituloy na, whatever happens, tuloy pa rin.

Pero hindi natapos ang lahat nun gabing iyon, pagdating sa venue, ang ganda pa naman ng ngiti ko, may kaguluhan na palang nangyayari. “Ang marker”… asan ang markerrrr.. ahahahhaha… gawa nya kase yung para sa marker sa stage, may pag ka OCD kase ang conductor namin.

 

Tuesday, May 21, 2013

So into P!NK


Gusto ko talga si Pink since “JustLlike a Pill” na kanta way back 2001.. Astig kase… I like the voice and the genre, alternative woman ang dating parang ako.. ehehehhe.. I used to memorize all her songs, tapos kakantahin ko lagi sa videoke, feeling performer din like Pink. Parang gusto ko nga ring magpakulay ng pink na buhok that time.. ahahaha


Then, when I was just looking for songs in youtube, dahil nag eemote ako last time, nakita ko ang “Just Give me a Reason” wow bago? Kasama pa si Nate ng Fun… Interesting…  And it’s a nice song, parang kakaibang Pink, ang galing, and syempre super relate ako sa song, and I fall in love with the song instantly. Na parang bang ramdam na ramdam ko yung kanta, from the bottom of my heart, “we’re not broken just bent”, yung pakiramdam na WE CAN STILL BE OK, sa kabila ng lahat. That’s why I love the song..  Naging national anthem ko na rin..  Umpisa pa lang ng kanta pasok na sa banga..


Right from the start
You were a thief
You stole my heart
And I your willing victim
I let you see the parts of me
That weren't all that pretty
And with every touch you fixed them


Pero habang tumatagal, parang di ko na sya feel, I come to realize na, we’re really broken.. Na you can’t just sit in there and everything will be ok. It’s like something you have in your hand suddenly slipping away that you can’t do anything about. And it should not always be me fixing things…  Nakakapagod na rin maghintay, nakakapagod rin pala talaga. Hindi ko na rin sya feel kase masyadong uso.. ehehhe.. ewan ko ba, me ganung factor pa ako, pag lahat na ng tao paborito ang isang bagay, nawawalan na ako ng gana.. Pero dati repeat mode ito sa kotse.. including “Break even” na kanta ng “The Script”.. mga kanta ba ito ng mga sawi? Eheheheh


Last weekend, my friend Mia and I travel together, and found out na gusto rin nya yung song. So ayun naging repeat mode na naman sya sa sasakyan..  Pero mas nalulungkot na ako pag naririnig ko ang song na to, specially sa part na to:

Oh, tear ducts and rust
I'll fix it for us
We're collecting dust
But our love's enough
You're holding it in
You're pouring a drink
No nothing is as bad as it seems
We'll come clean



I’ll fix it for us??? We’ll come clean?? DARN… ahahahaha.. so bitter… ahahahah… it was like.. arrrgghhh.. kalokohan…  (pero nakarepeat mode pa rin)



But I think “Just Give Me a Reason” deserves the popularity and all… Maganda naman talaga kase,lyrics and melody… moving song, with lots of emotion.. tagos na tagos.. 


Tuesday, May 14, 2013

Election 2013 - High Blood mode



Eto na naman tayo, karamihan highblood sa resulta ng eleksyon. Pag iisipin mo nga naman ang daming nag rant sa results sa online world, pero bakit marami pa rin ang nahahalal na sa tingin naman natin ay hindi karapat dapat?

                Marahil napakarami talaga ng nasa class D and E na voters, yan yung mga sinasabi nating mahihirap at hindi nag iisip. Iniisip ko nga feeling ko nga class D rin ako e… Di naman ako mayaman.. ehehehe… Nahighblood talaga ako sa pulitika sa aming bayan ng Marinduque. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit hanggang ngayon mga Reyes pa rin ang namamayagpag sa itaas. Wow ha, landslide ito, as in… kaya nakakapag init lalo ng ulo.. Sobrang grabe na ba talaga ang bayaran sa bayan ko? OMG, hindi pa ako pinapanganak, kandidato na yan e, e baka hanggang sa kabilang buhay kumandidato pa rin sya.. 

                Anu na bang nangyari sa Marinduque? Wala. 15years na akong naninirahan sa Maynila, umuuwi lang pag sembreak at ngayon pag bakasyon sa trabaho. Aba naman, buti pa dati every Christmas and New Year lang walang kuryente, aba ngayon araw araw, fan yata sila ng earth hour… susme talaga. Sa tuwing umuuwi ako, ang provincial road, hindi na natapos sa pag gawa, yung kalye nga sa amin kung anu yung dinadaanan ko before, ganun pa rin hanggang ngayon. Kung tutuusin dapat maganda ang Marinduque dahil virgin Isaland ito, maraming magagandang isla na i-explore. Pero nangyare?? Substandard  ang mga kalye kaya madaling masira. Laging brownout kaya malulugi ang negosyo mo dito. Ang mga bilihin, kamusta naman ang mamahal.. lalo na ang mga seafoods, to think na isla tayo, dapat nga mura na lang.. Pero san ba nangagaling ang mga yan, kinukuha pa sa Lucena.. Ang mga gulay sa divisoria pa binibili.. Hay naku ang sakit sa ulo…. Uso na rin ang nakawan na dati dati naman kahit naiwan mo ang wallet mo sa palengke, sigurado maibabalik sayo yun. Uso na ang mga adik. Dati takot akong maglakad sa gabi dahil baka may mumu, ngayon takot na akong maglakad sa gabi dahil baka may adik..

                So anung nangyare sa gobyerno dito? Forever na lang ba kayong manghuhuthot ng pera na bayan? Namulat talaga ang mata namin sa bayaran dyan, nung nagtangkang kumandidato as brgy. Captain ang father ko, may pagka popular naman ang tatay ko at maganda ang public record. Pero dahil wala naman kaming perang ipamimigay sa mga tao, aba bumaliktad sa halagang isang libong piso. Pero kung iisipin mo nga naman malaking bagay na ang isanglibong piso para sa aming probinsya, ilang kilong bigas na rin iyon, yun ang masakit sa lahat, puro band aid solution tayo, yung pangmadaliang ginhawa.. hindi natin naiisip yung future.. pero sino ba talaga ang dapat sisihin sa lahat?? Iniisip ko nga pano na ba talaga tayo?   

                Sobrang nakakalungkot lang na Reyes na naman ang nahalal as Governor, sayang si Doc UY, maaring corrupt din sya pero ang pinakamahalaga yung pag babago. Mas mainam na yung mag take chance ka sa iba, kesa yung sa alam mo na na walang magagawa kundi pansarili lamang.. Nakakalungkot na wala pa sa kalahati ng boto ni Reyes and bumoto kay Doc Uy.. kamot na lang tayo sa ulo..

                Same here in Manila, juice ko po… Erap para sa mahirap, baka maghirap na tayo nyan pare pareho.. Headache talaga..

Saturday, May 11, 2013

Friendship that never fades


 
We’ve been friends for more than a decade now. Friends sila ng kuya ko, na eventually naging mas close ako sa kanila… ehehehe.. Dati we hang out a lot, laging magkakasama everyday.. Siguro dahil magkapitbahay lang kami sa GSIS. Lahat yata ng important events sa buhay ko nakicelebrate sya, simula ng debut ko, nakagraduate ako, nakapasa sa board exam, first job, first bf, first abroad… and sa lahat ng down moments ko, heartaches, frustrations… Pero sa lahat ng mga naging close friends ko, sya lang yata yung nandyan pa rin…

Then she decided to go abroad, then ako naman nagwork din abroad.. So we seldom see each other… Well, we are not the kind of friends na araw araw nagkikita, araw araw nag uusap or nagcchat or nagttxt. Parang minsan nga 1yr kaming di nag uusap.. at eto pa, nakakalimutan nga namin ang birthday ng isa’t isa… ahahahahha… Ngayon parehas kaming nasa pinas, swerte na ang isang taon na magkita kami… swerte na rin na sa isang bwan naaalalang magtxt..

What’s good about our friendship? It feels like home, every time na magkakaroon kami ng chance na magkita. It feels refreshing; we’re still the same as before… We are still comfortable with each other.. yung tipong nasasabi mo pa rin un mga bagay bagay.. nakakapag emote ka pa rin sa kanya, nakakapagsabi ng kadramahan mo sa buhay.. It’s like no time has passed at all. You pick up where you left off, kulang ang isang gabi sa kwentuhan… And I’m thankful, even some trusted friends fails you, there’s still somebody who’ll remain your friend.. And I know, she will always be there for me… It’s nice to see her again.. J

Friendship is not measure on how you talk often or see each other often; I guess if it’s real, it’s real kahit saan pa kayo makarating.