Thursday, December 27, 2007

New Face


gwapo ko noh... hahahhaha... and the tattoo, wahahahaha... hmm, what's behind this... ang istorya sa pagbabalik...

Tuesday, December 25, 2007

pang pagulo lang.....

Hay naku, wala naman ako talagang kabalak balak magpost ng mga ganitong uri ng drama... aba naman, pasko naman ngayon, hindi naman araw ng mga puso o kaya ay ah basta ganun... Friends na nga lang di ba?? pero bakit naman naman... ok na ako e di ba?? ok naman na friends na lang, ok na nga e... di na nga ako gumagamit ng net para sa tumatalon talon na puso...pucha ang corny men... pasko ngayon, pasko.. ooppppsss, walang kokontrs, perst tym ko namang mag open sa usaping puso...right timing nga lang, pasko ngayon.... wahhh.. dapat yata ang drama ko ngayon ay sa family, dahil sa hindi ko malaman kung katangahan ba, o kawalang kwentang anak ang ginawa kong desisyon kamakailan lamang.. "oh men", talaga ang pasko ko... wouhhhhhhhh..

pede bang mamundok muna?? at luminsan pansamantala?? pero alam ko namang kalokohan na naman ang naiisip ko. Nais ko sanang uminom kagabi, pero wala talaga ako sa mood uminom.. Hay, ang gulo ng topic... anu ba talaga ang ikwewento ko... nag aadik na naman ako..... waaahhh

bukas pasok na naman... hay sana naman hindi ako malate..

tsaka bakit ba iniinsist ng mga tao na kami na lang? o kami ba? o kamusta naman kami?? "wala namang "kami", dahil kahit kelan hindi naging "kami".. wahahahaha... ang drama.. pucha, natatawa na lang ako.. woooooottt...

hay naku, dahil lamang ito sa isang sms at isang makasaysayang email... nak ng....errrrrr... hay naku pare, mapapalitan ka rin..huh!! at wag na wag mong mabasa basa itong post na to, hindi ko na ibibigay sayo ang site na to..nyahahahahaha... bwiset...

sa mga nakabasa, pagpasensyahan nyo na ang post na ito, ganito lang talga ako pag nawiwindang.

Monday, December 10, 2007

Birthday birthday...

Galing kay inkee.

The Instructions:
1. Mention the person who tagged you and create a link back to them.
2. Copy-paste the traits for all the twelve months (see below).
3. Pick your month of birth.
4. Highlight the traits that apply to you.
5. Tag 12 people and let them know by visiting their blogs and leaving a comment for them.
6. Let the person who tagged you know when you’ve done it!

JANUARY: Stubborn and hard-hearted. Ambitious and serious. Loves to teach and be taught. Always looking at people’s flaws and weaknesses. Likes to criticize. Hardworking and productive. Smart, neat and organized. Sensitive and has deep thoughts. Knows how to make others happy. Quiet unless excited or tensed. Rather reserved. Highly attentive. Resistant to illnesses but prone to colds. Romantic but has difficulties expressing love. Loves children. Loyal. Has great social abilities yet easily jealous. Very stubborn and money cautious.

FEBRUARY: Abstract thoughts. Loves reality and abstract. Intelligent and clever. Changing personality. Attractive. Sexy. Temperamental. Quiet, shy and humble. Honest and loyal. Determined to reach goals. Loves freedom. Rebellious when restricted. Loves aggressiveness. Too sensitive and easily hurt. Gets angry really easily but does not show it. Dislikes unnecessary things. Loves making friends but rarely shows it. Daring and stubborn. Ambitious. Realizes dreams and hopes. Sharp. Loves entertainment and leisure. Romantic on the inside not outside. Superstitious and ludicrous. Spendthrift. Tries to learn to show emotions.

MARCH: Attractive personality. Sexy. Affectionate. Shy and reserved. Secretive. Naturally honest, generous and sympathetic. Loves peace and serenity. Sensitive to others. Loves to serve others. Easily angered. Trustworthy. Appreciative and returns kindness. Observant and assesses others. Revengeful. Loves to dream and fantasize. Loves traveling. Loves attention. Hasty decisions in choosing partners. Loves home decors. Musically talented. Loves special things. Moody.

APRIL: Active and dynamic. Decisive and hasty but tends to regret. Attractive and affectionate to oneself. Strong mentality. Loves attention. Diplomatic. Consoling, friendly and solves people’s problems. Brave and fearless. Adventurous. Loving and caring. Suave and generous. Emotional. Aggressive. Hasty. Good memory. Moving. Motivates oneself and others. Sickness usually of the head and chest. Sexy in a way that only their lover can see.

MAY: Stubborn and hard-hearted. Strong-willed and highly motivated. Sharp thoughts. Easily angered. Attracts others and loves attention. Deep feelings. Beautiful physically and mentally. Firm Standpoint. Needs no motivation. Easily consoled. Systematic (left brain). Loves to dream. Strong clairvoyance. Understanding. Sickness usually in the ear and neck. Good imagination. Good physical. Weak breathing. Loves literature and the arts. Loves traveling. Dislike being at home. Restless. Not having many children. Hardworking. High spirited. Spendthrift.

JUNE: Thinks far with vision. Easily influenced by kindness. Polite and soft-spoken. Having ideas. Sensitive. Active mind. Hesitating, tends to delay. Choosy and always wants the best. Temperamental. Funny and humorous. Loves to joke. Good debating skills. Talkative. Daydreamer. Friendly. Knows how to make friends. Able to show character. Easily hurt. Prone to getting colds. Loves to dress up. Easily bored. Fussy. Seldom shows emotions. Takes time to recover when hurt. Brand conscious. Executive. Stubborn.

JULY: Fun to be with. Secretive. Difficult to fathom and to be understood. Quiet unless excited or tensed. Takes pride in oneself. Has reputation. Easily consoled. Honest. Concerned about people’s feelings. Tactful. Friendly. Approachable. Emotional temperamental and unpredictable. Moody and easily hurt. Witty and sparkly. Not revengeful. Forgiving but never forgets. Dislikes nonsensical and unnecessary things. Guides others physically and mentally. Sensitive and forms impressions carefully. Caring and loving. Treats others equally. Strong sense of sympathy. Wary and sharp. Judges people through observations. Hardworking. No difficulties in studying. Loves to be alone. Always broods about the past and the old friends. Likes to be quiet. Homely person. Waits for friends. Never looks for friends. Not aggressive unless provoked. Prone to having stomach and dieting problems. Loves to be loved. Easily hurt but takes long to recover.

AUGUST: Loves to joke. Attractive. Suave and caring. Brave and fearless. Firm and has leadership qualities. Knows how to console others. Too generous and egoistic. Takes high pride in oneself. Thirsty for praises. Extraordinary spirit. Easily angered. Angry when provoked. Easily jealous. Observant. Careful and cautious. Thinks quickly. Independent thoughts. Loves to lead and to be led. Loves to dream. Talented in the arts, music and defense. Sensitive but not petty. Poor resistance against illnesses. Learns to relax. Hasty and trusty. Romantic. Loving and caring. Loves to make friends.

SEPTEMBER: Suave and compromising. Careful, cautious and organized. Likes to point out people’s mistakes. Likes to criticize. Stubborn. Quiet but able to talk well. Calm and cool. Kind and sympathetic. Concerned and detailed. Loyal but not always honest. Does work well. Very confident. Sensitive. Good memory. Clever and knowledgeable. Loves to look for information. Must control oneself when criticizing. Able to motivate oneself. Understanding. Fun to be around. Secretive. Loves leisure and traveling. Hardly shows emotions. Tends to bottle up feelings. Very choosy, especially in relationships. Systematic.

OCTOBER: Loves to chat. Loves those who loves them. Loves to take things at the center. Inner and physical beauty. Lies but doesn’t pretend. Gets angry often. Treats friends importantly. Always making friends. Easily hurt but recovers easily. Daydreamer. Opinionated. Does not care of what others think. Emotional. Decisive. Strong clairvoyance. Loves to travel, the arts and literature. Touchy and easily jealous. Concerned. Loves outdoors. Just and fair. Spendthrift. Easily influenced. Easily loses confidence. Loves children.

NOVEMBER: Has a lot of ideas. Difficult to fathom. Thinks forward. Unique and brilliant. Extraordinary ideas. Sharp thinking. Fine and strong clairvoyance. Can become good doctors. Dynamic in personality. Secretive. Inquisitive. Knows how to dig secrets. Always thinking. Less talkative but amiable. Brave and generous. Patient. Stubborn and hard-hearted. If there is a will, there is a way. Determined. Never give up. Hardly becomes angry unless provoked. Loves to be alone. Thinks differently from others. Sharp-minded. Motivates oneself. Does not appreciate praises. High-spirited. Well-built and tough. Deep love and emotions. Romantic. Uncertain in relationships. Homely. Hardworking. High abilities. Trustworthy. Honest and keeps secrets. Not able to control emotions. Unpredictable.

DECEMBER: Loyal and generous. Sexy. Patriotic. Active in games and interactions. Impatient and hasty. Ambitious. Influential in organizations. Fun to be with. Loves to socialize. Loves praises. Loves attention. Loves to be loved. Honest and trustworthy. Not pretending. Short tempered. Changing personality. Not egotistic. Take high pride in oneself. Hates restrictions. Loves to joke. Good sense of humor. Logical.

--------

SEPTEMBER: Suave (whoaw, they often mistaken to be rude..well, yeah partly) and compromising (basta ganito, basta ganyan..). Careful, cautious and organized (naku, hindi ko yata qualities yan, specially un organized, never been...). Likes to point out people’s mistakes (hahahaha, binabago na nga e). Likes to criticize (yup, totoo.. for the better..heheh). Stubborn (sama pa to, i dont wanna be dictated, pagdinidiktahan ako, mas hindi ko sinusunod). Quiet but able to talk well (listener nga daw ako e..heheh). Calm and cool (ewan ko lang, hahahaha). Kind and sympathetic (check yan sabi nila, pero hindi talaga ako kind sabi ni mia..hehehe). Concerned and detailed (check ulit). Loyal but not always honest (bakit kaya not always honest?). Does work well (very well, pero pag tinamad, naku tamad na talaga). Very confident (parang ang yabang naman ng description...hehehe, in other words makapal ang mukha). Sensitive (very), sensitive in a way na alam ko un needs ng iba or gusto ng iba...). Good memory (hmmm). Clever and knowledgeable (yata...hahahaha). Loves to look for information (oo, detective ako e..). Must control oneself when criticizing (controlled na nga po). Able to motivate oneself (opo). Understanding (oo naman, to the fullest, pero nasasagad din). Fun to be around (pag wala si raz.......boring). Secretive (hindi naman, pero hindi ako masyadong ma-open). Loves leisure and traveling (yes yes, konti na lang at nalibot ko na pinas, sa labas naman sunod). Hardly shows emotions (yeah yeah, i don't know, pero minsan hirap maglabas talaga, kaya minsan di mo alam, problemado na pala). Tends to bottle up feelings (hmmmm, oo binonote ko na nga, tapos nilalaklak..hehehehe). Very choosy, especially in relationships (oo, kaya siguro sya pa rin, wahahahahahaha). Systematic (nah ah, systematic on my own way).

Ayan, niiba ko na ang paghighlight... pasa ko to kay (mari and VK , yan lang po)

Saturday, December 1, 2007

Wave smash S2 fit

Finally, I got my mizuno wave smash s2 fit... wow, i'm really excited to play and try the new shoes.. Mas gagaling kaya ako sa sapatos na ito?? baka mag super scian ako nito..hahahahaha

extra si pinky and Syd..



Excited na ako mag laro ng badminton... Kase un isang rubber shoes ko, hindi kumakapit ng husto sa court, dumudulas sya, kaya mahirap maglaro.. Yonex dati ang pangarap kong sapatos sa badminton, pero sabi nila mas ok ang mizuno...

Well mizuno wave smash s2 is known for:

-The shoes does have a grippy gum sole (ayan, hindi na ako madudulas)

-The heel of the shoe provides adequate cushioning / shock absorb for jumpers. (ayos to, sa smash and drop.

-Excellent lateral stability and support.

-Excellent manuevability and agility

-Excellent air circulation and breathability, keeps feet relatively dry and comfortable.

Well, we'll see the performance of this on the court... i cnt wait for the next game... sayang at di ako makakalaro ngayong weekends, sobrang hectic na ng sked..

Tuesday, November 27, 2007

GPS once again...

Here we go again, actively joining every competition in town.. weeee.. We’re so excited. Ang pag babalik ng GPS. Last year we didn’t get any title, thou we’re always one of the finalists. Maybe we’re to young and still learning for every competition.. Iba ibang competition iba ibang standard. Now we know. Last year, finalists kami sa UST, and now, pasok na ulit kami sa finals…

What went wrong sa UST?? We sang the contest piece confidently, as in walang sabit, as in magaling… as in mas magaling kami sa kanila, judges and audiences comments on that…it’s superb.. but why didn’t we make it?? As we watched our video, well, laglag kami sa choice piece namin… as in pangit, kalat ang boses, at higit sa lahat nasintunado.. sabi nga nila, it’s your choice, dapat superb kayo dyan.. mahirap kase talaga un panlaban naming song, I dunno, hindi maperfect un… so, now, pumili kami ng song na bagay sa character ng group, hard, pero kayang ipagtanggol… UST competion will be on Dec. 8, 2007…ngayon, kelangang magtitle na kami.

And now, this pasig competion is new to us.. Ngayon lang kami nakasali dito. We prepare at 9am, para linisan pa ng konti ang mga kakantahin. Bigatin ang competition na to, at talagang sasalihan ng mga magagaling na choir, malaki kase first prize (50k), hehehehhe and prestigious ang competition na to.

When we arrived at the venue, marami na rin ang mga competing choir na naroroon. Kanya kanyang pwesto, kanya kanyang sound check, kanya kanyang vocalization.. And of course, hindi mawawala ang mahigpit naming kalaban, ang Coro de san Sebastian. So rehears rehears.. kain ng konti while waiting for our category. Habang nagrerest kami napapakinggan namin ang bawat grupo, na palagay ko ay kaming 16choirs na sasalang e, talagang magagaling.. 9 lang ang makukuha sa 16 na magcocompete.

We’ve heard TIP choir, kabog talaga.. magaling, ang lakas..kapit ang boses.. feeling ko mas magaling pa sa coro de san Sebastian..tsaka maangas ang dating nila.. mukhang hindi kakabahan. pinapakinggan ko na nga lang un mga mali nila, pampalakas ng loob.. kase feeling ko hindi kami ganun kalakas. Oh men…under dog kami talaga. Forever silang kumanta at nagrehears, hanggang sa magsimula na ang aming category..

Number 6 kami, so relax relax muna.. Before that, our conductor reminded us, to “not mind them” malakas sila, ok.. ang mahalaga mailabas natin un character ng group. Kung anung kaya natin.. Yung linis ng kanta, at emotion ng kanta…

Nung kami na, we performed well, pakiramdam ko… and malakas naman din kami..whahahahahhaa… after the two songs… naramdaman ko na ang lamig, ang lamig lamig kase sa stage…

Naghintay kami hanggang sa matapos na ang lahat, kase that night din i-aannounce ang mga finalists. Unang tinawag, in random orders, coro de san Sebastian… Oh men, wala na agad pressure, 2nd number 8, then number 1, number 7, number 5, darn!!! Napagitnaan ang number namin, at hindi pa natawag…. Waaahhhh.. sobrang kakakaba na ito… then number 6, wohouoooooooooooo… whew!!! Kakakaba un ah…. . para kang hindi mapalagay na parang maiihi ka na mapoopoop……hanggang sa matawag na ang lahat ng 9 finalist.. bale 10kami lahat na magcocompete sa finals… kasama un defending champion, na classmate ng conductor namin sa UST un conductor nila… kita kita pa rin talaga sa finals..hehehehe.

But when I looked at TIP group, “pasok ba sila? kase mukhang malungkot..” Well, hindi daw pala napasama. Kase pala, during their actual performance, malaking pagkakahulog yata ng sopranos nila, na out of tune yata… Ang angas pa naman ng dating nila.. Well, ganun talaga, you’ll never know.. Hindi rin kase sa galing, you have to think God..and pray, and have faith.. NAalala ko yung nangyari sa UST namin, so angas din kami… pero pumalpak during competition.

At the end of the day, migraine ang inabot ko, hindi na ko nakasama sa kanilang magdinner dahil hindi ko na maidilat mga mata ko at sukang suka na ko....well, worth it naman ang pagsumpong ng migraine.. :)

Friday, November 23, 2007

til we meet again

Pagpasensyahan nyo na po ang aking late na mga updates…

Finally nameet ko na rin si rho and inkee.. Buti na lang namove nila ng nov 2, kase hindi talaga ako pepede ng oct. 30.

I was late again, kase po me party rin ako last night, kaya medyo bangenge ako at late na nagising… Dumaan muna ako ng megamall para sa request ni greys at ate rems na krispy kreme dati sa confi, ayan tuloy, napashopping ako ng badminton outfir ng wala sa lugar, hehehe.

At 5pm nasa bus na ako, ang kaso parehas pang lobatt phone ko, I was asking for some directions, pero sabi lang ni rho, sakay ka ng bus papuntang sta. cruz, then when you’re already in sta. cruz sakay ka ng Magdalena na jeep.. ok ganun kasimple. I was asking some landmarks, kase nga may pagkageographically idiot ako…

Nun nasa jeep na ako, ganito ang instruction nya.. “sabihin mo sa driver, baba ka sa kanto sa malapit sa basketball court” anyek!!! Sana man lang may street o kung anu mang brgy un, kakalurky naman itong si rho..hahahahhahaha.. sabi ni manong driver san ba un?? Terminal ng tricycle??? “di ko po alam, basta po sa kanto na malapit sa basketball court… toink… at ang driver chumika ka, aba’y bat ko raw nakalimutan na ang pag-uwi… “hindi ho ako taga rito” hehehe….

Finally, nakita rin ako ni mike, aba e hinahanap ako sa kanto, e nasa kanto na nga ako, aba malay ko ba kung aling kanto un..ahehehhehe

Dahil late ako, mag-isa na lang ako kumain ng dinner.. May masarap na luto si rho, anu na nga ba un rho?? Gulay na hindi ko mawari, pero masarap..ahehehehe..bakit parang naposses ako dito..ahehehe

After dinner, ayan na, lambanog na ang iniharap ni rho sa amin, at syempre hindi mawawala ang kantahan… buti na lang walang umangal na kapitbahay..

Maya maya lang, nahihilo na daw sila… ito ang ebidensya

Si ate rems naman, sabi walang tama pero bakit ganito…

Sir ho naman, aminado na nalalasing na sya, pero buhay na buhay pa rin..

Si papa mike, ang daya, hindi sumabay, pero wala akong masabi kay papa mike napaka hospitable, asikasong asikaso kami… Thank you po papa mike..

Hanggang umaga kaming nagwentuahn nila ate rems at rho, un dalawa natulog na… Ang daya ni inkee, hindi pinaunlakan ang aming hiling na sumayaw sya.. tsk tsk tsk.. pang video lang pala to..

Si rho, wlang humpay ang kakatawa, at nakakatawa pa ang tawa nya… hahaahhaha.. sna narecord ko. Kung gano sya kabungisngis sa chat, ganun na ganun din sa live…hahahahahaha. Masayahing bata ire..

Alas sais na yata ng magising ang dalawa, at ako naman’y antok na antok nga dahil ilang araw na rin akong inuumaga ng tulog… kaya sabi ko, idlip lang ako saglit, habang naliligo sila.. aba aba aba, pag gising ko wala na sila…. Waaaaaaaaaaahhhhhh, iniwan ako.. huhuhuhuhu..

That’s one of the best house parties ever… I enjoyed it so much… sana maulit muli.. hehehehe..

Monday, November 19, 2007

Habang nag papahinga, at nag-iisip ng solution sa mga sites ko, heto at si mam rems binigyan ako ng pang update..ahehehehehe....


THE RULES - List of 8:
* write 8 facts about yourself.

* in the 8 facts, you share 8 things that your readers don’t know about you. at the end, you tag as much other bloggers to keep the fun going. each blogger must post these rules first.

* each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.

* at the end of the post, a blogger needs to choose as much people to get tagged and list their names.

* don’t forget to leave them a comment telling them they’re tagged, and to read your blog.

So here it goes….



  • I hate walking in the rain... jeezzzz, nababasa ang paa ko.. ayaw na ayaw ko nababasa ang paa ko sa kalye..
  • favorite ko ang eggs..... :)
  • Don't remind me about humpty dumpty, hindi ako makakauwi from building 1..hehehe

  • Pangarap maging racer

  • Only girl sa magkakapatid, tapos youngest.

  • may allergy sa dust and sa mabalahibo, pero laging katabing matulog si chloe. :)

  • i'm a nature lover, i can marry a tree.

  • nagsasabaw ako ng kape sa kanin...hehehehehehe.... sarap... try nyo rin..
Ok, ikaw naman gumawa nito Gerry and uhhhmm, Ev


Saturday, November 10, 2007

Out of town...

Iwan ko muna po ulit pansumadali ang aking tahanan... pakitingnan tingnan na lang po, baka may akyat bahay gang dito sa bahay ko...hehehehehhee.... mag aaround the world lang ako...(sa buong north luzon lang pala.) Sana may wifi sa mga tutulugan namin, para naman makasilip ako kahit papano, at para makapagreact ako sa mga comments...hehehehe... Kung sino man ang may ipapabili, pakitxt na lang po ako, or iwan na lang ng mensahe...

Sunday, November 4, 2007

BIRTHDAY ALONE....

Wow, It’s been a long time… akala ko nun nagkalaptop na ako mas magkakatime, kase kahit wala sa bahay makakagaawa ng post, pero hindi pala…waaaahhhh, mas lalong walang time.. dami ko na wento, natambak na at nilumot na. Salamat sa mga dumadalaw… Ayan magpopost na ulit ako, kase kahit papano e may naghahanap sa akin.. hehehehe. Ang dami kong mga kwentong putol putol, walang second part hehehehe..

Here are some of my moments in Baguio, nagbirthday ako mag-isa… waaaaaahhhh. Buti na lang naawa mga friends ko, pinagtatawagan ako.. I was planning to treat myself sa spa that day sana, pero after lunch, my work buddy called me para sabihing magpupunta kami sa isang site… Whaaattt!! E hindi naman pedeng hindi, kase nga nagmamadali na kami at gusto na naming bumaba ng Baguio, we’ve been staying here for almost 3 weeks, at gusting gusto ko na makauwi.. So yun, kahit bday, work pa rin..

Here are some of my pics…. Ganito talga pag walang magawa at mag-isang nagcecelebrate ng bday..

Thanks sa lahat ng bumati... Ayan ako at mag-isa sa parking ng SM na open...as in open ang SM sa Baguio, walang aircon, pero super lamig pa rin... Pinakatipid na SM to, puro ceiling fan lang.. hehehe.



...At kahit birthday, e heto at work work work pa rin.. I thought we can finished it for 2 weeks at makakauwi ako sa bday ko pero dahil, walang itinerary ang SP, ayan inabot kami ng halos 3 weeks....

Heto ang food ko, pang midnight snacks.... pede ring pang handa sa bday.. :)

On Sept 29, nag show si sitti sa hotel na tinutuluyan ko, kaya ayan, bday celebration with sitti, yahooo... ok na rin, kahit inaasar ako ni Mia na nagbbday ako sa probinsya at mag-isa...at least nandun si sitti, parang nasa manila na rin.. heheheh. Bitin nga lang ang show nya at hindi rin masyadong maganda ang setting ng hotel sa program...maraming mga walang na-upuan, and the food.... errrrrr... nadisappoint talaga ako sa hotel na yun, biruin mo, nagpatransfer pa kami sa hotel na yun, kase much better, mas maganda, pero hindi friendly mga tao dun. Cute ng mga songs nya sa new cd nya..


...And after the show, ayan ako na ang nagshow...whahahahaha... ganyan talaga pag walang magawa, napapraning...

Saturday, September 22, 2007

4X4 is it??

So wala ng atrasan to.. Meron na silang na rent na 4x4, hilux daw yata.. At 8am nasa meeting place na kami, hindi na ako nakapagbreakfast, para hindi malate sa 8AM. Sa meeting place, hanap namin kung asan na, wala pa pala… sa may gate daw e, e ibang gate pala yung sinasabi nun nirent nilang 4x4.

Pagdating namin sa sinasabing gate, hinanap ko ang 4x4 sa pag aakalang hilux nga ito o kaya terrano.. or yung toyota na 4x4…pero ito lang ang sasakyang nakita ko sa paligid…












I ask them:
Raz: asan un 4x4???
SP (Service Provider): “Ayan po mam”…
Raz: “San??”
SP: “Ayan sa harap mo mam, dalawa gear nyan”..
Raz: What?????

Oo nga naman, dalawa nga naman ang gear ng 4x4, tiningnan ko, dalawa nga.. Oh God, makarating nga kaya kami sa taas??

Ok, sige sakay… kahit yung SP rin pala nagulat sa na-hire nila.. weeeeeeeee.. Habang sumasakay ako, nagtatawag na ako ng mga santo.. hehehe

Paakyat pa lang kami sobrang foggy na, wala ka na talagang makikita..kapit na kapit ako sa pwesto ko, baka tumapon ako sa bangin.. Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, huminto si manong at may inilagay sa gulong nya.. Talagang kinakabahan ako, ganito lang kaliit ang dinadaanan namin, at sobrang steep ng daan, konting mali mo lang, maaring pulutin ka sa ibaba ng bangin.. sobrang zigzag pa, 20deg angle siguro un.







Patuloy ang pag-akyat namin, pero halos hindi nababawasan ang kilometers namin base sa GPS namin.. Hanggang sa makarating na kami sa tuktok ng bundok, ang bundok ng sto. Tomas. Nasa dulo na kami, pero hindi pa rin dun ang hinahanap namin. Nagduda na ako sa coordinates nila, pag check ko sa data ko, oooppsss, mali nga… balik ulit kami..baka may ibang daan.

Habang bumababa ang malupit na 4x4, gusto ko ng sabihin kay manong, “teka lang po ha, bababa na lang po ako at maglalakad”… weeeeeeeeee.. katakot, lalo sa curve.. tumutunog na ng mga pyesa.. Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, flat tire pa inabot naming.. dyosmiyo… Pero ayon sa aming GPS at google earth, sa may kenon road yata ang nominal point namin, dahil wala ng ibang daan…

So medyo nag-iinit na ang mga ulo, kaya lunch na lang muna, para ma-plan na rin kung pano matatagpuan ang possible na location ng RS namin…

Sa kenon raod nga ang direction… Nakakita kami ng bundok na pedeng akyatin.. Tanong tanong kung may way sa bundok na yun, meron naman daw.. hay, 300m pa lang hindi na ako makahinga ng maayos.. lawit na dila ko.. grabe, parang magcocollapse na ako.. pahinga at tubig, tagal ko nagpahinga.. matarik rin kase ang bundok na inakyat namin.. 2km pa ang lalakarin bago mpuntahan ang nominal point.. darn!!

Around 1km, nagrereklamo na si civil works, mahirap na raw yung area..baka daw pede na dun sa kalagitnaan ng bundok.. Sabi ko, hindi pede ang layo natin sa search ring, kelangang akyatin pa kung may way pa.. pero nakakabadtrip na civil yan, nagmamarunong.. as if naman na hindi ko alam yun.. I can’t drop the site, hangga’t hindi dumarating yung no choice na talaga.. kung di lang matanda yun.. so pinakita ko sa kanya hindi talaga pede dun kase walang line of sight.. kelangang maghanap ng way para mapuntahan ang location ng nominal, o kung saang lugar na pedeng magtayo ng tower na may link sa kabilang bundok. (ang gulo ko ba magkwento?? Basta ganun).
So we decided to go back at maghanap ng ibang paraan.. hay, kakapagod ang araw na ito… sana matapos na to…. Gusto ko na bumalik manila… waaaaaaaaaaaahhhhh.


"THE SURVIVORS"



"VIEW" Masyadong foggy, hindi makita ang magandang tanawin.



"Flat tire"


Tuesday, September 18, 2007

BREATH TAKING

We have 26 sites to survey here in baguio at ito na nga ang ayaw ko, may kasamang RS (relay station). Relay stations are usually placed in mountains.. Nung nakita ko yon, kinabahan na ako. Expected ko na, na possible na mahabang lakaran sa bundok ito, and worse of all, as in oras ang bibilangin mo bago ka makarating sa site..ayaw ko nun..huhuhu

Today nakasked ang pagpunta naman sa RS, ang hirap pa naman dito sa Baguio kase pag dating ng 2pm, foggy na at maulan. Hindi naman kami nakaalis ng maaga kase hinintay pa naming dumating ang civil works… Kaya after lunch na kami nakaalis. Alam ko na mahihirapan ako sa part ko kase hindi ako makakapag LOS (line of sight), dahil foggy at umuulan.. Pero para mapuntahan na rin tuloy pa rin..

Adventure lang ang dala namin, yun lang kase ang available na pedeng umakyat sa bundok, hindi naman pede lalo yung dala naming kotse…goodluck.. Kaya ayun.. nakakatakot talaga, kase magkamali ka lang ng konti, bangin na kaagad.. Halos hindi ako humihinga sa kina-uuppuan ko, at kapit na kapit na talaga.. Dahil 25km pa ang layo ng pupuntahan namin according sa GPS, late na rin at masyado ng steep ang way at madulas, so we decided to go back..

Friday, August 31, 2007

Online Friends..

Friends in blog world are for real.. We finally meet.

Kahit maulan nun nakaraang lunes, go pa rin kami sa MOA, it's something i don't wanna miss.. Kase nun dumating dati si rho at nagmeet sila ng mga teachers ay hindi ako nakasama, kaya ngayon hindi ko na palalampasin to.. Malakas sa akin yang si Tikey eh..hehehe

Pero ako'y nalate at paumanhin po. Masyado lang akong na excite sa magandang balita sa aming tahanan.. I informed TK naman na malelate ako, hindi pala kilala ni fafa piolo kung sino si Tikey.. ahehehehehehe. Well, well, well... mukha ba akong nene??/ Hahahahahaha... Baby face lang talaga ako.. wow, mukha pa pala akong 22..nyahahahahahahahahaha..


The lovely couple... ann and richard (sana hindi ko napagpalit name ng hubby ni ate cess at tikey). Tikey, what can i say about Tk...hmmm. Soft spoken, kelangang fully charge bago mo makita ang makulit na tk sa blog...baka kase kasama lang fafa piolo...ahehehehe.. Sweet nila ni fiolo...match pa color nila.


This is mam greys a.k.a "tekla"
Akala ko snobbish si mam greys, pero mabit pala to.. funny din ang thoughtful, binigyan nya kami ng pasalubong na pagkasarap sarap.. hehehe.. si mam greys pala byahilo..may mga in case of emergency na mga plastic.. aheheheh
nagpicture sya kay fafa piolo naku lagot...hahahahahaha

Mam Rems a.k.a "Clown"
Always has a smile....can go along with her easily. Wow, natandaan nya mga pinagagagawa ko sa buhay ko at mga posts ko, kahit matagal na nawala... salamat mam sa mga pasalubong..

Ate Cess or Ladycess
Kahit anung kulit ng mga sipon, at me sakit...hindi mababanaag sa kanya ang tamlay at pagod na katawan...never a dull moment with her.. cowboy din pala to, hahahahahahaha.. at napupuno ng tawa nya ang foodcourt ng MOA..hahahahahahaha..kulit po pala si ate cess...


ayan at kinukulit ako... e makulit din akong magpapicture..hahahahaha catch me if you can..hahahahaha. kase naman pipicturan ako e my mouth is full pa..hahahaha...



Ito ang pasalubong ng mga teachers... matamis na sampalok... sarap, kahit sumasabit sa brackets ng ipin ko.. hehehehe


Hmmm, marami na yan ate cess, share daw tayo.. ahehehehehehehe



Cute...


PAgkatapos kumain, naglakad lakad.. Buti na lang hindi nakatingin ang sales lady, hiniram ko muna yung isang teddy bear..hhehehehe



at ng mapagod...... kape kape naman..


inaantok na daw kase si mam greys... pero mukhang lalong inantok sa sulawesi.... sayang, ate cess wasn't able to join us at starbuko...next time na lang ate cess..

I really enjoyed the day with you guys…. I never thought I could really have friends online.. And it’s not all about posting, reading during spare time, or wala ka lang talagang magawa..it’s so much more than that.. nakakaaliw. Blogging gives more meaning to me now.. See you again guys…

Monday, August 27, 2007

Get together...

Let’s have a break sa complicated stories..hehehe..

Matagal tagal na rin ng huli kaming magkita kita ng mga high school friends ko.. We seldom see each other…everybody’s busy.. When we we’re still in college, we have a get together every Christmas break in Marinduque.. Laging may party sa bahay nila Doie..kase madalas pa kaming umuuwi. We were oblige to spent our vacation in the province, kaya nagkakaroon ng time para magkita kita..

Pero kung kelan nag ka work na lahat, at may mga sariling income, dun naman nawalan ng time para magkita kita. Aba, puro drawing nga kami, parang archi lahat and engineering ang mga natapos, kase puro plano, walang natutuloy.. samantalang nun college ok lang anytime..

Kahit busy rin ako, pinipilit ko ring makarating, kase mawawala ako sa picture kung hindi ako makakasama..hahahahha.. picture lang talaga habol ko.. hahaha.. Sabi ko nga kay ellen, “naku, wala ka sa pics kung di ka magpupunta”, aba, biglang nagbago ang isip, darating daw sya..hahahaha

Nakakatuwa talagang mag reminisce, parang kelan lang, mga bata pa..walang muang sa mundo, ngayon, may mga family na ang iba… may mga anak na rin.. Iba na ang topic ng mga usapan.. usapang panganganak and taking care of their babies.. Samantalang dati, puro mga kalokohan lang.. hehehe.. pero hindi naman kami seryoso… mga makukulit pa rin…

Ladies

Mga Loyalists

Gutom na kami..


Dnt break the line.. hehehe

mga mommies

mga singles

boys..

Nag check in kami sa Holiday Inn, pero dalawa lang talaga nakacheck in... Medyo pasaway po talaga kami..hehehehehe, ginawang party room ang executive suite..toink.

Kahit hindi kami madalas magkita, nandun pa rin yung friendship ng bawat isa.. Nakakatuwa rin makita kung kamusta na ang buhay buhay makalipas ang ilang taon...kahit yung iba may conflict, dahil sa lovelife... hehehehe. Yung iba dating mag karelasyon, hehehehehehe... pero ok naman sila. Ayaw pa darating yung iba kase may conflict sa usaping puso..pero for the sake of friendship, nandun pa rin sila... Sadyang masalimuot ang buhay...nyahahahahahahahahahahahaha


Friday, August 24, 2007

Complicated... (part2)

So here’s the complication. JRR dnt want his name to be involve sa paglipat namin, ayaw nya na malaman nun dalawa na sya ang nag endorse sa amin sa company na yun..kase daw mayayari sya lalo nun dalawa (jsm and rpp). So hindi malaman ang gagawin sa resume namin, pinasa na lang kmi sa agency..hindi kase sila nagdidirect hire. Ang original na gusto ng PM ng company na lilipatan namin, parang mag o-outsource ang pdm ng mga engineers.. nyeks..hindi nga pede.. so agency talga.

JRR told us, na parang tanggap na kami..90%.. “oppss may 10% pa. NAku, hindi pa rin yan sure.. “

Monday morning we have an appointment at the agency.. Makati rin ito, 1 block away from our office. Nun pabalik na kami sa office around 11am, they told me, let’s eat first, sabi ko “huwag na, dito na lang tayo dumaan”. Ewan ko pero pumasok sa isip ko na possible na makasalubong namin mga taga pdm sa way na un. Sa tapat ng carpark, nakita ko nga paparating si jsm with the technicians.. hala!!.. no turning back na… hi and hello tuloy kami… but I simply cross the street para hindi masyadong obvious kaming tatlo. The way JSM looked, parang nagdududa.. parang alam nya na may something.. Caught in the act kami..wahahahahaha..

Me kasunod pa to...hehehehe


Sunday, August 19, 2007

Complicated...

Kelan ba nagsimula na nag-isip ako na lumipat ng company?? Matagal na, since the beginning I guess. Pero I learned to like it…well, I love my job per se, and this is my dream job. Pinangarap ko dati pa na maging in line with telecoms ang work ko. After passing the board exam, I targeted Telco Company, pero walang nangyari. I ended up working in a job which is not really in line with my course. Aba at hindi pala ako nag-iisa, marami pala kami, tapos mga board passers pa.

Sadyang mahirap pumasok sa telecoms, kung may kakilala ka, well, madali lang. I was given a chance to be involved in telecoms because of our family friend. Nalaman ko na relative pala naming yun. Student palang ako sa college, pinagbilin na ako ng tatay ko sa kanya, na sana matulungan din ako sa work. Well, mapride po si razberry, kaya kahit nakagraduate na ako at nakapasa sa board, never kong kinontak yun.. Naghanap ako mag-isa ko at dumiskarte ng sarili…

Nung magsawa sa first job ko, at hindi na nakatiis, nakipag-usap na rin ako kay “jrr”, kase may bagong put up sya na company in telecoms.. E di ayun, napunta ako sa telecoms…great!!..

Then that’s it, kala ko ba maganda na work ko??? Yup maganda ok naman…but along the way ang daming ng lumabas na problem,..mainly sa management.. And I really can’t take it anymore, sobra na sila. Tatlo silang boss ko, magpapartner sila.. we call them ‘jrr-family friend na nagpasok sa akin’, ‘jsm-the super kulit’ and ‘rpp-the most arrogant person I know’.

Sobrang conflict na talaga, jrr keep his distance to the company for some personal problem with his partners. He tried to pull out his shares, pero ayaw yata nun dalawa. Simula nun na inaway ako ni rpp ng nakatalikod, sa kabila ng lahat ng sacrifices ko sa company, tinira nya ako ng nakatalikod, at simula nun time na he’s blaming my team… that’s the time na nawalan na ako ng drive to work.. he even fired one of my co-engineers dahil sa naglunch lang kami..my god!!.

Nun nawala si partner, mas naging bullshit ang trabaho namin.. I’m not meeting the deadlines, lahat pending..how can I survive e mag-isa lang ako, and I’m handling how many sites?? Around 120hops for south Luzon.. my gulay, hindi ako wonder woman..

Naging magulo ang team naming, and I don’t even wanted to handle it, kahit sabihin pa ni rpp na ako na ang bahala.. but where’s the support?? Nawalan na nga kami lahat ng drive.. When I talked and open up to jrr, sobrang iyak ako ng iyak, lahat ng sama ng loob ko sa company sinabi ko, he even have a personal conflict with his partner… o di ba, silang magpapartner walang direksyon…

Well anyway, hindi na ako naghandle ng project, bahala na sila, basta ako, kung ano lang yung dapat gawin yun lang..i’m not taking extras… no extra time, no ectxa effort. Absent ako kung gusto ko at magfifield ako pag gusto ko…ahehehhee.. nagging bad ako in short.. hehhe.. I’m just waiting for the new opportunity. Gusto ko umalis ako dun ng unexpected.. anyways, 2 engineers nap ala ang nagresign, at susunod na kami..hehehe

Last week, pagkapasok ko pa lang, Rachel told me na tumawag si jrr at baka interested kami sa vacancy sa ericsson… Of course I’m very much interested.. Ayun pinass namin resume naming tatlo.. (core group ng transmission planning). Imagine na lang pag kaming tatlo ang nawala… sobrang mapipilayan ang compamy.

So ang idea na ito ay sobrang confidential.. It’s between, sa aming tatlong engineers at kay jrr.. Sabi ni jrr, basta hindi sya ang nagrecommend, dahil malalagot sya sa mga partners nya.. Parang conspiracy nga ang dating.. si jrr na boss namin na partner ni jsm at rpp, tinutulungan kaming makaalis sa company nila…ang gulo namin.. si jrr kase nagpasok sa aming tatlo..

JRR is a good boss, sa kanya ko nga lang lahat natutunan kung anu man ang knowledge na meron ako.. he’s a good mentor..

Complicated ang paglipat namin sa ericsson, yung pinakaproject manager ng ericsson ang nagpipirate sa amin.. Of course hindi pedeng malaman ni rpp at jsm na lilipat kami, lalong majojeopardize ang paglipat, at anu na lang ang mangyayari pag nalaman na involve si jrr… ang gulo talaga, complicated.. Basta ako, all I want is to leave the company..

To be continued…….

Tuesday, August 14, 2007

100 questions.... from lay.

I'm just here, sitting on my computer table. walang magawa kaya, ganito muna.. (from friendster bulletin.

100.WHATS YOUR PROFILE SONG & WHY?
~ yani's ari.. gusto kong kantahin yan and dreaming i'm the soloist..hehehe

99. DO YOU HAVE A JOB? IF SO WHAT IS
IT?
~ yes, tumambay and gumala..

98.MIDDLE NAME?
~ Rodelas

97. DO YOU HAVE A CRUSH ON SOMEONE?
~ oo..

96. LIED IN THE LAST 24 HOURS?
~ di pa ata..

95.BEST BREAK UP SONG?
~ break it to me gently version ni mark bautista..

94. WHAT WAS THE LAST PLACE YOU TOOK A
PLANE TOO?
~ ang gulo ng tanong! cebu

93. WHAT IS THE LAST MOVIE YOU WATCHED?
~ pirates yata...

92. WHAT MAKES YOU MAD?
~ ang makita at marinig magsalita si jsm.. grrrrrrr..kulit nya.

91. WHAT WOULD YOU LIKE TO BE WHEN YOU
GROW UP?
~ grown up n ako eh..

90. WHAT'S YOUR NAME?
~ Raz

88. DO YOU HAVE A FRIEND OF THE
OPPOSITE SEX YOU CAN TALK TO?
~ yep..

87. WHAT'S THE LAST THREE DIGITS OF
YOU MOBILE PHONE?
~ 811

86. WHERE ARE YOU NOW?
~ sa room ko.

85. FAVE COLOR?.
~ green

84. WHAT DOES THE 7TH MESSAGE IN YOUR
INBOX SAY ON YOUR PHONE?
~ pumasok ka? lakas daw ulan dyan..b-day ngyn ate wena m bka malimutan nyo batiin. --> from mom.

82. WHAT IS SITTING TO THE LEFT OF YOU?
~ chloe

81.WHERE IS YOUR DAD RIGHT NOW?
~ marinduque

80. DO U HAVE PIERCINGS??
~ yup

79. WHO IS THE 5TH PERSON YOU GOT A
MISSED CALL FROM?
~ from agency

78. CLOSEST BLACK OBJECT?
~ cellphone, dvd player

76. ?
~ ??

75. DO YOU SING IN THE SHOWER?
~ yep.

74. DO YOU OWN ANY PET?
~ yep.. si chloe

72. WHEN'S THE LAST TIME YOU LISTENED
TO COUNTRY MUSIC?
~ at the office..nun hindi pa nawawala yung speakers..

69. WHAT ARE YOUR FEARS?
~ not to get out from pdm

68. WHAT CAN YOU HEAR NOW?
- rain drops..

67. HOW MANY DRUGS ARE IN YOUR SYSTEM
NOW?
~ wala.. i'm sober

66.WHAT ARE YOU WEARING RIGHT NOW?
~ shirt and shorts

64. LAST PERSON TO COMMENT YOU?
~ justin

63. DO YOU SING?
~ yep. i'm soprano1

62. SCREAMO OR COUNTRY?
~ anong screamo?

61. ROCK OR RAP?
~ rock

59. WHO DID YOU LAST CALL?
~ ate yvel

58. WHO LAST CALLED YOU?
~ rachel

57. WHAT JEWELRY DO YOU WEAR DAILY?
~ earrings

56. WHAT ARE YOU DOING NOW?
~ nag iinternet.

55. WHO WAS THE LAST GUY/GIRL YOU
HUGGED?
~ charisse, when her father passed away

54. WOULD YOU DIE FOR SOMEONE?
~ maybe...

53. LATEST THING YOUVE RECENTLY
LEARNED?
~ nawawala yung GPS na orange.

52. ARE YOU COLD NOW?
~ nope.

51. WHAT DO YOU SMELL?
~ smell of the rain.

50. IS ANYTHING BOTHERING YOU RIGHT
NOW?
~ yup.. transferring to other company... rpp might jeopardize.. wheew!

48. WHAT ARE YOU gOING 2 do TOMORROW?
~ magtrabaho..

47. IF UR EX WANTED YOU BACK WOULD U
TAKE HIM/HER BACK?
~ nope..

44. BED SHEET COLOR?
~ white and pink

43. CAN YOU SWIM?
~ a little..

37. FAVORITE SMELL?
~ amoy baby...

36. EVER GONE A WHOLE DAY WITHOUT
EATING??
~ yep..

35. UNITED STATES OR CANADA?
~ CHIle! hehehe

33. WHAT WOULD YOU DO IF YOU FOUND OUT
YOU WERE PREGNANT?
~ immaculate conception? hehehe...

32. JEANS OR SWEATPANTS?
~ jeans

29. DO YOU HAVE SOCKS ON?
~ no

28. DO YOU OWN BIG SUNGLASSES?
~ yep

27. HAVE YOU CRIED SO HARD YOU MADE
YOURSELF SICK?
~ no

23. HAVE YOU RECENTLY TALKED TO AN EX?
~ no

19. FAVORITE TV SHOW?
~ i dont watch tv.. UAAP na lang.. from dvd lang ally mcbeal, grey's anatomy and smallville.

18. DO YOU LIKE 80S MOVIES?
~ konti lng..

15. WHAT KINDA MUSIC DO YOU LIKE?
~ indie, classical... basta yung hindi uso...hehe

13. BEST CITY YOU'VE VISITED?
~ davao

12. BEEN TO LONDON?
~ nope

11. FAVORITE SCHOOL SUBJECT?
~ geometry, transmission media.

9. BEEN TO COLLEGE?
~ yes

7. FAVORITE TIME OF DAY?
~ 8 pm

6. EVER LICKED SOMEONES CHEEK?
~ yeah.. hahahahahahahahahaha..

5. SEEN ALL THE SPIDERMAN MOVIES?
~ yah

4. WAT R U LOOKING FORWARD TO?
~ to be transmission planner in ericsson.

3. EVR GOTTEN LOST IN d DARK?
~ no

2. DO U SNORE/TALK/WALK IN UR
SLEEP?
~ no

1. R U AFRAID WEN U'RE HOME
ALONE?
~ nope!!

taking a moment

I'm troubled. I'm taking a moment. (I'm not a wacko, oh, maybe I am)

It's like i'm drowning, trying to survive.
I'm surrounded by water no land.. ooppss i see it. I can see it, that little island...

I'm gathering all my strength now, i'm scared, gasping breath... hope i can make it.. i have to make it..

It's now or never...


-----
im not sick anymore...but i still have cough. :(

Sunday, August 5, 2007

Is it tragic?

Noong isang lingo nagising ako sa tawag ng aking kaibigan na si charisse, it was 6a.m. in the morning, and it is very unusual for her to call me at that hour, hindi kase kami early people. Hindi ko muna pinansin ang telepono ko ng mga panahon na iyon, hindi kase ako sumasagot ng tawag sa umaga unless emergency. NAng tingnan ko ang telepono ko, 1 missed call from cha, I thought magpapareserved lang sya sa akin ng flight to tacloban, pero bakit napakaaga naman, at alam nya na hindi ako gumigising ng ganong oras.

Pangalawang vibrate ng telepono ko, naisip ko, importante talaga siguro ito, dali dali kong tiningnan ang telepono, si cha ulit. Pagkasagot ko ng fon, umiiyak sya, at nauutal sa pagsasalita, halos wala akong maintindihan, pero parang alam ko na ang sasabihin nya.. ang tangi ko na lang naintindihan…”si mama”. And I get it, her mama passed away.

Last night, bago mamatay ang mama nya, napagkwentuhan pa namin na baka hindi na nya abutan ang mama nya sa tacloban, and it happened, hindi na nga sya umabot. Ang mama nya ay may lung cancer, at lately na lang nila nalaman, kung kelan critical na. Matagal ng may sakit ang mama nya, pero walang diagnosis, ang akala ng lahat depression lang ito or psychological, dahil sa walang makita ang mga doctor sa mga tests before.

Ang sobrang nakakalungkot lang nung time na tumawag sya sa akin, para sabihing namatay na ang mama nya, kasalukuyan namang critical din ang papa nya. Ang papa naman nya ay may cancer sa bladder.. Kinakailangang nyan madala agad sa hospital, kailangan ng ambulansya para madala ito. Hindi ko nga alam ang gagawin ko nun, ang nasabi ko na lang “calm down”, kelangan makakuha ng ambulasya. Tawag agad ako sa hospital para maassist agad ang papa nya.

Hindi rin nagtagal ang papa nya. Kamakailan lang ng pumanaw na rin ito. Libing ng mama nya sa tacloban, ang papa naman nya nakaburol dito sa manila. Dumalaw ako sa burol ng papa nya kahapon, habang magkasama kami, tinanong nya sa akin, “sa tingin mo trahedya ba ang nangyari sa amin?” hindi ko naman nasagot. Trahedya nga ba?

Pero bilib ako sa kanya, she’s strong woman, full of life, and good thing, hindi nya inisip na trahedya nga ito. Sa kabila ng lahat, nakikita pa rin nya ang liwanag, that there’s a life out there. Sabi nga ng isa nyang kaibigan, mabuti para sa kanya na very positive ang thinking nya. -Singit ko lang, maganda itong sinabi ng kaibigan, (interview sa isang kaibigan nya). “Saan mo hinuhugot ang lakas ng loob mo? How do you manage to be strong? “You don’t need to be strong; you just need to be humble…”

Pero minsan, kahit gaano tayo katatag, dumarating pa rin sa point na, nararamdaman mo lahat, depression, pain, everything..yung tipong iiyak ka na lang. Minsan hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya to comfort her, wala lang akong masabi. Sometimes kase hindi kelagan ng isang tao na maawa ka or malungkot ka sa sitwasyon na kinakaharap nya, all I have to do is to be there, kahit literally nandun lang ako..

Sabi nila, kung sino daw ang pinaka iyakin sa pamilya pag may namatay, yun daw ang pinakaguilty. Hehehe. Totoo kaya yun? Maybe.. Some people cried a lot dahil may mga pagkukulang sila sa pamilya, and wala na silang magagawa pa to correct it, patay na e, mapaparamdam mo pa bas a kanila kung gaano mo sila kamahal? Na sana nun nabubuhay pa e inasikaso mo ng lubos? Medyo guilty ako dito, kase nun nakaraan nagtampo si nanay sa akin, naisip ko, who knows maari ako o kung sino man mahal ko sa buhay ay mawala, kaya naman lagi na akong tumatawag kina nanay at tatay, iba kase yung feeling na alam mong may tampo sayo ang parents mo, baka pag nawala sila ako ang pinaka iyakin…hay, hindi ko yata kaya.

That’s life, may kanya kanyang intensity ng pain, kanya kanyang sakit na nararamdaman sa buhay, kanya kanyang dagok. The most important part is how you cope up with all the pains, with all the hardship, would you be able to look at the brighter side, na kahit anung sakit ang maramdaman mo ay hindi ka naman pala nag-iisa? God wont give us pain na hindi natin kakayanin. Pain is everywhere, it makes us stronger, sabi nga ni Meredith Grey:

“Pain, you just have to ride it out, hope it goes away on its own, hope the wound that caused it heals. There are no solutions, no easy answers, you just breathe deep and wait for it to subside. Most of the time pain can be managed but sometimes the pain gets you where you least expect it. Hits way below the belt and doesn't let up. Pain, you just have to fight through, because the truth is you can't outrun it and life always makes more.”

Monday, July 30, 2007

Coffee Expert???

Last night we’re craving for some coffee, (as we always do) or I guess just a place to hang out, for little talk. May friend cha, wanted to go out. She’s been through a lot of thinking that day.

I was experimenting on coffee lately, trying to classify it, in other words, pinaninindigan ang pagiging coffee addict. Hehehehe. My brother was a barista before, and lately almost every night may coffee session kami after rehearsal. Kwentuhan hanggang 2am. Jay ang Cha, would stop by at hour house for the coffee session, lately rin kase parang pang teleserye ang buhay ng GPS (Gloria Patri Singers), kaya maraming napag-uusapan..

Kuya Nel give me some information about coffee, kung ano muna ang dapat kong inumin as a starter, mild daw muna, kaya house blend ang iniinom namin ngayon.. House Blend, a blend of Latin American coffees. The bright flavor is tempered with a round smoothness and ends with a clean finish. Tamang tama pa lang to sa panlasa ko, hindi masyadong bitter.

So, instead of ordering frapp, coffee press na lang..para kunyari marami akong alam sa coffee..wehehehehe. After sitting at the coffee house for almost 2 hours, may coffee tasting sila, and we are the chosen customer..hahaha. Isang barista ang lumapit sa amin, feeling ko new lang sya kase, may binabasa pa sya habang nag-eexplain sa amin..

First coffee, a komodo dragon blend, (Bold) a spicy, herbal, and earthy with a full body.. bold ang coffee na ito, so medyo bitter ang taste. Galing sa Indonesia ang coffee na ito. Indonesian coffees are known as the deep, stalwart elements of the coffee world. Komodo Dragon Blend— is wholly an Indonesian coffee.

Next is Sulawesi, (Extra Bold) an assertive coffee with a heavy body and creamy texture, it is best describe as spicy ang herbal.. Hmm, parang nakatikim ka ng ampalaya..hehehe. Most of the coffee Starbucks purchases from Sulawesi comes from a region called Torajaland.

Last one is Sumatra, (Extra Bold). It has a full, syrupy body with virtually no acidity - so the coffee's intensity lingers in your mouth. The concentrated spicy, herbal notes and earthy aroma are the telltale signatures of this well-loved coffee. Ito talaga ang sobrang matatandaan ang lasa, kakaiba talaga, medyo mapakla, na spicy. The island of Sumatra produces 70% of Indonesia's income and is home to over 38 million people.

How to taste the coffee? First, cover the cup with your palm, ¾ lang daw yung natatakpan mo, then smell the aroma of the coffee.. then slurp it..(kelangan daw ganon.. J) Nakakaaliw ito…coffee experience. Kaya naman, gising na gising ang diwa namin hanggang madaling araw.. hehehe. Ikaw ba naman ang maka apat na cup ng coffee..

Now I realized, kaya pala iba ang lasa nun 3 in 1 na coffee na binili ko last time, parang walang lasa, parang uminom ako ng mainit na tubig na may cream and sugar.. Maybe because, tumataas na ang level ng pag-inom ko ng kape, mas strong na ang panlasa… And nun bata ako, pag nagtitimpla ako ng kape, sobrang konti lang ng kape na nilalagay ko, tip lang ng teaspoon, ngayon kalahati na ng tablespoon na kape ang nilalagay ko.. :0

Monday, July 23, 2007

The game is on.

Last Thursday I just stayed at home, nagrest muna sa aking working environment. Kahit madalas akong walang tulog, hindi pa rin ako natulog, I’m just here on my room watching dvd’s.. Nainip sa kwarto, bumaba sa sala para makisocialize, kay chloe..? hehehe. Nothing to do, walang tao, nagbukas ng tv, pero wala naman talaga akong papanoorin, browsing the channel, natapat sa studio23 at muling nagbalik ang ala-ala ng college days ko..

It’s UAAP season again.. huwaw!!! I miss this thing. Sobrang fan ako ng UAAP. I’d rather watch UAAP than PBA. Mas feel mo kase yung alma mater mo yung chinicheer mo..

I still remember, during my first year in college, it is a requirement on our P.E. subject to watch UAAP every time may game ang UE. Kung anu-anong cheer ang pinapa memorize sa amin, at first I find it ridiculous, kase parang we are forced to watch it, kase nga nakasalalay naman sa attendance namin ang grades, well partly, plus points nga daw. Hehehe. E di syempre, mga walang muwang pa kami nun kaya sige go lang.. Pinapagsuot pa kami ng red nun. Nandun pa dati sina Tubid, sophomore yata sya nun (sya lang ang nasa PBA sa batch nya na kilala ko from UE).

200meters away from the gym ka pa lang, maririnig mo na ang cheers at nagundong ng mga drums.. kanya kanyang beat bawat schools, kanya kanyang kulay.. masaya talaga. Hindi pedeng hindi ka magcheecheer at uupo lang sa upuan, kase madadala ka ng excitement, from the beginning til the last shot, talagang sisigaw ka at the top of your lungs..na talagang after the game, wala ka ng boses (go UE…. Go fight red and white… get that ball… defense…. Shoot that ball.. yan ay ilan lamang sa mga isinisigaw namin). Pati nga damit ng katabi mo mahihila mo, lalo na sa crucial points.. mabibingi ka rin sa ingay ng mga drums, sa mga iringan ng mga estudyante.. may nagkakapikunan, may mga players na nagsasapakan.. may coach na mag wo-walk out, puno ng drama at emosyon ang kapaligiran. Laging puno ang araneta coliseum pag may UAAP games.

Even on our higher years in UE, we still watched the UAAP, kahit wala ng PE, kase talagang nakakaenjoy. Mararamdaman mo talaga yung kaba while watching, halos magtumbling ka pag nagturn over at nakapagfastbreak ang school mo, halos maihi ka naman pag 2pts ang lamang ng kalaban, tapos free throw ng school mo, pinagdarasal mo na sana mag over time, feel na feel mo talaga, battle of schools e, kaya lagi kaming tumatakas sa school nun, takas sa org namin hindi sa subject. Kahit may meeting sa org, hay naku, cancel ito, ang mahalaga, may tickets pang mabibili sa araneta. Sugod agad kami sa coliseum after the class, kahit naka uniform pa kami.. may baong mga red shirts..

Ang masaklap lang, everytime na manonood ako ng live, laging natatalo ang UE. I don’t know, may sumpa yata ako.. Wala akong matandaan na nanood ako na panalo ang UE, buti pang manood na lang ako sa TV, nananalo. Nakita ko yung commercial sa TV ng UAAP, affected yung guy dahil talo ang school nya, totoo yun.. KAse pag natatalo ang UE non, sobrang affected kami, uuwi kaming malulungkot, na halos hindi mo makausap. I remembered pala, nakanood ako na nanalo ang UE, kala ko mapuputol na ang sumpa, pero hindi pa rin… Never pang nakapasok sa finals ang UE, nabobobo yata sila pag semis na.. laging natatalo..kakainis.

Sobrang naging idol ko si james yap nun season 66 yata un.. Ang galing nya kase, super star ng UE, at talagang pinupuntahan pa naming sa gym yun para mapanood ang practice game, dami ring naaliw sa kanya, including me..hahahahahahaha. Basta pag pag playing time na nya, go papa james…wahahahahha.. kasama ang partner nyang si paul artadi.

Last thu nanalo sila sa game, sana makapasok na sila this season sa finals, para makanood ulit ng live at sana wala na ang sumpa.. hehehe.


Go fight red and white..

Ayaw ko na kay james yap, si marcy na ang like ko...cute and magaling... :)

*Update: University of the East trampled the Green Archers to the Cuneta Astrodome floor, 96-76, on a Sunday bloody Sunday of UAAP men’s basketball.

Thursday, July 19, 2007

Easy...

These past few days I’m at the state of tinatamad. I never really completed my working hours at the office, but I can still meet the deadlines, kaya siguro hindi na nila napapansin.. hehehe. In my work, flexi kase kami, do what you want as long as you do what is to be done. Actually kinakabahan ako pag ganitong wala masyadong ginagawa, kase feeling ko after this, tons of work na naman as in 24/7 (Mostly Sun Cell kase project namin ngayon. Wala pong kaugnayan yun sa dami ng work..hehehe).

Kanina, I arrived at the office at 10:30am (tamad po talaga akong pumasok ng maaga). I just checked the report made by my team due today. I finished it at around 1:30PM. I told them, ako na magdadala sa GCC (Ortigas), tapos uuwi na ako..hehehe (Gawain ng tamad).

At 3PM, I was just wandering at Galleria, nagpapalipas ng oras, para anytime na may kelangan sila, I’m still at GCC. Nagbasa basa ng libro sa National Bookstore.. Napadaan sa tindahan ng sapatos. I’m looking for a flat shoes, it could be doll shoes, na medyo hindi formal ang style, pede kahit saan, on the go, at higit sa lahat masarap sa paa. Medyo pasaway kase ang aking paa kaya noon pa ay medyo mahirap makahanap ng ganon, or maybe I’m just being so mapili. Minsan kase, when I got home, biglang ayaw ko na nun nabili ko, kaya nakaka 100times akong magsukat, bago ko bilhin.

Sa pangalawang balik ko sa store nay un, hindi ko pa talaga binili, but I liked it already.. Kaya nilibot ko muna buong mall, hanggang sa tumawag ang boss ko. Akala ko pababalikin ako sa office or baka may iuutos, akalain mo yun, wala pala syang pera, kase naiwan nya sa office..whatt?? I don’t have cash either. Naawa naman ako sa kanya may meeting pa daw sya e, baka hindi makabalik sa office, since ang meeting nya ay sa GCC din, kaya meet ko sya sa lobby ng GCC.. I just have 100bucks on my wallet and enough money on my pocket to get me home. Kaloka ang boss ko na ito. Buti na lang, hindi pa ako nakakapagdecide bilhin un shoes, naku malalaman nyang nagmamall lang ako kung nagkataon..wahahaha.






Sa pangatlong balik ko, binili ko na rin...




Wish ko lang pag-uwi ko gusto ko pa rin to..hehehe.

Gutom na gutom na ko pag-uwi, kase ba naman hindi ako nagbreakfast, konti lang nakain ko ng lunch, dahil hindi ako makakain. Last Monday nagpunta ako sa dentist para sa preparation ko para sa braces. Ayan, nilagyan nya ako ng separator, kaya medyo masakit ang ipin ko pag kumakain. Kung kelan naman ako may appetite, hindi naman ako makakain...


Kaya heto kinakain ko muna..