I commend you guys for your courage and spirit. It may not be perfect as we want
it but still we did it good. Kudos! Let's keep it up!
Monday, December 18, 2006
Manood tayo...
Saturday, December 16, 2006
Dumaan lang... napepressure ako...
Gabi gabi kami nagrerehearsal para sa competition, grabeng nakakapagod, kase late na kami natatapos.. wala ng tulugan to..
At mamya ay simula na ng simbang gabi, naimbitahan ang choir namin ng isang kaibigang pari na kumanta sa parokya nila. Kaya heto, 1am na kami natapos ng rehearsal para sa kakantahin sa simbang gabi.. Sa kasamaang palad nagkasakit ang isang soprano na gumagawa ng obligato, unfortunately sa akin ipinagawa... waaahhhh.. nakakapressure. Ayoko ng ganito, ok sa akin yun kung medyo may isang araw pa... waaahhh.. kaya heto, nag-aaral ng cd kahit 2am na, 3am ang kita kitas.. waaahhh..
Ang nakakaasar pa hindi ko marehears ng maayos, kase hindi ako makakanta, baka batuhin ako ng kapit bahay sa ingay... hayayay...
Maging maayos sana ang lahat....
Thursday, December 7, 2006
Weirdo, I don’t think so..
Right now, we have a choice; we can work at home, on call, you can report to office anytime you want, it’s because we’re not that loaded as of now. I choose to stay at home, it’s convenient for the broke like me.. (hehehe) So bahay ko, office ko. I can move freely, but if there’s a deadline, naku, feels like I’m still at the office rushing. Kanina, I wasn’t able to eat lunch on time, because I have to rush things.. Maya’t maya tumutunog ang telepono.
Well too much for that, I’ve been thinking if I’m really nuts. My close friends, always tell me that I’m crazy, but it’s hard to believe.. I’m NOT. My friend Mia, once said that I’m crazy because I’m accessing my computer at 5am, yes, I’m doing that for the longest time. So what?? I’m doing that, kase nun time na nakadial up pa ako, it’s free time pag ganong oras, so kahit antok na antok pa ako, I don’t care, as long as I can have internet connection for free, wala pang hassle sa phone.. (hindi pa uso sa akin ang blog that time.) And I always told her not to send me forwarded messages in my mails, gusto ko yung wala lang.. and she told me I’m really nuts.. whew!
I don’t know, I’m an addict I guess, with my computer. It’s my routine before, I’m going to sleep at 12midnight and wake up at 3am for internet. Well, I guess this is my comfort zone, marami kong nagagawa in front of my PC, sometimes I caught myself just starring at my monitor..
When I don’t have work, and I don’t have any plans to go out (mall, movies, hang out, dinner), just look at my room, I’m there in front of my PC. Sometimes I forgot to taka a bath (hahahaha). Mia would shout in the drive way to come over, and I would realize, hindi pa ako naliligo, naaliw na naman sa computer. Of course she won’t wait for me, she knows, kung gano ako katagal maligo. Sometimes she doesn’t have a choice, naawa rin sa akin, she’ll pull me on my chair and throw me towel.. Hahahahaha.
My bestfriend always yelled at me when she came here, and see me in front of the computer, she yells because she knows, I haven’t eaten yet. And she would check at night if I’m using the internet, sasabihin non, puyat na naman ako. The last thing I know, we’re arguing about it.
Even my brother would knock at my door, and say, hey maawa ka sa mata mo, lumuluwa na.. (syempre excited ako nun nagshift na ako to broadband). So what more now, na nauso ang blogging sa akin at unlimited pa account ko sa internet at mabilis? Figure out guys… :)
So guys, Am I nuts?
Mukha bang crazy??
Monday, December 4, 2006
Sad but eventually happy (part 2)
Nakakalungkot isipin na may taong galit na galit syo, na hindi mo alam. Yung sa halip na susuportahan ka, hihilahin ka sa baba.. Inggitan and all.. Nakakalungkot.
Before the competition, we took the exam, individual singing, kase yun first competition, maximum of 15 members, 22 kami lahat, so you better perform well during exam kung gusto mong makasama. I did pretty well sa exam, and I landed on top 6. 100% pasok ako. Hindi maiiwasan na may maiiwan na members, but all the members na naiwan, naintindihan nila and they are very supportive except for this one person.
I don’t know why she’s so mad at me because I was one of the selected performers. Lahat na yata ng masasakit na salita sinabi nya sa akin, (habang nakatalikod ako) wala naman akong ginagawa sa kanya. It’s the decision of the Musical Director not mine. And besides, pangit ang result ng exam nya, kahit i-review pa sa video. Maikli ang pasensya ko pero somehow mahaba pa rin, I just keep quite, sige bahala kang magmaktol dyan, ang nakakaasar pa pag nadyan ako, hindi naman nya ako inaaway.. isang malaking Plastic. It really affect the group and somehow naapektuhan ako. Nalulungkot ako na parang pinipray pa nya na hindi ko ma hit yun part ko sa ending. Hindi naman ako ang mapapahiya pag hindi ko nagawa yun, GPS ang mapapahiya. Pero I understand medyo maluwag kase ang isang turnilyo nun kaya hindi ko na pinapatulan. And besides, hindi ko dati part yun, kumbaga na elevate lang ako, tas ako na yung taga birit sa last part, meron kase dating gumagawa nun, lyric soprano ito, magaling.. galit na galit din sya dati don, no wonder galit sya sa akin ngayon.
At dahil sa mga ganyang asal, muntik na i-cancel ng MD ang upcoming competitions. Nawindang na naman kaming lahat.. Hay, sayang ang ipinatahing damit. Isa pang nakakalungkot, hindi kami OK ng bestfriend ko (parehas kaming nasa choir)
Kaya heto, dumating ang Tuesday, walang tawag.. Lahat ng members, halos walang gana, pati kanya kanyang trabaho, affected. And we’ve heard tinawagan na ang isang choir. Wala na talagang pag-asa. Wednesday, hindi na kami nakatiis ng bestfriend ko, kinuha namin ang number ng PREX, para matahimik na kami at wala ng what if at matigil na rin kami kaka hope, kung hindi talaga pumasok, tatanggapin namin. Finally we phoned PREX. Kunwari friend kami ng GPS. Ask namin kung nakapasok ang GPS, tawag daw kami after 10min, coconfirm pa nya sa list.
Feeling ko isang taon ang 10minuto, hindi na kami mapalagay, sumapit ang 10minutes.. “ah GPS ba, nasa list kayo, makukuha nyo ang contest piece on Dec.10”. Pagkababa na pagkababa ng phone, as in sigawan talaga kami……… waaahhh…tumambling tambling pa kami sa kama, na parang mga walang muang sa mundo na nagsisisigaw. hindi lang pala naasikaso… Nak ng pating naman oo, wooooooooooooooooohhh, pasok kami. LAhat ng mimyembre nabuhayan, txt dito txt doon, para sa good news.. Hay, God is good. Sabi nga ng isang member na optimistic, hangga't hindi dumarating ang dec. 10, pasok pa rin tayo, kase ang distribution ng contest piece for the finals ay dec. 10.
Kaya heto, sa kabila ng mga problema, may reason pa rin ako para maging masaya. Kaya ngayon puspusan na naman ang aming pag-eensayo. Ang haba ng entry na ito, isa pa palang reason to be happy, naka DSL na ako sa house, goodbye dial-up.. yahoooooooo… and finally, ok na kami ni bessy.. wehehehehehe.
Saturday, December 2, 2006
Sad but eventually happy (part 1)
First competion, at starmall last Sunday, unfortunately we didn’t have any place. But that’s ok, we know that the competition was not that… “you know” judges were not a musician in the first place. Even the other choir, ang mahigpit naming kalaban, at kilalang choir na magaling ay hindi rin nanalo kahit anong place.. hahaha.
Then ang pinakaabangan ang audition, mas prestigious ang contest na ito, kaya talagang pinaghandaan namin.. Winners will get a recording and cash, whouh! Abot abot ang aking kaba, dahil may part ako sa kanta na “bituin walang ningning”, kelangang mahits (there’s a story behind hits), whatever it takes..
Tatlo ang kakantahin namin, Christmas song (Diwa ng Pasko), mellow (Let it be me), grandioso (Bituin walang nining). Nasobrahan na yata ako ng pagod, sumabay pa ang sakit ng ulo ko… waahh, nauna kase un competition sa starmall. Kahit uminom ako ng gamot, wah effect, psychological lang yata ang pagsakit ng ulo ko. Hanggang sa dumating kami sa venue, sakit pa rin ulo ko.
At bonga ang audition naka video pa, (they used it para talagang maevaluate ng husto ang mga contestants) hay, medyo kinabahan ulit ako. After a while, simula na, sound check muna, sound check again, pero bakit parang hindi na pinutol ng conductor namin ang song, dirediretso na ito, hindi pa nakaset ang mind ko na game na, na paghahandaan ko ang ending nito, para sa high note.. my gosh, patapos na parang ayaw kong ibigay ang tono ko.. waaahh. Nagawa ko naman sya, pero at the back of my mind, game naba yun, db sound check pa lang, kase I’m not confident sa ginawa kong last note.. Sabi naman nila, perfect.. ok.
Natapos ang tatlong kanta.. Kinausap na ang conductor namin ng mga judges(I dunno kung judges sila).. Then pinaulit ulit ang “bituin..” waaahhh, I cant stand the pain.. sakit na ng ulo ko. Ulitin daw namin kase hindi nila navideo ng buo.. kinabahan na naman ako, kase I feel so tired, baka hindi ko na ma-hit ang last note.. bahala na, basta focus lang. It ended well. They say mas ok yun hit ko ng pangalawa, mas feel ko naman din yun second time. Usap-usap na naman, tatawagan daw nila kinabukasan ang lahat ng nag-audition na nakapasa. Sabi ng isang facilitator, we’ll definitely call you, wow, syempre medyo naging condifent na kami na pasok kami, and they give some pointers to improve..
Kinabukasan, ang saya ko pa bago pumasok. When I got to the office I’ve heard some bad news, nalungkot ako bigla.. Malungkot na ang buong araw, feeling ko kabikabila problema. Dumating ang gabi, wala akong narecive na txt from my brother(he’s the president of GPS) na congratulations, meaning walang nagtxt from PREX(pinag-auditionan) na nakapasok kami. Waaahh, I’m really sad, kala ko kahit papano magiging masaya ako at the end of the day, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak..
But still, I’m hoping na matatawagan kami, hindi ko alam kung bakit hindi kami tatawagan, we did our best.. (to be continued)
Tuesday, November 28, 2006
TAGay ni Ev
1. Flashing your smile to someone you don’t want to see.
`How can I do that??
2. Bringing back the feeling you’ve learned to forget.
`Huh! Masaklap yan..
3. Showing that you care.
Mahilig akong magpamper, kase gusto ko ring napapamper.. :)
4. Finding a way to mend a broken heart.
Madali lang yan.. Umiyak ka, matagal na ang isang linggo, magrereklamo na ang mga mata mo nun.. After you cried a river, aba, tama na ang pagmumukmok, enjoy life hindi lang sya ang tao sa paligid.. Go out with friends, magpakabusy.. You won’t notice, hindi mo na maalala ang number nya, na akala mo e, forever na sa utak mo..
5. Learning that you’ve been used by someone you truly love.
At least may pakinabang ka..hahahaha. tama si Ev, mas masakit yung ikaw ang nakakasakit… ayaw ko mangyari yon, hindi bale ng ako ang masaktan. There’s no easy way to break somebody’s heart.. (song yata ito)
6. saying "i love you” when you mean it and when you don’t
I don’t usually say “I love you”. I only say it when I really really really mean it.
7. Letting go of a person you’ve just learned to love.
`Why would I love someone if I’m going to let go??
8. Realizing that you love somebody you’ve just taken for granted.
awtsss… Malamang akala lang nya tinitake for granted ko sya.. hehehe
9. Realizing that you love the person you’ve just broken up with.
ang kulit naman nito.. how can you go into a relationship tapos kapag wala na dun mo lng marerealize na love mo pala?? Nyak! During the relationship ba hindi narealize na love mo pala sya?? Or maybe it’s trial and error..
10. Waiting for promises you know he/she will never keep.
Promises are made to be broken… I don’t believe in promises, just do it…
11. Loving someone who loves somebody else.
I’m using the net, kung nagbobounce ang puso, kontrolin ng net. Rule number 1, don’t fall if you know there’s no one to catch you. Aba, masakit ang mahulog, pag nahulog ka sa 4th floor at walang sumalo sa’yo, naku, ikamamatay mo.. buti kung mga 5meters lng ang kakahulugan mo, mapipilayan ka lang.. hehehehehe
12. Reminiscing the good times you shared together.
i love reminiscing… but I’m not reminiscing para pahirapan ang sarili…
13. Shielding your heart to love somebody.
I’m using the net nga e… you can always control what you feel, believe me…
14. Trying to hide what you really feel.
Naloloka na ako sa mga ito.. parehas lang ba ito ng number 13?? Magmumukha ka lang tanga… let go, enjoy the feeling, but be careful…know your boundaries..
15. Having a commitment w/ someone that you know would not last.
`why would I waste my time, if in the first place e alam kong hindi maglalast… wasting time lang yun.. If you feel something, na hindi talaga kayo, I’d rather stop it, I don’t wanna waste tym, and besides, mas masakit pag pinatagal pa.. I believe, na kapag dumating na talaga yun taong mamahalin mo at mamahalin ka, wala ka ng mararamdamang doubt.. It’s really amazing.
16. Trying to hide the tears that involuntarily fall from your eyes
Iyakin ako e… kase pag pinigil mo, malamang sa ilong naman tutulo.. mas mahirap un. hehehe.
17. Sharing the one you love w/ someone else.
yay, pang martir lang yan… binabaril ang martir sa luneta.
18. Loving a person too much.
Bakit nga ba?? When you love someone, hindi mo narerealize, nalulunod ka na pala.. Tapos nagiging blind ka na, lahat tingin mo tama kahit mali, dahil sa love.. hay
19. Giving up someone you never thought of giving up.
So sad. Kagive up give up siguro talaga un… how can you fight for someone, who’s not willing to fight for you..
20. Falling in love for the first time.
Nakakakilig, corny, magiging corny ka, promise..
21. Loving someone you haven’t seen.
huh! I don’t wanna love someone I haven’t seen.. baka madumi ang kuko sa paa, yay turn off.. bwahahahahahaha
22. Having the right love at the wrong time.
right love at the wrong time?? Baka parang blue moon ito..nyehehehe. Love is about timing, sabi ng prof ko nun college..
23. Exerting effort to make the relationship last or work.
a lot of effort, to the nth degree… but sometimes, it just don’t work, no matter how hard you try. I tried so hard and got so far but in the end it doesn’t really matter….
24. Not being appreciated when you know you've given your best
waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh.. I did my best, but I guess my best wasn’t good enough..
25. Taking the risk to fall in love again .
It’s a great feeling to fall in love again..
26. Hiding your relationship from someone else.
Hindi na ko high school.. ehehehe
27. Controlling your feelings to avoid hurting a friend.
kalokohan.
28. Choosing between 2 persons whom you really love.
May difference pa rin ang intensity ng love… no such thing as “parehas ko silang mahal”
29. Finding out that you can never have the person you just let go of back.
me kaparehas na ito e…
30. Seeing the person you love with someone else.
Who’s someone?? His sister? Or cousin? Hehehehehe.. I’ll go after him at uupakan ko sya, o kaya paghindi ko naabutan, puntahan ko bahay non, magdadala ako ng bato, babatuhin ko bahay nun, sabay harurot ng sasakyan.. nyahahahahahah.
If that’s the case, I’ll talk to him, I’ll let him explain, afterwards I’ll dump him.. nyehehehehe. Without trust, any relationship won’t work.
Ev, ayan ha…. Sinagutan ko na agad.. Sino kaya itatag ko??? hmmm, wag na nga lang.
Monday, November 27, 2006
somebody save me....
Thursday, November 23, 2006
I feel bitchy.... bitchy bitchy
Wala na nga maitulong, nag iingay pa, ginawang internet café ang office… At ng magalit na ako at napuno at lumabas ang pagkamaldita ko, ayan nananhimik silang lahat..
And aside from it, we have a big fight pa ng bestfriend ko, bitch talaga ako..hehehehe. pero hindi ko kasalanan yun..
Buti na lang I have a new hair… pero mukaha pa ring maldita..
Siguro ang pagiging maldita ko ay cause ng aking mothly period.. Pati pala si sir sinusungitan ko.. well, kahit walang period sinusungitan ko pa rin sya, ang kulit e…
Wednesday, November 15, 2006
Home Sweet Home
It’s been a while since I came home, more than 1year I guess. Nakakamiss din umuwi. I leave this house when I have to study here in manila for my college education.
Sa paglipas ng panahon, ang dami na ring nabago sa bahay na ito, it really proves that everything’s changes. Everything should fade. Napakaraming memories sa bahay na ito, na napakasarap balik balikan.
Hindi na ganyan ang view ng bahay namin ngayon, nagkaroon na ng bahay sa vacant lot sa left side, medyo natabunan yung side ng bahay namin. So, we need to change the location of the front door, 3 steps away na lang sya sa gate. Yung terrace na putol, extended na sya papuntang left side. Ang bubong na nasa baba ng aircon room, nagging concrete na sya, terrace din ang dating. At pagpasok mo sa gate, ang daming kung anu-anong halaman ang makikita mo.
Mahilig kase si nanay sa mga halaman, pati ako pinoforce na maghalaman, ngek! E hindi ko naman hilig ito. Ang tatay ko rin mahilig sa halaman, tinitrim nya lagi yun mga yellow tops sa harap ng bahay.
Nung bata pa ako, mahilig akong gumawa ng paper boat, tapos pag-umuulan lalaruin ko dun sa may kanal.. Magtatago pa ako kina tatay, kase pagagalitan nila ako, pag nakitang naglalaro sa kanal.
Yung room na may aircon, jan ako natutulog sa hapon nun bata pa ako katabi ko si tatay. (Pero wala pa fating aircon dyan). Kase hindi pwedeng hindi ako matutulog sa hapon, kaya binabantayan nya ako. Inggit na inggit ako sa mga kalaro ko kase naririnig ko na silang nagtatakbuhan sa kalye. Ang ginagawa ko, kunwari nakatulog na ko, guguluhin ko buhok ko tas lalagyan ko ng laway un pisngi ko, o db ang galing ng drama.. hahahaha. Ewan ko ba bakit gustong gusto ng mga batang maglaro sa katanghalian.
Madalas din kaming tumambay sa may terrace, wala pa dating bakal at semento yun, kaya medyo nakakatakot. Kaya patakas lang kami kung magpunta don. Ang masaklap, may sumbongera kaming kapitbahay, matandang babae, pag nakita kami don, pagdating nila tatay sa hapon magsusumbong na yun, “yung mga anak mo nagpupunta sa terrace”, e di papagalitan na kami, kase nga raw baka mahulog kami..
Sa likod bahay naman, yung nakikita nyong puno ng mangga, pinupuntirya namin yan pag summer. Ang dami kase ng bunga, kaya pag wala akong magawa, magbibitbit ako ng mga bato sa kwarto ko kasama ang pinsan ko, hahakot kami ng maraming bato, tas hahagisin namin ang mga mangga. Maganda dun, kase hindi makikita ng may ari ng mangga. Hahahahahaha.
Pero, ng mahuli kami ng lola ko, lagot. Galit na galit sa akin, masama daw yun. Pagnanakaw na daw ang tawag don, walanjo, nasintensyahan ang batang paslit. Kesyo hindi raw kami pinalaki ng ganon, matututo daw kaming magnakaw, naku napakahabang litanya. Kaya pag manghahagis ulit kami ng mangga, sinisigurado ko na hindi nya kami makikita. HAhahahaha.
Napakarami pang memories sa bahay na ito, sarap balikbalikan..
Saturday, November 11, 2006
Maldita but kind
But after awhile, I didn’t receive a reply from her.. “malamang busy” or wala lang dating yung txt ko. When I was on my way home, I receive a message from her saying, “raz miss na kita”. Whoaw, touch naman ako, pero parang may something sa message nya.. parang malungkot. Text text pa rin kami, hanggan sa sabi nya “Naiyak ako kase nalala kita”. What?? Para bang nakakalungkot mga moments naming together.. She texted again, “I missed the happy moments that we share”, so lalong lumakas ang hinala ko na there’s something wrong.. We exchanged messages, at yun may problema nga ang lola.
Before she replied to my text, I was in a state of digging, trying to find an answer, answer sa tanong na “Masyado na ba akong maldita sa mga nakakarami?
Why do I ask such question? Because people around me seems to hate me.
Check this out, one of my dear friend says I’m not kind… (her testi for me sa friendster)
Maybe people hates me because of those highlighted words, ako kase yung tipong nagsasabi ng reality… reality bites, kaya siguro ganon.. Ako yung tipong, always looking for the other side, mahilig akong magcounter flow, hindi basta basta sumasang ayon… ipinaglalaban kung ano yung alam kong tama.. Kaya marami ang nawawala sa tamang direksyon ang naaasar sa akin.. hehehehe.“can’t say she’s kind…she’s not…she won’t put cream on her words so it
will look delicious she’ll bluntly tell me what she needs to say… maybe just when it concerns me… maybe she’s kinder to others. But she cooks for me, when I need to be fed, haven’t eaten for a day (she says I might be anorexic!),
w/ herfresh off d kitchen food i.e.eggs, noodles & corned beef! She’s just a
phonecall away, when Charmie & I need food early in the morning, she’ll hike-up
4floors with a set of breakfast. She accompanies me anywhere I wishes. She has
ready cash when I run out of it during shopping, she’s ready to lend
me anything..name it! When she knows I’m sick, she’ll come with free samples
of medicine (maybe her brother obliged her). Alright! Maybe she’s kind!”
But, when I receive those txt messages from my friend, kahit pala papano, I’ve touch someone’s life.. yung pagnaisip ako e, hindi “maldita un e” ang papasok sa isip…kundi “ok yang si raz”. Ang sarap isipin how you touched someones life na hindi mo alam..
Well, I don’t want to please everybody, totoo lang talaga siguro ako.. hehehehe
Wednesday, November 8, 2006
Exam exam exam
Dalawang kategorya ang exam, may individual singing at may quartet.. Ang lupit no, 2years na naming ginagawa to, pero nakakakaba pa rin, nakakatuwa at nakakaasar pa minsan. Pero sobrang malupit ngayon, hightech na.. Pag mag-eexam ka, nakavideo ka pa.. astig. E di lalong madadagdagan ang pag-aagam agam mo, hindi lang tono ang iisipin mo pati ang itsura mo.. Ano ba naman kase naisipan ng conductor at kelangan pang i-video.. Siguro kase, rich kid ang GPS, hahahahaha..
Sa pamamaarang ito, aba talagang mapipilitan kang mag-aral ng tono, ayaw mo naman sigurong magmukhang abnormal at katawa tawa sa harap ng marami. Kaya ang bawat member kanya kanyang aral. Kahit nasa trabaho, nag-aaral pa rin. Nakakahiya naman kaseng hindi mag-aral no, kase may provided na ngang cd db.
Sa individual, susubukin kung gaano mo kaalam ang tono mo, wala ka nga namang kasabay kaya, pag hindi mo alam... huli ka. Mahirap din minsan, kase may tunog kang hinihanap, guide mo sa pick-up. Parang ang dali, pero marami parin ang windang.
At ang masaya ay ang quartet, apat kayong kakanta, kaya nga quartet.. Ang masaklap dito, kahit alam na alam mo ang tono pag ang ka jamming mo ay patanga tanga, ay naku patay na ang tonong pinaghirapan mong kabisaduhan na halos hindi ka na matulog. Dito naman i-tetest ang tatag mo. Kaya mo bang makasurvive??
Ang kelangan dito ay team work. Paano ka naman makakasurvive kung ang kasabay mo e, may lakad pa, yung tipong nagmamadali.. o kaya naman ay naghahanap ng kanyang sarili.. parang bang nawawala sya na hindi mo malaman, in other words nawala sa tono.. o kaya naman biglang sisigaw na parang naposses, o db kawindang windang un.. Bilib ako sa makakasurvive sa ganitong sitwasyon. Isang class S na super scian siguro yun.. Malas mo pag naranasan mo ang ganyan. KAse bunutan ang labanan dito. Hindi ka naman pwedeng mamili ng gusto mo ka quartet.
Pag nawindang ka, wala ka ng magagawa kundi ang magmukmok, yan e kung masyado mong kinareer ang exam. Kaya ang chance mo na lang e mag-ulit, pero kapag nag-ulit ka, magdasal ka na, na sana pagpalain ang mga nabunot mo..
Eto lang masasabi ko, hindi ko alam kung may class S nga, pero marami pa rin ang nakakasurvive kahit malulupit ang kaquartet mo.. magagaling rin naman kahit papaano ang GPS.. hahahahahaha. Ang hirap ng "Ave Maria" infairness... saludo ako sa mga nilalalng na nakasurvive sa awiting ito.. Bonus na siguro ang "papuri sa dyos" pero naman, pag walang sa wisyo ang kaquartet mo, hindi mo makakanta ng matino to at baka isumpa mo ang kaquartet mo :)
Nakalimutan ko sa quartet, dalawang boses ang ginigrade-dan.. kaya sa mga panabla, wag kayong mansabutahe... hehehehehe. Nung nagina panabla ako, hindi ko sinasadyang manabutahe.. nyahahahahahahahaha
Thursday, November 2, 2006
Busy days
Ano nga ba, part time engineer, part time singer at minsan part time bum... hehehehehe.
Sa pagiging part time engineer muna tayo. I’m working with a new established company, isang consulting and contracting company, (telecoms). Sa vendor kami nakikipagdeal like ericsson, eci atbp, then sila ang nagbebenta sa smart, globe and sun. So basically, contractor kami, we do installations and plannings. Para mag ka idea kayo, eto ang ginagawa ko kapag nasa field ayan ang pics. Taga hila ng lubid.. hehehehehe. Installation ng transmission (microwave), I also do commissioning and configuration ng mga radiong iniinstall. Nagsusurvey ng mga possible na tatayuan ng network..
Hatak pa.....
Transmission project
Kapag nasa ofis, heto naman ang ginagawa ko...
Planning and everything. Pagkatapos magsurvey, planning naman, kaso noong mga nakaraang araw, lahat yata trabaho ko. Kung baga sa bonaketch e all around. Assign ako sa planning, tipong mag-iisip ka kung anung tower gagamitin, microwave antenna size at kung anu-ano pa. Ang masaklap, gagawin ko rin ang malupit na tssr (technical survey summary report). Ay sus, nakakatoxic ito.
Sabay sabay lahat yun, biglang tatawag mga client, gawin mo to, design mo to (from transmiision design department), tapos maya maya tatawag ulit ang client, (from Installation engineering naman) "Asan na ang tssr??”. Tatawag client ulit from radio network design,.... aba naman, lahat ng department ng client sakop ko na.. sana lang hindi ako machine, tapos pagagalitan ka ng client kase ang tagal daw.. Kung pwede mo lang sabihin na “ako lang po ang gumagawa ng lahat…huhuhuhuhuh.” Ako lang kase yung gumagawa ng tssr, nakaleave kase yung isa kong boss, tapos isa rin lang gumagawa ng autocadd..
Pambihira talaga, kaya kapag nagring ang phone, waaaahhhh, mapapamura ka na lang. Ang masaklap nun, kapag ayaw kausapin ng boss ko, e di sa akin ipapasa, ako ang mararatrat.. nakakapraning talaga..
Minsan, inaabot na kami ng umaga dito, dahil sa commitment na kelangang ipasa.
Kaya ang pagiging part time singer ko affected. Heto naman ginagawa ko pag wala sa trabaho..
Hindi kami church choir lang, sabi ng musical director namin, meaning may ipagmamalaki. Malapit na naman ang December kaya hectic ang sked, sumasali kase kami sa mga big contests and aim naming magcompete sa ibang bansa, o db taas ng pangarap. (ang ibang detalye ay sa ibang post na hehehe).
At minsan, nagiging bum din, sakit sa ulo pag walang magawa.. kaya ganito na lang --> click
Thursday, October 26, 2006
Nagliliwaliw
What?! Oh dear..
Conservative party. :)
Medyo hindi conservative..
Walang kamuang-muang. Inosente po ako.
Ayoko ng matulog..
Naghahanda pa ako ng mga new post, gusto ko lang i-post ang mga pics ko.. hehehehehehe. ipaglaladlaran ko ulit ang pagmumukha ko.. (sasabihin na naman ni Tk, binabandera ko pagmumukaha ko.. Mana mana lang yan.. nyahahahahaha)
Unloaded
Sasamantalahin ko na ito habang walang nangungulit, back to blogging.. Kakamiss din ito, yung tipong may connection ka sa internet pero hindi mo magawang sumilip man lang sa bahay mo. Ang sarap ng feeling, pero hindi pa kami tapos, marami lang pending.. hehehehehehe.
Absent pa ang mga boss ngayon, kaya ako ang senior partner ngayon.. bwehehehehehe. Maaga ako makakauw, kahit late pasok, makakakain na rin ako ng tama, at higit sa lahat makakaharap na sa salamin para magsuklay.. parang roller coaster ang buhay ko nun mga nagdaan araw.. ikwekwento ko na lang ito sa susunod na post para marami akong post.. hehehehe..
Thursday, October 19, 2006
Friday, October 6, 2006
Six feet from the edge..........
Supposed to be, I’ll post something lighter..something happy.. Kase syempre I celebrated my birthday last week, pero next tym ko na ikwekwento yun. This time parang gusto kong mag-emote.. hehehe
I was convinced by my friend gerrycho to visit his blog site, pero bago nangyari yun, katakut-takot na pangungulit muna ang inabot ko sa kanya.. Yung tipong pag-online sya, wala syan ibang imemessage sa akin kundi ang site address nya.. Sus, lagi ko sinasabi, ano na namang kaartehan yan?
One time, I was really bored at the office, and I remembered his site blog. “hmm, matingnan nga”. Sundenly, I don’t know how to stop reading.. Akalin mo yun, si gerbs, napakaraming kadramahan sa buhay.. I thought ako lang ang maraming kadramahan sa buhay, hindi pala ako nag-iisa.
Sobrang nakakarelate ako sa kanya, sa lahat ng depression moment, sa career, everything. And I realized, wow, buti pa si gerbs, nailalabas nya ang lahat lahat ng kadramahan nya. Bigla akong naiingit, kase I never had courage to tell someone, kahit bestfriend ko pa, yung mga frustrations ko. Medyo mahirap, kase nakakalungkot.
So, na enganyo akong gumawa ng blog, basically to voice out my frustrations and everything that is bothering me..Ako kase yung tipo ng taong, medyo strong ang personality, parang walang problema, always energetic and happy, Ewan ko ba, basta ayokong nakikita ako ng iba na weak,… siguro that’s why I really have a hard time na ilabas ang mga frustration ko. Growing up with a family that has a high expectations, good family background, aba nakakatakot magkamali at mabigo..
(nyah! Nagbrownout…. Yoko na ulitin ang mga natype ko.. haba nun.. huhuhuh, saka na nga ako mag-eemot, yoko ng ganitong feeling, nilalamon ako ng kalungkutan)
Nalulungkot talaga ako………..
Saturday, September 23, 2006
Not again..
Punta don punta rito, wala pa naman akong matinong tulog. Pagkabalik sa bahay ng alas otso ng umaga, aba ang kaibigan ko noon pa lang titinbang timbangin ang mga dadalhin. Susme, inabot kami ng isang oras at kalahati kakatimbang, baka kase mag-excess. Ewan ko ba kung bakit hindi pa kagabi ginawa.
Alas nwebe y medya, ng umalis kami ng bahay, at kelangan nasa makati kami ng 10am for the ticket. Ngak, goodluck sa akin.. Ayan at pinagpapawisan na ako, dahil sa pressure na malate kami sa 10am, ayan pa ang traffic. Ok na sana kung traffic lang, pare parehas pa kaming geographically idiot.
Ay sus, hayan ang mapa, pakitingin na lang kung saan ang thai airways. Ang matindi hindi pa marunong magbasa ng map si mia, ay sus talaga. Ako, alam ko pagnasa ayala na, kaso hindi ko kabisado ang mga one way na daan. Delikado, mahigpit pa naman sa makati..
Eventually, napagtanto namin kung saan dadaan, unang disgrasya, dahil sa patingin tingin ako sa mga landmarks, baka kase makalampas kami, hindi na ko nakafocus sa pagddrive, biglang BLAG!!!, ooooooooopppss, ano yun?? Darn, may taong nagbukas ng pinto ng sasakyan na nasagi ko, pero parang walang nangyari, diretcho lang ako, kala ko nasagi lang ang kamay. Sa wakas nakarating din kami sa patutunguhan, pagkatapos kong magpark, tiningnan ko ang passenger side, nak ng teteng, may gasgas si esme.
Nakakaasar talaga. Lalo akong pinagpawisan, malalagot ako sa kuya ko. Habang, kumukuha ng ticket si mia, pinag-aral na namin ni ate yvel ang map at kung saan kami daan, papuntang airport. Ayan, makati ave, then edsa na lang.
Ok, makati ave, pero san na tayo? Kaliwa, kanan? One way yata? Kelangan sa kabilang lane, ok… Sige, hanap na lang tayo ng U-turn.. sige, kaliwa ka jan?? broooommm,, ooops, orange na ang stop light, no choice na ako, kung hindi ang ideretso, kase mabilis ang takbo ko, hihinto lang sa gitna.
Pagkalampas ko, ayan na ang mga nakayellow, kumakaway.. pakers talaga.. Darn! Pagminamalas ka nga naman. “hija, red na, ah” nak ng pating, anung gusto nyang gawin ko, tumigil sa gitna? Pucha talaga.. Ayan, walang nagawa ang beauty naming tatlo, kinuha ang lisensya ko.. kung kelan nagmamadali, dun naman, napakaraming abirya.
Bumaba ang mia, mayamaya bumalik sya sa sasakyan, pumasok… nagmamakaawa na kami, reckless driving daw un at kung tutubusin mo sa LTO, may fine na 2thou.. Leche talaga, ayan na negotiation na, “ano po ba ang gagawin natin?” Si mia, naglabas ng isang daan.. Hindi daw pede yun, aba maya maya pinaclose na ang windo, nga naman, baka may makakitang nangongotong sya, aba ang gusto pala limang daan.. Damn it talaga, ang kakapal ng mukha… hindi ko maatim na tingnan sya habang inaabot ang limang daan..
Kakalungkot talaga, hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayaring yun. Hindi na nga ako nakapag-emote dahil aalis ang isa sa pinakaclose kong kaibigan, dahil sa mga mokong nay un. Kasumpa sumpa ang mga nakayellow na uniporme sa makati…
Wednesday, September 20, 2006
CHANGES....
"Razzrazz, gandang monday morning! ano palit ka narin ng template? tara na! heheh"
Syempre nagulat ako, aba may nakaisip na palitan ang template ko. Actually matagal ko ng balak palitan ito, pero wala akong source at time. Tapos nakita ko pa un kay Rho, bago na ang bahay, sabi ko mapapalitan ko rin ito.
Shy pa ako kay TK, baka kase marami syang ginagawa, finally nag-offer sya na tutulungan nya ako.. Huwaaaaww, bait talaga.. Since wala pa akong ginagawa, sinamantala ko ang pagkakataong walang inuutos ang boss ko..hahahaha..
Pilipili ng mga template na binigay ni tk, e ako ang taong masyadong mapili, kaya nagtagal pa. Sa wakas may nakita na akong ok.. Excited na ako, yehey, chat chat kami ni tk for some instructions.. Maya-maya, sabi nya:
"Gusto mo bigay mo na lang account mo?"
Ang bait talaga ni TK. Grabe na to... Yehey.. Actually nahihiya ako, kaya ayaw ko muna bigay, baka kase kalabisan na ito..
Kaso, biglang "Raz, punta tayong laguna", nananahimik ang mundo ko sa pagbblog, biglang inutusan ako.. Kala nga nila abalang abala ako sa work, yun pala nageedit lang ng template.. hahahaha.
Kahit kalabisan na ito, hinayaan ko na si TK na gawin ang aking bahay..
Pauwi na ko from laguna, naisip ko ano na kayang itsura ng blog ko?? Super excited naman ako, pagdating na pagdating ko sa house, kahit gutom na gutom na ako, wala akong pakialam, connect to the internet... Charannnn, bago na ang bahay ko... (dancing with glee).. Sa wakas nabago din..
Kung hindi dahil kay TK, naku, hindi mababago yan.. Kaya, THANKS TUTUBI......!!!! I owe you one.
Thursday, September 14, 2006
Padagdag na lang po…
Ate yvel and I watched movie at SM sta. mesa to unwind, hindi naming namalayan lakas na pala ng ulan sa labas. Kaya ng oras na ng pag-uwi, dahil sa umuulan, naisip na naming magtaxi. Aba, sandamakmak na tao ang nakita namin sa harap ng SM, mga nakaupo at tila ba naghihintay sa kawalan. Mayron namang ginawa ng luneta ang main entrance.. Dahil na rin siguro sa walang masakyan, kaya kung anu-anong ginagawa para hindi mainip.
Lipat naman kami ng paghihintayan, labas pasok kami ng mall para matingnan kung saan ba mas madaling sumakay. Ayan at natigil kami sa side ng mall, sa hintayan ng taxi.
Para hindi mainip, inumpisahan ko ng buksan ang M&M na binili namin sa grocery kanina.. Aba, malapit ng maubos wala pa ring taxi, pero unti-unti na ring nawawala ang mga tao. May mga kanya kanyang sundo na.
Mukhang aabutin kami ng pagsikat ng araw kung maghihintay kami don, kaya box out ang labanan.. takbo rito takbo roon, sa wakas nakasakay kami ng taxi.
Unang banat ng taxi driver “padagdag na lang po, kase baha”.. Sabi naman ng friend ko “Manong walang baha sa daraanan natin” tuturo ko ang daan.. Walang nagawa ang manong kundi ang sumunod na lang.. Hindi nagtagal, baha na nga. Ikot kami, balik sa dating lugar…
Si manong nagkakamot na ng ulo, at maya”t maya ang reklamo. Ako nagpipigil lang, dahil naiinis na ako kay manong dahil sa mga himutok nya. Maya maya, ayan na ang traffic, as in hindi na halos kumikilos ang mga sasakyan. Galit na ang manong.. Ikot na naman kami.
May nadaanan kami baha, siguro hanggang sakong, kung tutuusin nasa baha na sya at binabaybay ang baha, mga 2metro na lang at mababaw na (kabisado ko ang kalye) aba, bigla ba namang niliko at hindi raw kakayanin.. Nampucha naman o, e yung dinaanan nya same level dun sa dadaanan nya papuntang bahay.. How stupid. Si raz nagpapakabuti na, kaya pinili kong manahimik.
Ok, diretso na kami sa bahay ng friend ko, wala ng choice, natawa na lang ako, kase sa loob ng subdivision, may baha… wala ng magawa ang manong driver.. hahahahahaha. Walanjo, ang bill namin sa taxi 120.00 pucha, SM sta. mesa lang yun hanggang sa may Lourdes hospital..
Mga taxi driver nga naman, kung ayaw nila ng traffic at baha, bat pa kase bumabyahe ng umuulan? Tapos, maaasar sila. Nakakatoxic yung ganon ah, sa lahat ng ayaw ko yun maiinitin ang ulo sa traffic.. E di wag ka na lang magtrabaho kung ganon din lang. Dami dami pang reklamo, padagdag ng padagdag, kaya nga may metro. Yung iba naman pag di mo alam ang lugar, sasamantalahin na. Pagkakataon na ito. Marami talaga rin ang mapagsamantala, kaya walang kaunlaran.
Thursday, September 7, 2006
My baby chloe girl
(First time at home)
This is my baby chloe girl. She’s a gift from my bro, when I passed the board exam. Haha, kala ko dati joke lang nya un, kase alanganin mag-alaga sa bahay, maliit kase ang space, at malamang na mag-aagaist sila nanay at tatay..
Nung baby pa sya, sobrang kulit nya, as in, masasapak mo na minsan sa kakulitan. Sabi nila nagmana sa nag-aalaga hahaha..
Nun maliit pa sya (maliit pa rin naman sya ngayon) naiibyahe ko pa sya, nasasama sa bahay ng kaibigan ko na may aso din, parang bata, nagsusuka sa byahe, parang nanay naman ako na sinasapinan ko ng towel ang bibig..hahahaha
She’s so malambing, laging nakadikit.. napaka expressive ng mukha. She has her own ways to communicate. She knows how to sit, down, shakehands, stay.. at pagpinapakain, kelangan marinig muna nya ang “eat na” bago nya lapitan ang kainan nya. Minsan nakakalimutan ko sabihing “eat na” aba, kaya pala nag iiyak sa tabi ko habang may kausap ako sa Phone kase gutom na sya, at hinihintay na lang nya ang mahiwagang “eat na”.
She understand “ligo”, once na sinabi mo sa kanya yon at may dala kang towel, naku magtatago na un sa ilalim ng lamesa, pagbubuhatin mo, ibibigat nya un katawan nya, na parang gusting sabihing, “ayoko please”. Mabait naman syang paliguan, nakastay lang.
Napalitan yung dati namin kasama sa bahay, so un pumalit di pa kilala masyado ni chloe, kung baga hindi pa sila close. Un dati kase, pag di ko napapaliguan si chloe, sya nagpapaligo.. Nung inutusan ko si badet na paliguan si chloe, naku inaway si badet.. As in, chloe barked at badet, na parang sinasabi, ‘wag mo ko hawaka’. Which is unusual with her, hindi naman kase nangangagat si chloe, as in super bait. Nagkataon lang siguro na big deal sa kanya ang pagliligo, at sa amin lang sya nagpapaligo, kase alam nyang wala syang magagawa..
Pero ngayon close na sila, pumapayag na si chloe, isa lang naman weakness ni chloe, biscuits… Wag lang nyang bibiglain, at wag nyang sasabihing “ligo na” dahil magagalit na naman yun.
Alam din nya, pag sinabing “let’s go”, “labas tayo” pag narinig na nya yan, para syang turumpong ikot ng ikot sa binti mo.. Kase makakalabas sya ng bahay, excited kase lumabas yan, kase minsan lang mailabas.. Napakaobservant din, minsan niloloko ko lang, tapos di ko na papansinin, pag nagpalit na ko ng tsinelas, aba matutuwa un, kala nya lalabas na kami. Kase pala everytime na lalabas kami, nagpapalit ako ng tsinelas..
Kung gusto mo syang tanungin kung gutom na, ask mo lang “gutom ka na?” magwawag yung tail nya, mas excited, meaning gutom na gutom na. Pagmedyo excited lang, medyo gutom lang.. hehehe
I love this dog sooooooooo much.. Miss na miss ko nga to pag nag a-out of town ako..
Nung galing akong Davao, sinama ni kuya nel sa pagsundo, aba para kaming 10years na di nagkita, malayo pa daw ako, at nakikita pa lang inside the car, e nagtatatalon na.. Pag may sumasalubong sayo ng ganon, nakakawala ng pagod at stress..
Monday, August 28, 2006
Happy Birthday bestfriend..
Every time I read Ruth’s entry bout her friendship with pb, naaalala ko ang friendship namin ni buds..
We call each other “buds” short for buddy. Sabi ng isa kong friend buds daw kase bad girls kami.. of course that’s not true, mga good girls kami. Hehehe. We’ve know each other for 3years, pero kahit ganon short yun span ng pagkakakilala naming, naituring na naming matalik na kaibigan ang bawat isa.
I still remember nun nag offer sya ng friendship sa akin, she wanted me to be her bestfriend.. Ako naman syempre nagulat, why on earth would she choose me to be her bestfriend e sa pagkakaalam ko may bestfriend na sya. I don’t really believe I could have a bestfriend. Not because, salbahe ako at walang magkakagustong maging bestfriend ako, actually maraming nag offer sa akin ng ganon friendship.. but I refuse to. Masyado kase malalim sa aking ang bestfriend, masyadong ideal.. On my mind, walang magfifit doon. But I have close friends, super close, pero I never treated anyone as my bestfriend., until “buds” came.
Naghesitate ako nun una, kase nga baka sa una lang yan.. sa una lang totoo, pero pag tumagal mawawala rin. That’s why I don’t wanna have it, kase everytime na ready na akong magkaroon ng bestfriend, bigla namamg nawawala. Pang sandalian lang ba. Gusto ko lifetime..
Selfish din ako, when it comes to bestfriend, pagsinabi mong “bestfriend mo ako”, that means ako lang.. Wala ka ng ibang bestfriend, kaya nga BEST db..
Then it started, we started from tears, would you believe that?? because the expectations took place. Napakaselosa ni buds, dati napakaprotective nya sa akin. She hated those people who are my friends na sa tingin nya ay bad influence sa akin.. Bigla na lang nya akong di kakausapin, and I don’t get it.. Naiinis ako, kase gusto nya lahat ng attention ko nasa kanya.. We always argue.. but eventually magkakasundo din.. We always laugh together, we laugh to things that only the two of us understood. We cry together, sa panahon ng problema, kami lang nagbobolahan para mabawasan ang pait na nararamdaman. We’re always together, kahit nga hindi mo sabihing magbestfriend kami, people would know.
As days goes by, nagkabaligtad na. Ako naman un feeling ko taken for granted ako. Dumating sa point na, I want to withdraw everything. Para bang ayoko na syang maging bestfriend kase sobrang nasasaktan na ako.. Hindi ko na sya maramdaman. Hindi nya ako maintindihan at ako rin hindi ko na sya maintindihan..
I tried to back off, hinayaan ko sya, pero I wasn’t happy at all. Napakarami kong tampo sa kanya, but I choose to understand her and love her more. Less na expectations ko sa kanya. Kase mas masakit pala pag sobra ang expectations. Sometimes na ooverlooked natin un binibigay ng isang tao, bec of our expectations.
Now, I’m able to handle it.. Mas pinipilit kong unawain.. Minsan lang akong magturing ng bestfriend, that’s why kahit madalas akong masaktan, hindi ko binibitiwan. Ganon akong magmahal ng bestfriend.
3rd times na syang nagbibirthday na kasama ako, and I’m thankful sa lahat ng memories na meron kami.. ang sarap balik balikan.. kaya may surprise bonding time ako sa kanya tom.. sana naman walang abirya. Ititreat ko sya sa spa salon.. hehehehe.
Ang haba nap ala nito… hehehehe
Tuesday, August 22, 2006
balooooottttttttttt
Habang nakatambay sa garahe, at naghihintay ng iba pang mga kasamahan para magcelebrate, dahil may bagong member na naman ang GPS, hayan biglang dumating si manong magbabalot..
Ayan na naman, natatakam na naman ako at hindi ko mapigilan.. Dahil wala akong pera kahit singko sa bulsa, kaya ang kaibigan ko ay hinablot ko at nagpalibre ng isang balot..
Ewan ko ba kung bakit naging paborito ko na ang balot, ang sarap kase nito, lalo na ang sisiw.. Habang binabalatan ko ito, unti-unting tumutulo ang sabaw nito sa kamay ko, at patuloy na nananalaytay sa braso ko papuntang siko. Agad agad ko naman itong hinigop.. srlrrpppppp.. yum yum.. may kasama pa itong masarap na suka.. hindi na magkamayaw ang bibig ko sa pag higop..
Inuna kong kainin ang kulay dilaw na parte, sarap.... at ang sumunod ay ang sisiw, sisiw na nilunod ko sa suka bago ko isubo.. swabe ang sarap..
Hindi pa ako nakuntento sa isa, para bang hinahanap pa ng bibig ko ang masaap na lasa.. ang sabaw na mainit init pa... na enganyo na ring kumain ang mga kaibigan ko.. hanggang sa namalayan ko, nakakatatlo na pala ako...
Gusto ko ng ipagtabuyan si manong dahil hindi ko mapigilang kumain, wala na rin akong pera. Hihirit pa sana ako ng isa, buti na lang naubos na ang tinda ni manong... Matapos ang trenta minutos, parang nag-iiba ang pakiramdam ko.. nahihilo akong hindi ko mawari.. epekto yata ito ng balot...
Monday, August 21, 2006
blog blog blog...........
Nakabili na ako ng bagong monitor... un dati kase e bigla na lang pumutok... Kaya eto balik sa pagiging adik.. insonmiac na naman ako. Ewan ko ba, sa tuwing matutulog na ako, pagnapatingin ako sa computer, ayan na po... kahit antok na antok na ko, bubuksan ko pc, sasabihin sa sariling sandali lang ako.. sisilip lang sa blog. waahhhhh, namamalayan ko na lang 3am na.. ooopppss may pasok pa kinabukasan.
Actually, pagbalik ko galing cebu, bumili na ko ng monitor.. hindi ko na matiis na walang computer, na hindi ako makapag internet bago matulog.. Sarap ng bagong monitor, mas malaki kesa sa dati....
Tuesday, August 15, 2006
Wacha!!
Got it! Si Ev taga davao, I’m really hoping that she’s staying at davao.. So I just leave my contact number sa shoutbox nya.. Kala ko nga hindi nya papansinin, kase impression ko sa kanya sa blog, e suplada.. (ahehehehe kase laging busy). But but but, after two hours, nagtxt sya sa akin.. ayan na.. Meet meet na. Nasa SM na ko gusto pa akong papuntahin sa Gaisano, e di nga ako marunong mag commute dun, unless nakataxi.. Pero gusto kong sumakay ng jeep, cute kase ng salita nila pag napapapara.. ganito, pag sasabihin mong “sa tabi lang po” sa bisaya “lugar lang” with malambing na tono.. nakakaaliw.. “gar lang” for short. Nun una akala ko ang “gar lang” ay isang place..hehehe
Finally nagkita rin kami, jolly pala si Ev, kala ko mukang seryosong tao..
Dahil nag lilibot pa kami ng mga sites.. ayon, napasama tuloy sila.. (w/ her friend sheng).
Sabi ko naman sa kanya pasyal nya ako, gimik sana kami sa MTS, kaya lang busy pa kami.. hanggang sa busy sya, ako naman hindi.. hay, hindi nagconnect ang sked namin.. in short, hindi nya ako ipinasyal.. waaaaahhh. Kaya mga kapatid, pasked kayo kay Ev pag pupunta ng Davao ha. (lav yah Ev!) ayan tuloy, last minute nagpapapicture sa car park..
Parehas pa kaming nakapink.. Nagulat un may ari ng shop sa likod dahil sa flash.. hahahaha.
Halina't maupo sa kalye...
Monday, August 14, 2006
First day..
Pagkatapos ng isang site, tnagtxt sa akin sina yeye, san na daw ako, sabi ko on the way to piltel lanang.. yeye: sige, puntahan ka naming.. nagulat ako, bat sila pupunta e hindi nga sila pedeng Makita na kasama ko.. (hindi sila pedeng makita, kase hindi pedeng malaman ng client na pinasubcon sa amin ang proj na ito, dahil may history sila, ako ay kunyaring taga ibang contractor) ayan medyo magulo ang set-up namin. Basta ganon.
Hay buti na lang dumating at tinulungan nila ako, para bang may superman na tumulong sa akin.. naawa na rin nga un F.O., kase bakit ako lang mag-isa ang tatrabaho.. ayun ang drama kuyaring friends kami ni yeye, sabi ko nga sabihin na lang nating BF kita, para walang tanung tanong.. ahehehehe
Lunch time na…. Aba, seryoso talaga silang pakainin ako ng hinalang na kalabaw.. Kase hinalang na kalabaw na naman pinakain nila sa akin, and un tapa na kalabaw.. hmmm, sarp un tapa..
At hindi pa sila nakuntento, pati dinner ko, hinalang na naman……… oh no… wala bang ibang pagkain sa davao??? (to be continued)
Saturday, July 29, 2006
Bulkachong, hinalang, non air atbp
Halos hindi na nahintay ng mga mata ko ang tunog ng alarm clock ko, kusa itong nagmulat at nabuhay ang diwa ko.. alas tres na ng umaga, in 30min kelangang makaalis na ako.. habang natutulog pa ang kuya kong, maghahatid sa akin sa airport, tumayo na ako para maligo.. exited na ako, na kinakabahan na ewan..
Ayan na ang oras ng pag-alis: tanong naman ako sa kuya ko kung anong ggawin sa loob ng airport, kung saan pupunta, you know.. things that I should know.. huh! Baka magpashonga shonga ako dun, kakahiya.. sabi ng kuya ko, basta sundan mo lng ang mga tao, magtanong ka kung di mo alam..
Habang nakapili, nagmamasid na ako sa mga tao kung anong ginagawa nila. Magaling naman akong magpretend, kunyaring sanay na ko.. patingin tingin, Buti na lng un babae sa harapan ko e sa davao din ang punta.. yes! Ok na to, sa loob loob ko.. kung saan sya nagpunta, pumunta din ako.. Kaya kahit yung bag ko na pedeng hindi na I-baggage, e na baggage rin, (dun kase nagpunta un babae e) Go with the flow pa rin ako, finally nakarating naman ako sa seat ko.. sayang, wala ako sa tapat ng bintana.. di ko makikita masyado ang view sa ibaba.. hay.
After 1 ½ hour, nasa davao na ko.. ang layo ko na sa manila. Good thing is may team naman kami sa davao, hindi nga lang nila ako maaassist sa job, kase may iba silang project.
Huwaw, ibang place na to, nakakatuwa talaga.. kakaexcite. Parang gusto kong tumambling..
Una kong natuklasan sa davao, ang mga taxing non-air kung tawagin.. Ito ang mga taxi na walang aircon, 26 pesos plus 1 peso kada patak ng metro.. San ka pa ang mura diba.. Unlike manila, kahit aircon, pakiramdam mo walang aircon.. Buti naman, mura ang taxi sa Davao..
Dahil hindi pa ako nagbbreakfast, dumaan muna kami sa isang kainan, Bulkachong ang tawag sa restaurant na ito.. Nagseserve sila ng “kalabaw”. Nu kayang lasa nun..? Di pa ko nakatikim ng kalabaw.. Sabi nila, kelangang matikman ko daw yun. So kahit hindi ako kumakain ng may sabay tuwing breakfast, napilitan ako.. Ang pagkaing bulkachong ay parang bulalo, maraming sabaw, at gumuguhit ang anghang sa lalamunan, paghinigop.. halos tumulo ang sipon ko sa anghang. Tinatawag din itong hinalang. Masarap naman.. ok ang lasa, mahilig naman ako sa maanghang.. (to be continued)
Thursday, July 27, 2006
Here`s your ticket....
Kase naman nun malaman ko na ako lng pala mag-isa ang pupunta don, aba nanghina ako, hindi kaya ng powers ko un.. new job, new environment… what`s new.. waaahh..
Sa kabila ng pagkabusy ko sa, testing na ginagawa naming sa paranaque MSC, ang isip ko ay abala rin sa panalangin na sana ay hindi ako matuloy at iba na lamang ang ipadala nila, gusto ko na ngang ilabas ang novena booklet ko, pero sa isang saglit lang, nagring ang telepono ng isa ko pang boss.. Matapos nyang makipag-usap ay nakangiting syang nakatingin sa akin, para sabihin may ticket ka na to davao, daan ka muna office para kunin.. gusto ko sanang maglaho na lang bigla, bakit hindi dininig ang panalangin ko, nangingilid na ang luha ko sa mata, pilit kong itinatago.. Kunyaring exited pero sa kabila nito napapamura na ako sa malas.. malas talaga.. Big job for a beginner.
Nagmamadali akong nagtungo sa opisina para kunin ang ticket at syempre ang orientation.. Wala na akong magagawa kaya, sige na nga.. Davao here I come.. Konting orientation sa office kung anong mga gagawin, gate pass for some sites.. Hay kakapagod, 8pm na, I`m still at makati, para sa mga ilang bagay na kakailanganin ko sa survey.. Ang flight ko ay 5am in the morning.. Wala pa akong nakaprepare na gamit.. Halos hindi na ako nakatulog, nagshift ang mode ko, naging excited.. First time ko ba namang sasakay sa airplane, tapos ako lang mag-isa.. “first time mo?” First time ko lahat…….. (to be continued)
Saturday, July 22, 2006
What really matters…
Hay, medyo malungkot na topic to, next time ko na lang ilalahad.. adventures ko muna sa davao.. bwehehehehehehe
I’ve no choice, but to go…
Nakakaexhaust na, nakakapagod… lahat na ginawa naming para maisolate ang problema, pero wala pa rin… Eventually, after a long sleepless nights, nakakita rin ng liwanag… Frequency assignment pala problema, pati transmit power.. nakakaloka ang project na ito. Paroon at parito kami, from one site to another. Kung akyatin ng mga riggers ang tower, parang isang palapag na lang ito ng building. Kahit umuulan pakiramdam naming, mainit pa rin.. wala na kaming maramdaman, ang tanging nais naming ay mapagana ito, whatever it takes..
Pero bago masolusyunan ang problema, one of my bosses talked to me about the new project.. that is site survey, at DAVAO… what??!! DAVAO??!! Hesitant talaga ako, pero marami naman kami, kaya ok lang.. then when we’re settling it, aba biglang ako lang ang magpupunta, dahil isa lang daw ang gusto ng smart.. At ako ang pinapapunta nila.. Darn, ayoko nga.. I’m new with that work, tapos pag-iisahin nila ako.. wahhhh, mangiyakngiyak na ako. I don’t wanna go, really..i’m new with the work, new with the place…
Pero wala naman akong magawa, inorient nila ako ng 30min, imagine 30minutes lang… I tried to convince one of them pero walang effect.. Kaya ko daw un.. wahh there’s a lot of things running on my head that time.. Pag umalis na ako it would be the start of the journey.. and the end of the other journey.. nakakalungkot isipin.. bahala na…
Saturday, July 1, 2006
I'm back for awhile
Sa pag-kawala ko, nagbago din configuration ng time ko at buhay. Sa umaga gigising ng maaga para pumasok, uuwi ng gabi, kakain, kwentuhan with the team at tulog na.. ganon ulit kinabukasan.. Unlike before, no responsibility at all. ngayon kahit ayaw mo, hindi pwede..
Nagulat ang lahat pagbalik ko, hindi na yata nila mapigurahan kung sino ako.. nagtransform daw ako.. to make it clear naging nognog ako, as in super itim, sunog ang balat.. kung dati rati ay sa opisina lang ako, at puro pag bblog ang ginagawa, at hindi naarawan, kabaligtaran ngayon.. but i enjoy it a lot, full of adventure..
Dumaan ako sa bahay na ito para madalaw din ang lahat... Sa susunod na lang ang iba pang kwento, at mga pics na rin.. kamusta na kaya kayo?? Dalaw muna ako sa inyo...
Monday, June 19, 2006
have a break.............
Naku, hindi ako makakapag-update sa ngayon.. I'll be gone for 2 weeks I guess... Hindi na ako nakapagpost ng dapat ay ipopost ko, dahil hindi ko natapos (bout my father sana)... Fully book ako ngayon para sa serbisyo publiko, hehehehe.. Ngayon lang ako nagkaroon ng time para buksan ang pc...
Mag uupdate ako as soon as i get back.. mamimiss ko ngayong lahat..
Sunday, June 11, 2006
Break up letter
When we first met I had doubts if you were serious with me, especially when I received a letter from someone warning me about you. But when you courted me, I got to know you. Each time the phone rang I always prayed that it would be you, it felt so good knowing that you’re calling. Your voice really soothed me. I never knew when and how it started it just happened. I realized then that I was falling in love with you. And I suddenly don’t know how to stop. I never expected that it is possible for me to love someone as deeply as I loved you.
When we started our relationship, I told you “I’ll take the risk and be prepared for the pain and struggle that will come our way.” And they did come our way, they came in different packages, some little pains and some big hurts. I can say we were able to struggle together and conquer though not all of them. What we often ignored was the way it left scars in the relationship and our lack of interest to repair it. I used we and our, because I know that building and holding on a relationship should always be a double effort….. by YOU and ME. But at any given point, I never saw that in you…
My most recent pain was the last time you didn’t talk to me for almost a moth. It came as a bomb to me when I was finally able to reach your friend and she made it appear to me that you wanted out from our relationship without you telling me firsthand. But you see.. I didn’t give up then. I even sought the help of my friend Mia to reach you for us to work it all out. You never knew how devastated I was then. When we finally saw each other…we never talked about how I felt about it, neither yours. You even made me feel that what you did was just a justification of my actions because I’d been a naughty girl…because I did not listen to you. I tried to tell you how I felt but you weren’t interested to know. I was waiting for you to tell me about what you have said to Mia but you didn’t. I was so much prepared to listen.
We both pretended everything was all right. But it wasn’t Proof is what happened thereafter…until now. We never gained back the kind of communication we used to have. The kind of respect we had for each other. You might be unaware of it (I’m not really sure ‘bout that) but you completely shut me off. You abandoned me beyond my wildest imagination. I felt like a rugdoll left in a corner completely forgotten. I kept on wondering if I still have somebody to care for me, hold me…and love me. And my big question until now is DO I?
I realized in the end that what’s happening to me is so unfair…and that I don’t deserve this. Nobody does as a matter of fact. Not even my Yaya. And I think it’s unfair for both of us…clinging to a non-existent relationship. In my dreams perhaps.
I may still have so much love to give for you, Oscar. But it seems that you don’t want me to. I can’t say that we need space from each other. Right now the gap we have stretch all through the Great Wall of China.
But please do believe me that I don’t feel pissed about you. I'm fine now. I don't know how I survived it. Maybe I just know that I have to. Maybe you prepared me all through the course of our almost two year relationship. Or maybe i had to understand that we're not just meant to be... maybe not for now. Because I know that if I'm going to meet another Oscar in the near future i will still be falling inlove with that Oscar because you're worth falling for. You're even worth the pains accompanying it. I don't regret all the hurt I felt in the past, at least I had you. Having you was enough consolation for me.
I can't ignore the fact that you made me feel cared for, protected, and loved. The duration of our friendship was not all sorrows....a lot of times you made me happy. In fact, if i'm going to look back and reminisce the past all i'm going to remember about you, are the good things you made me feel and those are not just a handful. Those were accumulated in boxes that can fill my whole room: the times when you would lay me down on your lap because I'm to tired from school, your gentle strokes on my hair to help me nap, the times we talked on the phone for hours no end, the times you get mad at me because I didn't have lunch.
I'll miss all those things... I'll never regret that I met you... got to know you... your dreams, ambitions, your deepest aspirations. I'm thankful that you were there with me when i was depressed, troubled, tired and of course, when I was happy.
I will forever be thankful that I had you and that I fell in love with...
...because you're a wonderful person...and you will always be for me. You deserve all the happiness in the world.
And more than anything else... I'll be here....for you... for always
Wednesday, June 7, 2006
TAGay ni misty
Instructions: Remove the blog in the top spot from the following list and bump everyone up one place. Then add your blog to the bottom slot, like so.
1. In My Pocket
2. Experimental ni Jong
3. Masterbetong's on-going journey
4. Mistyjoy’s Blog
5. Anything goes
Next, select five people to tag:
1. TK (una ka dito)
2. Gerrycho (paramdam ka naman)
3. Ruth (buy ka na ng card)
4. Kukote
5. Ev
And now the questions…
* What were you doing 10 years ago?
nagpapakadalubhasa sa pag guhit…
* What were you doing 1 year ago?
Work work work. Magpuyat.
* Five snacks you enjoy:
1. Lumpiang gulay with masarap na suka
2. yakisoba
3. French fries and float
4. hamburgoo
5. al pesto w/ garlic bread
* Five songs to which you know all the lyrics:
I’m not good with lyrics… but I know a lot of songs.. Kahit nga yun kinakanta namin sa choir, nakakalimutan ko pa.. One time, concert na namin, nagkakabisado pa ako ng lyrics..
* Five things you would do if you were a millionaire:
1. Magbayad ng utang
2. Magtayo ng sariling company.
3. Buy my own car
4. Have my teeth fixed bridge
5. Ibigay ang pinansyal na pangangailangan ng pamilya..
* Five bad habits
1. Procrastination
2. MAgpuyat
3. Magastos
4. late
5. mainitin ang ulo
* Five things you like doing:
1. road trip
2. badminton
3. buy slippers
4. ang tumitig sa pc
5. sing
* Five things you would never wear again:
1. Tsinelas na nakaapak ng poopoo
2. rubber shoes ko na sinuot ng iba
3. shirt na maraming kaparehas
4. make-up sa mata na kulay blue
5. mahabang hikaw
* Five favorite toys:
1. RC (battery operated lang)
2. scrabble
3. yonex racquet
4. remote
5. PC
Ngek, tapos na pala, parang gusto ko pa mag-isip…
Tuesday, May 30, 2006
For my bestfriend
It is as if you’re in a brink and you’re about to fall
No one was there to rescue you
Your body is falling
And you can do nothing about it
As u fall on the precipice
Wounds, cuts, lesion and bruises are getting in to your body
When you reached the bottom
You were paralyzed, can’t budge your body
Even your soul was dented
The throe was so intense that you can’t bear it
Suddenly your place was so murky
You see a soul but you’re not able to distinguish
And you lose consciousness
That single soul was so anxious and vexed
Because she was sentient of the incident
When you’re about to fall
She came running to the point of losing her breath
Unfortunately, she was not able to catch you
She cried a river, and she blames herself
For not being there when you fall
But then she realized that there’s no room for it
She has to be brawny and strong
For the soul that fall from a brink
She lifts the body and put it in her lap
Trying to alleviate the twinge in your soul
She furnish the strength that she all have
To regain your strength
She was weeping, and praying
Asking for Him to give back your existence
Because she knows that she can never live a life
Without your existence
And that single soul is
Your very BEST FRIEND….
Wednesday, May 24, 2006
Driving without licence???
Yesterday I got my new drivers licence, “student” again. 5 years na yata akong may student permit.. pang 3rd ko na ito. Not because hindi ako nakakapasa sa non-pro. Tamad lang akong kumuha, kaya laging naeexpire ang student licence ko.
At kung hindi pa dahil baka magkaroon ng service sa office, baka hanggang ngayon tamarin pa rin akong ayusin ang licence ko..
Matagal na akong pinapakuha ng mga kuya ko, dahil nga hindi ako makapagdrive ng ako lng. Kahit gusting gusto kong magdrive, ayaw ng mga kuya kase wala daw akong licence. Minsan napipilit ko naman sila, pero 98% na hindi. Kaya ang alam ko, hindi pa talaga ako pwedeng magdrive mag-isa, kase kulang sa practise. Madalas akong pagalitan pag ako ang nagdidrive, ang bilis ko daw tapos hindi raw ako marunong tumingin.. Kakainis talaga pag nagdidrieve ka tapos ang katabi mo ang bunganga ay halos nasa tenga mo na. Sa halip na matuto ka at magawa ang tama, lalo kang matataranta.
Hanggang sa dumating ang araw na napatunayan kong marunong na akong mag-isa. Martes ng hapon, tumawag ang kaibigan ko, na nakabili ng sasakyan naming, ewan ko ba kung bakit naisipan nya agad bumili, e walang kaalam alam sa pag didrive, clutch nga hindi nya alam.. Kaya ako ang pinagdiskitahan nya. Pinilit akong ipagdrive sya sa libis, ako naman itong si “full of adventure” na tao, oo naman ako. Basta, walang maingay sa bahay. Nung una ayaw ko, kase bukod sa wala akong licence, coding pa.. patong patong na violation na yan kung mahuli. Dahil sa pamimilit nya, at excited din ako.. Sige go tayo basta 7pm ang alis, para wala ng coding..
Ayan na, pati sasakyan ng kapit bahay nya nadrive ko kase nakahara sa drive way.. whew! Sabi ko pag 3times namatay ang makina, uwi na lang kami, kase baka kung saang lupalop kami pulutin.. Wow, grabe, isang lane lang talaga ako, no breaking the red light. Hay kakakaba pala. Parehas pa kaming geographically idiot. Sadyang pinagpala lng talaga kami, at walang masamang nangyari.. isa lng, nagpark ako ng paatras, wah! Medyo dumikit ang bumper.. Pero ok lng, dati ng may gasgas ang bumper.. hay, ang galing ko ng magdrive.. At walang kaalam alam ang mga tao sa bahay na marunong na akong mag-isa.. bwahahahaha.
Kaya naulit ng naulit ang pag didrive ko ng walang licence.. Nakakakaba, pero ngayon good girl na ako.. may licence na ako… sarap ng feeling, walang kaba pag nagdidrive..
Ang bait nga nun mga tao sa LTO (balic balic), kase yun expired ko na licence naka offline pala nun inapply ko sa province, kaya back to requirements daw ako.. nyah, kukuha pa ako ng birth certificate?? Buti naawa yun isa, pinafill-up na lng ako ng bagong form, tapos hinihingan ako ng picture (part of the requirements) pero wala akong picture.. Dahil na rin siguro mukhang desperado na ako sa licence kaya pinagbigyan pa rin nila ako.. yahoo..
Sunday, May 14, 2006
ibang dimensyon...
1998 naming nakuha ang unit na ito.. pero hanggang ngayon ay hindi naman ako nababagabag ng mga sinasabi nilang mga nilalang sa ibang dimension.
Dati, matatakutin talaga ako, may mamatay lng na kapitbahay namin sa probinsya takot na takot na ako. Pero napaglabanan ko na ito. Kaya ng icontrol ng isip ko ang mga takot nayan.
Ang kuya ko, hindi ko akalain na nakakakita pala sya, pero hindi naman malakas ang mata nyan.. paminsan minsan nakakakita sya. Minsan nagkukwentuhan sila dito sa bahay, dahil sa abala ako sa ibang bagay, hindi ko masyadong maintindihan, dahil na
rin siguro ayaw nya iparinig sa akin kase baka matakot ako.
Naglakas loob naman ako na tanungin kung ano yung pinag-uusapan nila, ayon may nakikita daw sila dito sa room ko (parang natatakot ako bigla) lalaki ito. Pati yun helper naming dito sa bahay nakakakita din, mas malakas sa kanya. Inisip ko naman wala naman akong dinadalang lalaki sa room ko, hanggang sa malaman ko na ito pala ay “the others”. Takot ako, hindi ko alam kung pano ako matutulog kinagabihan.. waaaahhhhh. Nakita ng kuya ko nakaupo daw sa kama.
Yun pinsan ko naman, isang umaga sumilip sa room ko, kase makikigamit ng PC ko, akala nya nandun ako, nagulat sya bigla akong dumating galing sa labas.. may nakita daw sya nakaupo sa PC.. waaaahhhhhhhhh.. ayoko na. bat kase sa room ko pa.. Pati bestfriend ko sabi meron daw talaga.. Ok lng naman sa akin kung meron talaga, basta wag lang magpapakita sa akin o magpaparamdam.
Madalas akong magcomputer sa madaling araw.. One time around 3am, habang abala ako sa pag-iinternet, sarado ang ilaw sa room ko, tanging liwanag lang sa monitor ang makikita mo, biglang bumukas ang pinto, nakalapat naman at kelangan mo pa ng force para mabuksan, at naramdaman ko ang malamig na hangin, panong magkakahangin form the door e, sa apat na bintana ng kwarto walang pumasok na hangin… nyaaaaaaa, nangangatog ang tuhod kong binuksa ang ilaw, dali daling pinatay ang PC, nagtalukbong ng kumot at pinilit matulog.. wheew!! Pero inisip ko pa rin na hangin lang yon.. hehehe
At ang pinaka creepy, around 3am din, may ka chat ako tapos naka on ang web cam ko, tama ba naman akong tanungin kung may kasama daw ako sa room, sabi ko wala, tapos sabi nya talaga, e sino yun nasa likod mo.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa… ayoko na, off ko cam. Langyang yun, di ako alam kung ginugood time ako…
Pero ok naman, hindi ako natatakot, may times lang pag iniisip ko. Mas madalas pa rin akong magstay dito sa room ko, kahit ako lng mag-isa dito sa bahay. Mas gugustuhin kong tumambay dito kesa sa sala.. Minsan nga pag may nawawala akong gamit, pinapahanap ko sa “the others”. Lumalabas naman ang gamit..
Thursday, May 11, 2006
Mahirap talaga.
quebra bengo mi medicen
porque nacien la quebrada
carnavelito de miquerer
to da la rueda venga bailar
a yes deun yaravi
entrecha rangos seha de vidar
ecos donde sentir
bombes ri sueños a ligraran
yan ang bago namin kanta ngayon, may choreography pa yan. Mga kapatid watch kayo, may 11, 8pm sa harap ng Fatima church.
Pag ibang linggwahe ang inaaral nakakapraning talaga, iisipin mo na ang tamang tono, pati tamang pronunciation iisipin mo pa rin, nagkandabuhol buhol ang dila ko noon bagong aral naming nito. At pag nakuha mo na ang tamang tono at pagbigkas, pakikialam naman ay ang placement ng boses mo. Sadyang napakahirap kumanta..
Minsan iniisip ko kung may mabuting naidudulot sa akin ang classical music or ang chorale singing, kase wala na akong narinig na magandang kanta. Lahat yata ng live performer (pop singers) sikat at hindi, sumesemplang pa rin. Hindi naman ako kagalingang kumanta, wala ako masyadong vibrato at hindi ganon kalakas ang boses, pero nakakadala naman daw ako ng tono. Kung ang power ng boses ng mga tinatawag na principal sa amin ay 100dB, ako ay 50dB lng.. Nahahasa daw talaga ang tenga pag sa classical, kase sakto dapat palagi ang tono.
Marami naman akong natututunan, mga tinatawag na placement ng boses, mga glottis (the opening of the larynx) bilabial (sound produced by contact of 2 lips), flat (kulang sa taas), sharp (sobra sa taas), staccato, forte, mforte (malakas), pp (mahina), at kung ano ano pa. may boses pala sa ngipin at batok, sabi kase ng aming maestro, wag daw ilagay sa ipin or batok un boses. aba pede pala un. Nung nagsstart palang ang training, may mga tumutuwad habang ang tatlong daliri ay nakapasak sa bibig.. feeling mo matatanggal na ang ngalangala mo, kase kelangan pang lakasan pero yun na ang pinakamalakas, meron pa palang ilalakas. May boses na mahangin, pero nagiging buo pagkatapos matrain ng mahabang panahon.
Pag maycontest at concert, medyo mahigpit si maestro, maraming bawal:
- Bawal magpuyat, so kahit may insomnia ako at adik sa madaling araw na internet, pinipilit kong matulog ng maaga. Aba naman kase napakatataas ng dapat mong i-hit na tono. Hindi pedeng ma flat..
- Bawal ang tsokolate.. kase daw nagcoclose ang lalamuna.
- Bawal ang ice tea…
- Bawal lahat ng inumin, tubig lang ang pede.
Hay, sacrifice din talaga. (nag 1st place naman kami sa isa sa mga kompetisyong sinalihan naming)
Kaya ngayon, at kahit dati pa, hindi ako nanonood ng ASAP at SOP, kase nabubuwisit lng ako. Wala sa mga tono ang kumkanta ang sakit sa tenga. Gusto ko dati M@M^ (baka kase awayin ako ng mga fans), pero hindi na ngayon, pangit na nya mag live or gumaling lng talaga tenga ko… Mahirap lng talagang kumanta..
I remember nun tumambay kami sa baywalk ng mga kaibigan ko, hindi ko maintindihan kung bakit may nagpeperform na ganon, as in… hindi kagalingan.. ay, hindi pala talaga magaling. Out of pitch na, wala pang kapower power ang boses.. Masama yata talaga naidudulot sa akin ng choir, nagiging mapanlait ako.. hehehe. Marami lng siguro akong kilalang talented sa pagkanta pero hindi nabibigyan ng break..
Haba nap ala nito… antok na ko.. To sum it up, mahirap talagang kumanta.
Saturday, May 6, 2006
dalawang katauhan...
Thursday, May 4, 2006
Mukha sa likod ng maskara
- Pagkauwi galing sa morning swimming, pahinga ng konti
- Pagkatapos ng ilang minuto, punta na sa meeting place para sa next swimming (overnight)
- Pero hindi natuloy ang swimming, kaya sa dating tambayan, nauwi sa inuman.. yan ang tinatawag nilang dry swimming.
- aroung 10AM, uwian na...
- pagdating sa bahay, nagbasa muna ng news paper dahil baka sakaling may magandang idulot ang pagbabasa ng dyaryo..
- Oopppss kelangan palang aralin ang "The Majesty ang Glory" dahil kakantahin sa 7:30PM na mass
- After mass and rehearsal, french fries sa McDo craving, hanggang ala una kami sa paghahanap ng 24 hrs na McDo, sa kasamaang palad wala kaming nakita..
- 2:30AM, wow Sleeping time na sa wakasssssssssss.. Me badminton game tom 9AM.
So hyper ba ako?? Yata. Sabi nila.. hehehehe. Masaya lang talaga akong tao at punong puno ng ngiti sa mukha, sabi nga ng SA sa unibersidad na pinanggalingan ko, mukhang hindi raw ako nagkakaproblema. Maraming mukha, maraming interpretasyon.. ang iba ang sabi, napakaseryoso ko daw at mukhang suplada, may nagsasabi naman na mukhang loko loko at adik.. at whatever.
Minsan sa kabila ng ngiti ay may nagkukubling kalungkutan, sa mukha ng kasiyahan ay may natatagong pagkabagabag.. Ninais mong itago ang kahinaan, dahil sa ayaw mong makita nila ito. Mahirap pala yon. Minsan hindi mo na alam kung saan ka kukuha ng lakas para ipamahagi sa ibang mga mahihina.. Ganito na yata talaga ang papel ko sa buhay, at magbigay sigla... EXTRAJOSS, walang bote bote.. hahahaha
Sa loob ng maskara maraming hiwaga ang nababalot....
Wednesday, May 3, 2006
kwento kwento ng ka-hyper-an.....II
At dahil sa kasama namin si heikkenen (dnt kno if this is correct, beer na nasa green can, hindi pa naming to nakakasalamuha, kaya try namin) sa kwentuhan, hindi namin namalayan ang oras….mag-aalas kwatro na pala.. para masabing natulog ako, at walang kumontrang matatanda sa swimming, nahiga naman kami at nagkunwaring natutulog.. makalipas ang isang oras ayan na, dandadadan…. It’s time to go… nagkunwaring tulog na naman kami sa sasakyan para hindi nila sabihin bawal maligo ang puyat..hahahaha.
Nakakainip pala ang nakapikit lang, parang napakatagal ng byahe, aba laguna lang un.. pagdilat ng mata ko, sus ginoo, lahat yata ng mga tao e nakaisip magswimming sa laguna dahil sa dami ng sasakyan nagkalat.. sige, pikit ulit, pero hindi na ako kumportable, parang hinahalukay ang sikmura ko dahil sa gutom, sabayan pa ng kakaibang sakit ng tyan na parang may pwersa sa kinauupuan.. ano ba naming pakiramdam ito.. magaling akong magproject kaya parang walang anumang ang nararamdaman ko.. Isang oras pa ang lumipas at nakarating na kami sa destinasyon, hay salamat naman.. syempre pa pasimple akong naghanap ng lugar kung saan pede kang maupo sa trono at magrelax, kunyaring magshohower lang.. para hindi masyadong halata, kain muna at inom ng kape, konting kwentuhan.. nun hindi ko na talaga makayanan ng natitira ko pang pwersa sa pagpigil, dahan dahan na akong naglaho sa paningin nila.. Napakasarap talagang gawin ang mga bagay bagay na mag-isa ka lng, na parang sarili mo ang mundo..
Lahat sila ay sabik ng magbabad sa tubig. Ako naman ay halos maubos na ang lakas dahil sa kawalan ng tulog at pagkapagod.. panood nood lang sa mga tao, picture picture.. pero ang gusto ko talagang gawin ay gulantangin sila at maghasik ng lagim sa videoke.
Maya maya pa ay may nagkalakas ang loob na lumapit sa videoke at nagsimulang kumanta, pakiramdam ko ay may sira ang machine ngunit hindi ko ito mawari kung ano.. Pagkatapos nila kami naman ng bestfriend ko ang lumapit sa machine at ng kami kumakanta, wala naman itong diperensya, nagkataon lang siguro.. syempre pa medyo makapal na mukha ko kaya, sige, kanta lang ng kanta, lahat ng mataas…. Pero parang gusto na akong murahin ng machine..at kung pede lang magreklamo ang lalamunan ko, e sinabi na na tigilan ko na ang kalokohang ito.
At hindi ko rin alam kung bakit kung kelan tirik ang araw, don ko naisipang magbabad sa tubig, (morena na ako ha) baka sakaling pumuti ako e.. hekhekhek. Langoy dito, laggoy don.. na parang napakaraming enerhiya pa sa katawan ko.. at ng medyo napagod, tambay ulit kami sa videoke, hindi ko talaga maintindihan kung may sira talaga ang machine, advance ang music, masyadong mabilis para sa kumakanta, buti na lang tumitino pag kami na.. :)
Uwian time na. Sa unang tatlumpung minuto, ayan at may mga lakas pa sila, kwento kwento, maya maya lng, kanya kanyang bayubay ng katawan, ang iba ay parang nagaakrobatik na, makakuha lang ng pwesto para makatulog, ang mga ulong animo’y kumakatok sa pintuan, ayan at pag pumepreno ay mauupog, pero wala parin silang pakialam, meron naman na halos kasya ang dalawampung langaw sa laki ng pagkakabuka ng bibig.. at ng maisip ko na may next swimming pa pala ako pag kauwi, overnight naman, pinilit kong makatulog… swimming marathon ito..
Tuesday, May 2, 2006
kwento kwento ng ka-hyper-an..
Simulan natin nun Friday morning.. Ito ay isang normal na araw, papasok ng alas nwebe, magbubukas ng pc at mag-iisip kung anong magandang gawin para hindi mabagot. Pagdating ng alas onse, internet na, hanggang sa pagsapit ng alas dose, sa pagbukas ng pintuan ng aming opisina, nagulantang ang aking mundo, biglang nagbago ang ihip ng hangin, naputol na ang sumpa.. “Raz, punta tayo ng laguna may meeting tayo..” ayan ang bungad ng aking boss. Whaatt?? Is this for real?? Nagmamadali naman akong kumain ng tanghalian, halos hindi ko na nguyain ang pagkain ko, hindi ko malaman kung gusto kong tumambling sapagkat makakalabas ako sa apat na sulok ng aming opisina at hindi na ako mahihirapan na mag-isip kung anong gagawin para maglaho ang pagkabagot..
Makaraan ang halos isang oras na byahe, naabutan naming ang kalaban sa bidding, naghihintay ng kanyang oras para sa negosasyon. Isang oras pa ang pinaghintay naming sa labas, naku ang init at nakakapagod tumayo, pakiramdam ko ay tinubuan na ng ugat ang mga binti ko. Pagkatapos ng kalaban, kami naman.. Gusto nun isang doc na mapunta sa amin ang proj, kaya ayon sagad na sagad na sa presyo. Kaya pala gusto nun doc na mapunta sa amin un proj, kase likable nya ang dalawang macho gwapito kong boss, (male pala si doc ahahahha). At matapos ang negosasyon, hindi pa nakuntento si doc, nagyaya sa kapehan.. ahahahha, gusto pa makipagbonding.. ayan tuloy inabot kami n gals syete ng gabi sa laguna..
At dahil sa may rehearsal ako ng 8pm, kahit medyo pagod na, diresto pa rin sa rehearsal… After ng rehearsal, umuwi lang ako to get my things kase may swimming ako ng morning, at sa bestfriend ako matutulog, kaso hindi naman kami natulog kase kwentuhan.. (antok na ko…. Bukas na lng)
Wednesday, April 26, 2006
hohummmm....
Bandang hapon, darating ang boss, babalik sa dating gawaain, kunyaring busy pero nagbebeat na naman ng top scores.. Karimarimarin na ang ganito, buti na lang ako'y laging may bitbit na aklat, "7 habits of highly effective people" kahit papano feeling ko may nagagawa ako para sa ikauunlad ng aking kaisipan... yahoooo...................
Tuesday, April 25, 2006
salamat sa dahon
Binagtas namin ang kalye ng bataan patungong, (nakalimutan ko na st nina JC). Excited na ang lahat mapanood ang kanya kanyang pagmumukaha, sa kasamaang palad puro mukha ni shally at raz ang makikita mo, na halos patayin mo na ang TV dahil sa walang ibang makita.. Matapos patyagaan ang video, nagsiuwian na kami.
Hay, napakalayo pala ng parking ng awto namin na si esmeralda, mga 500meters pa from JC's house. So lakad ulit kami ng kuya ko at ang iba naman ay naglakad na sa kanilang mga tahanan. After 15min ng paglalakad, nakasakay na rin kami kay esmeraldo.. Hay sarap maupo, ilang saglit pa binabagtas namin ang tuazon, biglang "oh sh*t" sabi ng kuya ko, tanong ko naman bakit? biglang "Brg grug............" Whatttttt??? Yun pala sinipsip na at sinaid ni Esmeralda ang kakaunti ng gas... Bakit kelangang makalimutang magpagas.. I can't believe it.. Ito ba ay sa kadahilanang mahal na ang gas ngayon? sa sobrang tensyon hindi malaman ng kuya ko kung anong gagawin. At habang nag-iisipin itinulak nila si esmeralda, habang ako ay nasa manibela, dahil sa tensyon na rin biglang hindi ko na alam kung ito ba ay nakanyutral.. oh men!! Buti na lng malapit na ang gasoline station, habang bumibili ang kuya ko, naiwan ako sa loob ng sasakyan para magbantay.. makalipas ang dalawangpu't limang minuto, dumating na sila...hay salamat. Ngunit hindi namin maibuhos lahat ng laman ng galon na dala nila dahil sa may kalaliman ang lagayan, sa pagtingin ko sa paligid parng biglang nagkaroon ng callouts sa taas ng ulo ko ay may bulb na umilaw, sabay hayun ang dahon gamitin natin na parang tunel.. bwahahahaha.. tagumpay. Hayan na pina-istart na ni kuya, ngunit ayaw pa rin magstart, kinabahan ulit kami, matapos ang ilang ulit na pagpapastart, gumana na rin... hayyyy..... salamat sa dahon...