Tuesday, May 30, 2006

For my bestfriend

Pag nasamood ako, yan nakakapagsulat ako ng mga ganyang bagay.. some of it might be gramatically wrong, but i wrote it with all my heart.. (corny, hekhekhek)
Circumstances are really not on your side
And it makes you feeble..
It is as if you’re in a brink and you’re about to fall
No one was there to rescue you
Your body is falling
And you can do nothing about it
As u fall on the precipice
Wounds, cuts, lesion and bruises are getting in to your body
When you reached the bottom
You were paralyzed, can’t budge your body
Even your soul was dented
The throe was so intense that you can’t bear it
Suddenly your place was so murky
You see a soul but you’re not able to distinguish
And you lose consciousness

That single soul was so anxious and vexed
Because she was sentient of the incident
When you’re about to fall
She came running to the point of losing her breath
Unfortunately, she was not able to catch you
She cried a river, and she blames herself
For not being there when you fall
But then she realized that there’s no room for it
She has to be brawny and strong
For the soul that fall from a brink
She lifts the body and put it in her lap
Trying to alleviate the twinge in your soul
She furnish the strength that she all have
To regain your strength
She was weeping, and praying
Asking for Him to give back your existence
Because she knows that she can never live a life
Without your existence
And that single soul is
Your very BEST FRIEND….


Wednesday, May 24, 2006

Driving without licence???

Matagal na pala akong hindi nakakapagblog.. Medyo busy, at dahil na rin sa laging down ang “smart wi-fi” sa office.

Yesterday I got my new drivers licence, “student” again. 5 years na yata akong may student permit.. pang 3rd ko na ito. Not because hindi ako nakakapasa sa non-pro. Tamad lang akong kumuha, kaya laging naeexpire ang student licence ko.
At kung hindi pa dahil baka magkaroon ng service sa office, baka hanggang ngayon tamarin pa rin akong ayusin ang licence ko..
Matagal na akong pinapakuha ng mga kuya ko, dahil nga hindi ako makapagdrive ng ako lng. Kahit gusting gusto kong magdrive, ayaw ng mga kuya kase wala daw akong licence. Minsan napipilit ko naman sila, pero 98% na hindi. Kaya ang alam ko, hindi pa talaga ako pwedeng magdrive mag-isa, kase kulang sa practise. Madalas akong pagalitan pag ako ang nagdidrive, ang bilis ko daw tapos hindi raw ako marunong tumingin.. Kakainis talaga pag nagdidrieve ka tapos ang katabi mo ang bunganga ay halos nasa tenga mo na. Sa halip na matuto ka at magawa ang tama, lalo kang matataranta.
Hanggang sa dumating ang araw na napatunayan kong marunong na akong mag-isa. Martes ng hapon, tumawag ang kaibigan ko, na nakabili ng sasakyan naming, ewan ko ba kung bakit naisipan nya agad bumili, e walang kaalam alam sa pag didrive, clutch nga hindi nya alam.. Kaya ako ang pinagdiskitahan nya. Pinilit akong ipagdrive sya sa libis, ako naman itong si “full of adventure” na tao, oo naman ako. Basta, walang maingay sa bahay. Nung una ayaw ko, kase bukod sa wala akong licence, coding pa.. patong patong na violation na yan kung mahuli. Dahil sa pamimilit nya, at excited din ako.. Sige go tayo basta 7pm ang alis, para wala ng coding..
Ayan na, pati sasakyan ng kapit bahay nya nadrive ko kase nakahara sa drive way.. whew! Sabi ko pag 3times namatay ang makina, uwi na lang kami, kase baka kung saang lupalop kami pulutin.. Wow, grabe, isang lane lang talaga ako, no breaking the red light. Hay kakakaba pala. Parehas pa kaming geographically idiot. Sadyang pinagpala lng talaga kami, at walang masamang nangyari.. isa lng, nagpark ako ng paatras, wah! Medyo dumikit ang bumper.. Pero ok lng, dati ng may gasgas ang bumper.. hay, ang galing ko ng magdrive.. At walang kaalam alam ang mga tao sa bahay na marunong na akong mag-isa.. bwahahahaha.
Kaya naulit ng naulit ang pag didrive ko ng walang licence.. Nakakakaba, pero ngayon good girl na ako.. may licence na ako… sarap ng feeling, walang kaba pag nagdidrive..
Ang bait nga nun mga tao sa LTO (balic balic), kase yun expired ko na licence naka offline pala nun inapply ko sa province, kaya back to requirements daw ako.. nyah, kukuha pa ako ng birth certificate?? Buti naawa yun isa, pinafill-up na lng ako ng bagong form, tapos hinihingan ako ng picture (part of the requirements) pero wala akong picture.. Dahil na rin siguro mukhang desperado na ako sa licence kaya pinagbigyan pa rin nila ako.. yahoo..

Sunday, May 14, 2006

ibang dimensyon...

Nauuso na naman ang kwentong katatakutan dito sa bahay. Ako lng yata ditto sa bahay ang hindi pinagpalang makakita o makaramdam man lang, at yon ay pinagpapasalamat ko.

1998 naming nakuha ang unit na ito.. pero hanggang ngayon ay hindi naman ako nababagabag ng mga sinasabi nilang mga nilalang sa ibang dimension.

Dati, matatakutin talaga ako, may mamatay lng na kapitbahay namin sa probinsya takot na takot na ako. Pero napaglabanan ko na ito. Kaya ng icontrol ng isip ko ang mga takot nayan.

Ang kuya ko, hindi ko akalain na nakakakita pala sya, pero hindi naman malakas ang mata nyan.. paminsan minsan nakakakita sya. Minsan nagkukwentuhan sila dito sa bahay, dahil sa abala ako sa ibang bagay, hindi ko masyadong maintindihan, dahil na
rin siguro ayaw nya iparinig sa akin kase baka matakot ako.

Naglakas loob naman ako na tanungin kung ano yung pinag-uusapan nila, ayon may nakikita daw sila dito sa room ko (parang natatakot ako bigla) lalaki ito. Pati yun helper naming dito sa bahay nakakakita din, mas malakas sa kanya. Inisip ko naman wala naman akong dinadalang lalaki sa room ko, hanggang sa malaman ko na ito pala ay “the others”. Takot ako, hindi ko alam kung pano ako matutulog kinagabihan.. waaaahhhhh. Nakita ng kuya ko nakaupo daw sa kama.

Yun pinsan ko naman, isang umaga sumilip sa room ko, kase makikigamit ng PC ko, akala nya nandun ako, nagulat sya bigla akong dumating galing sa labas.. may nakita daw sya nakaupo sa PC.. waaaahhhhhhhhh.. ayoko na. bat kase sa room ko pa.. Pati bestfriend ko sabi meron daw talaga.. Ok lng naman sa akin kung meron talaga, basta wag lang magpapakita sa akin o magpaparamdam.

Madalas akong magcomputer sa madaling araw.. One time around 3am, habang abala ako sa pag-iinternet, sarado ang ilaw sa room ko, tanging liwanag lang sa monitor ang makikita mo, biglang bumukas ang pinto, nakalapat naman at kelangan mo pa ng force para mabuksan, at naramdaman ko ang malamig na hangin, panong magkakahangin form the door e, sa apat na bintana ng kwarto walang pumasok na hangin… nyaaaaaaa, nangangatog ang tuhod kong binuksa ang ilaw, dali daling pinatay ang PC, nagtalukbong ng kumot at pinilit matulog.. wheew!! Pero inisip ko pa rin na hangin lang yon.. hehehe

At ang pinaka creepy, around 3am din, may ka chat ako tapos naka on ang web cam ko, tama ba naman akong tanungin kung may kasama daw ako sa room, sabi ko wala, tapos sabi nya talaga, e sino yun nasa likod mo.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa… ayoko na, off ko cam. Langyang yun, di ako alam kung ginugood time ako…

Pero ok naman, hindi ako natatakot, may times lang pag iniisip ko. Mas madalas pa rin akong magstay dito sa room ko, kahit ako lng mag-isa dito sa bahay. Mas gugustuhin kong tumambay dito kesa sa sala.. Minsan nga pag may nawawala akong gamit, pinapahanap ko sa “the others”. Lumalabas naman ang gamit..

Thursday, May 11, 2006

Mahirap talaga.

I almost forgot to watch american idol, buti na lang may nagpaalala sa akin.. Sabi ko na nga ba, aatakihin na naman ako ng allergy, syempre what do you expect sa isang construction site...puro alikabok. (sniff, sniff.... svrsssstttssvvvvrrrt)

quebra bengo mi medicen
porque nacien la quebrada
carnavelito de miquerer
to da la rueda venga bailar

a yes deun yaravi
entrecha rangos seha de vidar
ecos donde sentir
bombes ri sueƱos a ligraran

yan ang bago namin kanta ngayon, may choreography pa yan. Mga kapatid watch kayo, may 11, 8pm sa harap ng Fatima church.

Pag ibang linggwahe ang inaaral nakakapraning talaga, iisipin mo na ang tamang tono, pati tamang pronunciation iisipin mo pa rin, nagkandabuhol buhol ang dila ko noon bagong aral naming nito. At pag nakuha mo na ang tamang tono at pagbigkas, pakikialam naman ay ang placement ng boses mo. Sadyang napakahirap kumanta..

Minsan iniisip ko kung may mabuting naidudulot sa akin ang classical music or ang chorale singing, kase wala na akong narinig na magandang kanta. Lahat yata ng live performer (pop singers) sikat at hindi, sumesemplang pa rin. Hindi naman ako kagalingang kumanta, wala ako masyadong vibrato at hindi ganon kalakas ang boses, pero nakakadala naman daw ako ng tono. Kung ang power ng boses ng mga tinatawag na principal sa amin ay 100dB, ako ay 50dB lng.. Nahahasa daw talaga ang tenga pag sa classical, kase sakto dapat palagi ang tono.

Marami naman akong natututunan, mga tinatawag na placement ng boses, mga glottis (the opening of the larynx) bilabial (sound produced by contact of 2 lips), flat (kulang sa taas), sharp (sobra sa taas), staccato, forte, mforte (malakas), pp (mahina), at kung ano ano pa. may boses pala sa ngipin at batok, sabi kase ng aming maestro, wag daw ilagay sa ipin or batok un boses. aba pede pala un. Nung nagsstart palang ang training, may mga tumutuwad habang ang tatlong daliri ay nakapasak sa bibig.. feeling mo matatanggal na ang ngalangala mo, kase kelangan pang lakasan pero yun na ang pinakamalakas, meron pa palang ilalakas. May boses na mahangin, pero nagiging buo pagkatapos matrain ng mahabang panahon.

Pag maycontest at concert, medyo mahigpit si maestro, maraming bawal:
  • Bawal magpuyat, so kahit may insomnia ako at adik sa madaling araw na internet, pinipilit kong matulog ng maaga. Aba naman kase napakatataas ng dapat mong i-hit na tono. Hindi pedeng ma flat..
  • Bawal ang tsokolate.. kase daw nagcoclose ang lalamuna.
  • Bawal ang ice tea…
  • Bawal lahat ng inumin, tubig lang ang pede.

Hay, sacrifice din talaga. (nag 1st place naman kami sa isa sa mga kompetisyong sinalihan naming)

Kaya ngayon, at kahit dati pa, hindi ako nanonood ng ASAP at SOP, kase nabubuwisit lng ako. Wala sa mga tono ang kumkanta ang sakit sa tenga. Gusto ko dati M@M^ (baka kase awayin ako ng mga fans), pero hindi na ngayon, pangit na nya mag live or gumaling lng talaga tenga ko… Mahirap lng talagang kumanta..

I remember nun tumambay kami sa baywalk ng mga kaibigan ko, hindi ko maintindihan kung bakit may nagpeperform na ganon, as in… hindi kagalingan.. ay, hindi pala talaga magaling. Out of pitch na, wala pang kapower power ang boses.. Masama yata talaga naidudulot sa akin ng choir, nagiging mapanlait ako.. hehehe. Marami lng siguro akong kilalang talented sa pagkanta pero hindi nabibigyan ng break..

Haba nap ala nito… antok na ko.. To sum it up, mahirap talagang kumanta.


Saturday, May 6, 2006

dalawang katauhan...


Nabasa ko sa message box ko, according to ruthing, e long hair daw ako na lalake... eto ako sa kaanyuang lalake... macho no, mas macho pa kay machokoh

Eto naman ako sa kaanyuang babae......... (pretty girl, ahahahaha)

Thursday, May 4, 2006

Mukha sa likod ng maskara

Tamad talaga ako magsulat, kaya yun mga susunod na mga pangyayari ay paiikliin ko na lang.
  • Pagkauwi galing sa morning swimming, pahinga ng konti
  • Pagkatapos ng ilang minuto, punta na sa meeting place para sa next swimming (overnight)
  • Pero hindi natuloy ang swimming, kaya sa dating tambayan, nauwi sa inuman.. yan ang tinatawag nilang dry swimming.
  • aroung 10AM, uwian na...
  • pagdating sa bahay, nagbasa muna ng news paper dahil baka sakaling may magandang idulot ang pagbabasa ng dyaryo..
  • Oopppss kelangan palang aralin ang "The Majesty ang Glory" dahil kakantahin sa 7:30PM na mass
  • After mass and rehearsal, french fries sa McDo craving, hanggang ala una kami sa paghahanap ng 24 hrs na McDo, sa kasamaang palad wala kaming nakita..
  • 2:30AM, wow Sleeping time na sa wakasssssssssss.. Me badminton game tom 9AM.

So hyper ba ako?? Yata. Sabi nila.. hehehehe. Masaya lang talaga akong tao at punong puno ng ngiti sa mukha, sabi nga ng SA sa unibersidad na pinanggalingan ko, mukhang hindi raw ako nagkakaproblema. Maraming mukha, maraming interpretasyon.. ang iba ang sabi, napakaseryoso ko daw at mukhang suplada, may nagsasabi naman na mukhang loko loko at adik.. at whatever.

Minsan sa kabila ng ngiti ay may nagkukubling kalungkutan, sa mukha ng kasiyahan ay may natatagong pagkabagabag.. Ninais mong itago ang kahinaan, dahil sa ayaw mong makita nila ito. Mahirap pala yon. Minsan hindi mo na alam kung saan ka kukuha ng lakas para ipamahagi sa ibang mga mahihina.. Ganito na yata talaga ang papel ko sa buhay, at magbigay sigla... EXTRAJOSS, walang bote bote.. hahahaha

Sa loob ng maskara maraming hiwaga ang nababalot....

Wednesday, May 3, 2006

kwento kwento ng ka-hyper-an.....II

Ipagpatuloy ang kwento.

At dahil sa kasama namin si heikkenen (dnt kno if this is correct, beer na nasa green can, hindi pa naming to nakakasalamuha, kaya try namin) sa kwentuhan, hindi namin namalayan ang oras….mag-aalas kwatro na pala.. para masabing natulog ako, at walang kumontrang matatanda sa swimming, nahiga naman kami at nagkunwaring natutulog.. makalipas ang isang oras ayan na, dandadadan…. It’s time to go… nagkunwaring tulog na naman kami sa sasakyan para hindi nila sabihin bawal maligo ang puyat..hahahaha.

Nakakainip pala ang nakapikit lang, parang napakatagal ng byahe, aba laguna lang un.. pagdilat ng mata ko, sus ginoo, lahat yata ng mga tao e nakaisip magswimming sa laguna dahil sa dami ng sasakyan nagkalat.. sige, pikit ulit, pero hindi na ako kumportable, parang hinahalukay ang sikmura ko dahil sa gutom, sabayan pa ng kakaibang sakit ng tyan na parang may pwersa sa kinauupuan.. ano ba naming pakiramdam ito.. magaling akong magproject kaya parang walang anumang ang nararamdaman ko.. Isang oras pa ang lumipas at nakarating na kami sa destinasyon, hay salamat naman.. syempre pa pasimple akong naghanap ng lugar kung saan pede kang maupo sa trono at magrelax, kunyaring magshohower lang.. para hindi masyadong halata, kain muna at inom ng kape, konting kwentuhan.. nun hindi ko na talaga makayanan ng natitira ko pang pwersa sa pagpigil, dahan dahan na akong naglaho sa paningin nila.. Napakasarap talagang gawin ang mga bagay bagay na mag-isa ka lng, na parang sarili mo ang mundo..

Lahat sila ay sabik ng magbabad sa tubig. Ako naman ay halos maubos na ang lakas dahil sa kawalan ng tulog at pagkapagod.. panood nood lang sa mga tao, picture picture.. pero ang gusto ko talagang gawin ay gulantangin sila at maghasik ng lagim sa videoke.

Maya maya pa ay may nagkalakas ang loob na lumapit sa videoke at nagsimulang kumanta, pakiramdam ko ay may sira ang machine ngunit hindi ko ito mawari kung ano.. Pagkatapos nila kami naman ng bestfriend ko ang lumapit sa machine at ng kami kumakanta, wala naman itong diperensya, nagkataon lang siguro.. syempre pa medyo makapal na mukha ko kaya, sige, kanta lang ng kanta, lahat ng mataas…. Pero parang gusto na akong murahin ng machine..at kung pede lang magreklamo ang lalamunan ko, e sinabi na na tigilan ko na ang kalokohang ito.

At hindi ko rin alam kung bakit kung kelan tirik ang araw, don ko naisipang magbabad sa tubig, (morena na ako ha) baka sakaling pumuti ako e.. hekhekhek. Langoy dito, laggoy don.. na parang napakaraming enerhiya pa sa katawan ko.. at ng medyo napagod, tambay ulit kami sa videoke, hindi ko talaga maintindihan kung may sira talaga ang machine, advance ang music, masyadong mabilis para sa kumakanta, buti na lang tumitino pag kami na.. :)

Uwian time na. Sa unang tatlumpung minuto, ayan at may mga lakas pa sila, kwento kwento, maya maya lng, kanya kanyang bayubay ng katawan, ang iba ay parang nagaakrobatik na, makakuha lang ng pwesto para makatulog, ang mga ulong animo’y kumakatok sa pintuan, ayan at pag pumepreno ay mauupog, pero wala parin silang pakialam, meron naman na halos kasya ang dalawampung langaw sa laki ng pagkakabuka ng bibig.. at ng maisip ko na may next swimming pa pala ako pag kauwi, overnight naman, pinilit kong makatulog… swimming marathon ito..

Tuesday, May 2, 2006

kwento kwento ng ka-hyper-an..

Oras na ng pagtulog?? Meron pala non. As far as I can remember huli akong natulog ng normal e nun nakaraang huwebes..

Simulan natin nun Friday morning.. Ito ay isang normal na araw, papasok ng alas nwebe, magbubukas ng pc at mag-iisip kung anong magandang gawin para hindi mabagot. Pagdating ng alas onse, internet na, hanggang sa pagsapit ng alas dose, sa pagbukas ng pintuan ng aming opisina, nagulantang ang aking mundo, biglang nagbago ang ihip ng hangin, naputol na ang sumpa.. “Raz, punta tayo ng laguna may meeting tayo..” ayan ang bungad ng aking boss. Whaatt?? Is this for real?? Nagmamadali naman akong kumain ng tanghalian, halos hindi ko na nguyain ang pagkain ko, hindi ko malaman kung gusto kong tumambling sapagkat makakalabas ako sa apat na sulok ng aming opisina at hindi na ako mahihirapan na mag-isip kung anong gagawin para maglaho ang pagkabagot..
Makaraan ang halos isang oras na byahe, naabutan naming ang kalaban sa bidding, naghihintay ng kanyang oras para sa negosasyon. Isang oras pa ang pinaghintay naming sa labas, naku ang init at nakakapagod tumayo, pakiramdam ko ay tinubuan na ng ugat ang mga binti ko. Pagkatapos ng kalaban, kami naman.. Gusto nun isang doc na mapunta sa amin ang proj, kaya ayon sagad na sagad na sa presyo. Kaya pala gusto nun doc na mapunta sa amin un proj, kase likable nya ang dalawang macho gwapito kong boss, (male pala si doc ahahahha). At matapos ang negosasyon, hindi pa nakuntento si doc, nagyaya sa kapehan.. ahahahha, gusto pa makipagbonding.. ayan tuloy inabot kami n gals syete ng gabi sa laguna..
At dahil sa may rehearsal ako ng 8pm, kahit medyo pagod na, diresto pa rin sa rehearsal… After ng rehearsal, umuwi lang ako to get my things kase may swimming ako ng morning, at sa bestfriend ako matutulog, kaso hindi naman kami natulog kase kwentuhan.. (antok na ko…. Bukas na lng)